Maxine Medina reveals meeting fiancé Timmy Llana when she was in high school

by Noel Orsal
4 days ago
Maxine Medina and Timmy Llana
Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina on reconnecting with Timmy Llana after many years of being apart: "Through group of friends ulit, nakilala ko yong ate niya. Sa mga out of town lagi akong kasama sa group nila. Doon na niya inamin na may pagtingin pala siya sa kin."
PHOTO/S: Noel Orsal

Meant for each other talaga si Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina at ang non-showbiz fiancé niyang si Timmy Llana.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinahagi ni Maxine na matagal na silang magkakilala ni Timmy bago pa sila nagkamabutihan at naging magkarelasyon.

"I was in first year high school, and then siya college. I was in the varsity for volleyball.

"I remember vividly na lagi kaming magkasalubong... Yon yong first meet namin.

"Tapos, ayon, lagi na siyang nasa gym every time na nagte-training ako," kuwento ni Maxine.

Nanligaw ba sa kanya si Timmy noong nag-aaral pa sila?

Sagot ni Maxine, "That time kasi hindi pa ako nagkakaroon ng boyfriend, e, walang ibang nasa isip ko kung hindi yong varsity ko, volleyball.

"So, no pa, hindi ko napi-feel na nililigawan niya ako. Nag-o-offer siya ng ride pauwi, pero ayaw ko, natatapos yong training ko late na.

"So, that time, may kotse siya and lagi siyang nag-a-ask ng ride. Siyempre, college siya, high school lang ako."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mayroon silang same circle of friends, pero matagal na panahon din silang hindi nagkita nang grumaduate na sila sa pag-aaral.

"Noong sumali ako ng Miss Universe, I got so busy, then nag-showbiz ako and pinrioritize ko muna yong work," sabi pa ni Maxine.

Hanggang sa nag-reconnect sila dahil sa kanilang common friends.

Kilig na kuwento pa ni Maxine, "Through group of friends ulit, nakilala ko yong ate niya. Sa mga out of town lagi akong kasama sa group nila.

"Doon na niya inamin na may pagtingin pala siya sa kin."

Hindi ba sila nanghinayang na sana dati pa sila nagkahulugan ng loob?

Ayon kay Maxine, “Hindi namin masabi, e. Parang God’s timing talaga. Yong ex ko kasi, it’s not an ideal relationship, so kinukuwento ko sa kanya.

"Thankful kami na pinagdaan namin yong part ways kasi kapag pinagdaanan namin yon together, wala na.

"At least now, we’re mature and we know how to handle things. Like yong mga problems and mga petty arguments, hindi na namin masyadong ine-entertain."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakapanayam ng PEP.ph si Maxine nang mamili sila ng wedding rings sa J's Diamond sa Trinoma Mall sa Quezon City noong May 16, 2022.

Kasama rin ni Maxine ang fiancé niya na si Timmy sa event.

Nang tanungin kung ano ang pinakanagustuhan niya sa beauty queen-turned-actress, sabi ni Timmy, "Besides her beauty, pareho kami ng interests. Mahilig siyang mag-beach, she’s into diving. Everything about her."

Pinakanagustuhan naman ni Maxine kay Timmy ang pagiging bukas nila sa isa't isa.

“Ako kasi kilala ko na siya. I know all the good things about him," sabi ni Maxine.

"Pero kung ngayon na mas nakikilala ko siya, may mga flaws din siya na minahal ko rin na parang na-accept ko rin siya.

"Surprisingly, kahit ayaw ko yong mga flaws na yon, I learned how to accept and understand it.

"Kaya ko siyang dalhin. Hindi siya yong sobrang heavy to the point na aayaw ako. Walang ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Maxine Medina, ayaw sundan ang yapak ng kapwa beauty queens na sina Cindy Miranda at Kylie Verzosa na nagpapaseksi sa pelikula

maxine medina and timmy llana ENGAGEMENT

April 4, 2022 naganap ang proposal ni Timmy kay Maxine habang nagbabakasyon sila sa Palawan.

Read: Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina is engaged

Kuwento ni Timmy, "Birthday niya, kasi magla-lock in siya sa taping noon, e, so in-advance yong birthday celebration niya.”

"Yes" agad ang sagot ni Maxine sa proposal ni Timmy.

Ani Maxine, "Hindi talaga siya nawala, e. Ever since day one kasi parang unfinished business.

"Naging TOTGA [The One That Got Away] ko siya, he’s consistent. There were times na hindi kami nag-uusap for like two years then nagre-reconnect ulit."

Maxine Medina and Timmy Llana

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang naramdaman ng magulang niya nang ipaalam niya na engaged na siya kay Timmy?

Sagot ni Maxine: "Si Mommy nagulat siya na kilala ko na siya way back pa. Sa family kasi namin hindi kami nagpapakilala."

May basbas din daw ng yumaong lolo ni Maxine ang napipintong pagpapakasal nina Maxine at Timmy.

"After my engagement, my lolo passed away. Literally, pagdating ko sa Manila, in-announce ko sa kanya na engaged na kami, and then he passed away.

"Sabi sa kanya ng lolo ko, 'Wag kang babalik sa bahay nila nang wala kang plano.'

"I know he can’t hear kaya pina-feel ko na lang sa kanya yong ring and parang nag-teary-eyed siya.

WEDDING PLANS

Nakatakda ang beach wedding nila sa October 3, 2023, at ang kanilang Catholic church wedding ay sa October 10, 2023.

Ibinahagi ni Maxine ang wedding plans niya.

"Intimate lang. Sa beach, nag-invite kami ng friends, pero sa church, for the family lang. Very, very intimate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sa entourage, kasama si Ariella Arida, Ritz Azul, and Dianne Medina. Sa guests, I think pupunta yata ang First Yaya cast."

Si Ritz ay nakatrabaho ni Maxine sa Los Bastardos at pinsan naman niya si Dianne Medina.

Sinu-sino ang principal sponsors?

Sabi ni Maxine, "Halos lahat ng ninongs and ninangs, mostly titos and titas lang. I got Ben Chan kasi grabe rin yong support niya sa akin before."

Ang wedding rings nila ay mula sa jeweler na J's Diamonds.

Sa napili nilang disensyo ng rings, paliwanag ni Maxine: "I wanted it to be simple lang, like, every time na titingnan mo, we have a story to tell...

"Heirloom, classic, and elegant. Gusto namin yong puwede naming mapasa to future generations."

Ang pinsan daw ni Timmy ang nagkonekta sa kanila sa jewelry brand.

Si Rhett Eala naman ang designer ng wedding gown ni Maxine. Alam na raw ni Rhett ang taste niya dahil ito rin ang gumawa ng gowns niya sa kanyang Miss Universe journey noon. Si Rhett na rin ang bahala sa suit ni Timmy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa kay Maxine, may wedding planner sila ni Timmy pero hands on pa rin siya sa preparations.

Challenging daw kasi dalawa ang magiging kasal nila in a span of one week—October 3 and October 10.

Maxine Medina and Timmy Llana

EXCITED TO HAVE A FAMILY OF THEIR OWN

Pagdating sa pagpapamilya, chill lang ang couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Maxine, "Go with the flow ako. As much as I wanted to do planning, parang lahat ng plans ko hindi nagkakatotoo, so might as well go with the flow na lang ako.

"Hindi ako nagdadamdam when something’s wrong. Maybe yong fulfillment kasi is nandito na ako sa ganitong stage na hindi na strict yong parents ko and I can do anything I want.

"Tapos I now have my partner with me to plan things in the future.

"Now, nag-change na talaga yong mindset ko about time. Feeling ko yon na rin yong part ng fulfillment na binigyan ka ng privilege ni God na to have our own family."

Ilan ang gusto nilang anak in the future?

"Two. Twins yong gusto niya and may chance kasi sa family niya may twins. Probably, boy and a girl sana," ani Maxine.

Ngayong malapit na silang ikasal, magiging hadlang ba yung trabaho ni Maxine sa kanilang pagsasama? Hindi ba magseselos si future hubby?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I think kung kayang pagsabayin, gagawin ko. Sanay naman ako sa multi-tasking.

"Hindi naman siya seloso, pero may times na ganun pa rin siya, which is I like. Pero with respect in my career, hindi naman siya nagseselos," saad ni Maxine.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina on reconnecting with Timmy Llana after many years of being apart: "Through group of friends ulit, nakilala ko yong ate niya. Sa mga out of town lagi akong kasama sa group nila. Doon na niya inamin na may pagtingin pala siya sa kin."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results