Sinagot ng singer-songwriter na si Jason Hernandez ang mga maanghang na patutsada sa kanya ni J’mee dela Torre, kapatid ng estranged wife niyang si Moira dela Torre.
Nag-ugat ang pasaring ni J’mee kay Jason dahil sa music video ng bagong kanta ni Jason na “Ikaw Pa Rin.”
Napansin ni J’mee at ng maraming netizens na tila dedicated kay Moira ang kanta nito.
Isa sa nakakaintrigang lyrics ng kanta ay ito: "At noong sinabi kong mahal ko siya, hindi ko mapigilan ang isipin kita. Kahit na lumipas ang buwan at taon, bakit ikaw pa rin hanggang ngayon ang hinahanap ko?"
May video clip ding ginamit mula sa kasal nina Jason at Moira.
Miyerkules ng gabi, May 24, 2023, magkakasunod na tweets ang ibinahagi ni J’mee.
Dito ay tahasan niyang binatikos ang dating bayaw.
Banat ni J'mee, "nakakatawa ung buong song, especially ung part na 'naghihintay parin hanggang ngayon sa ikaw at ako.' kasi parang sa buong year never ka naman nag-effort sa ate ko??? never ka din nag-effort sa family namin before and after kayo naghiwalay. like ????"
Dagdag pa niya, "naiirita lang ako kasi ang layo talaga ng mga pinagsasabi mo sa lyrics ng kanta mo. why do u need to manipulate ppl into thinking that you still love and miss her?? like wtf? ang layo talaga.
"tapos ginamit pa yung video clips from the wedding, concerts and the tagpuan mv--WITHOUT my ate's permission? lmao. forda clout chasing amp ure getting too desperate and jt's kinda funny lol"
Burado na ang tweets na ito ni J'mee at hindi na rin makikita ang kanyang account.
JASON REACTS
Ngayong Huwebes, May 25, sinagot ni Jason si J’mee sa pamamagitan ng isang Facebook post.
Dito ay sinabi niyang gumawa siya ng paraan upang tuparin ang ipinangako niya kay J'mee kahit hiwalay na sila ng ate nito.
Kaso, sinabihan daw siya ng ina nina Moira at J'mee na huwag na silang gambalain kahit kailan.
Saad ni Jason: "Sorry J’mee I didn’t want to do this. I tried calling you but you blocked me everywhere.
“I was caught off guard when you posted your tweets because one, I showed you this song last year July already so I don't get why you're surprised with the lyrics.
“Number two I visited May, August, October, and December to give gifts for Christmas.
“I promised you I'd still be your kuya no matter what. But when your mom expressed that Moi didn't want me hanging out with you guys, I respected that that's why I stopped visiting.”
Sinabi rin ni Jason na matapos silang maghiwalay ni Moira ay sinuyo niya ito ulit para makipagbalikan sa kanya.
May mga panahon pa raw na ipinagtulakan siya nitong huwag na huwag nang magpakita sa kanya.
Aniya, “Third, “buong year 'di ka nag-effort sa ate ko'?", how can you be so sure? You didn't see kung paano ako lumuhod at umiyak so she would take me back (ate lea and chai saw), you didn't see kung paano siya nagbasag ng baso to shut me up, you didn't see kung paano siya galit na galit noong nagpadala ako ng food sa kanya cause I thought she was sick and how she told me to never go near her again.
“You don't know how I would wait outside the condo para ma-timingan lang siya kausapin.
“I’ve been good to you and your family and I’m sorry if you were fed false/exaggerated/filtered details, but I gave my all to try to get her back.”
Burado na rin ang Facebook post na ito ni Jason.
Nitong mga nakalipas ay naging usap-usapan ang Instagram posts ni Jason kung saan kasama niya ang isang mystery woman na pinaghihinalaang bago niyang karelasyon.
Read: SOFT LAUNCHING: Jason Hernandez posts “harana” photos with mystery woman