Sobrang ikinatuwa ng Kapamilya actress na si Barbie Imperial ang pagkabasura ng tatlong reklamong inihain laban sa kanya ng Vivamax sexy star na si Debbie Garcia sa piskalya.
Ang mga reklamong ito ay slight physical injury, grave oral defamation, at grave slander by deed.
Read: Debbie Garcia files multiple complaints against Barbie Imperial
Noong May 24, 2023, inilabas ni Ogie Diaz sa kanyang vlog ang kopya ng deisyon ng piskalya na nagsasabing ibinasura lahat ang mga reklamo ni Debbie laban kay Barbie dahil sa kakulangan ng ebidensiya.
Hindi raw napatunayang ginawa ni Barbie ang mga paratang ni Debbie base sa CCTV footages na kanilang isinumite sa korte.
Ayon sa desisyon ng fiscal: “WHEREFORE, in view of the foregoing, the undersigned finds that the charges against the Respondent Barbie Imperial y Concina, alias “Barbie Imperial” for Slight Physical Injuries under paragraph 1, Article 266 of the Revised Penal Code, Grave Oral Defamation under Article 358 of the Revised Penal Code and Grave Slander by Deed be DISMISSED due to INSUFFICIENCY OF EVIDENCE.”
Read: Fiscal junks three complaints filed by Debbie Garcia against Barbie Imperial
Huwebes ng gabi, May 25, 2023, natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa surprise birthday party ni Ara Mina na handog ng mister nitong si Dave Almarinez.
Ginanap ang party sa Manila House Private Members Club, sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Dito ay hiningan namin ng reaksiyon si Barbie tungkol sa pagkakabasura ng mga reklamo laban sa kanya.
Ayon kay Barbie, tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib dahil alam niyang wala siyang nagawang masama laban sa sexy star.
Hindi nga raw siya nagpaunlak ng anumang panayam ukol dito.
Nanindigan din siyang huwag patulan si Debbie.
Sabi ni Barbie, “Of course, magaan siya for me kasi knowing na hindi ko yun ginawa sa isang tao, tapos lumabas yung balita, parang siyempre hindi na ako proud na ganun yung nangyari.
“But I’m very happy and sobrang gaan sa pakiramdam na na-dismiss na yung kaso.
"And actually that’s all I want to say about it kasi never ako nagpa-interview about it, like, ayoko talaga siyang patulan.”
Samantala, ayon sa kampo ni Debbie, sa pamamagitan ng legal counsel niyang si Atty. Catherine Amen ng Amen Pablo-Santos Perez Law, hindi pa natatanggap ng kanyang opisina ang kopya ng resolusyong tinutukoy sa vlog ni Ogie kaya hindi pa nila alam ang katotohanan tungkol sa diumano’y pagkakabasura ng reklamo ni Debbie laban kay Barbie.
Pero, gagawa raw sila ng panibagong hakbang sakaling makumpirmang totoo ang desisyon ng piskalya.
Saad niya, “However, if that was indeed the resolution issued, we will be filing the necessary pleading before the Office of the City Prosecutor of Quezon City."
Read: Debbie Garcia's camp reacts to reported dismissal of complaints vs Barbie Imperial
Selos ang itinuturong dahilan kaya, diumano, sinaktan at pinaratangan ni Barbie si Debbie ng masasakit na salita nang magkita sila sa isang bar sa Quezon City.
Itinanggi ni Debbie ang balitang nagkakamabutihan sila ni Diego Loyzaga, ang ex-boyfriend ni Barbie, kaya wala raw rason para pagselosan siya ng Kapamilya actress.
Read: Vivamax star Debbie Garcia, ipina-blotter ang pananakit umano sa kanya ni Barbie Imperial