Malaki ang pasasalamat sa Diyos ng actor-director na si Ronnie Ricketts na natapos na sa wakas ang kasong graft na kinaharap niya noon.
July 2022, inilabas ng Korte Suprema ang final decision ng kaso kung saan binaligtad ang hatol na guilty ng Sandiganbayan laban sa aktor.
Hinatulang guilty ng Sandiganbayan ang dating Optical Media Board (OMB) chairman na si Ronnie sa kasong graft noong March 15, 2019.
Read: Ronnie Ricketts found guilty of graft by Sandiganbayan
Pinawalang-sala siya ng Kataas-taasang Hukuman dahil hindi raw napatunayan ng prosecution na sangkot si Ronnie sa kasong graft na isinampa laban sa kanya.
Ito ay base sa desisyong isinulat ni Associate Justice Ricardo R. Rosario noong March 2022, na isinapubliko lamang noong July 2022.
Nakasaad sa court decision: “The appeal of Ricketts is meritorious. We find that the evidence against him is mere hearsay. The prosecution failed to prove his participation in the crime beyond reasonable doubt.”
Read: SC reverses Sandiganbayan’s guilty verdict against former OMB chair and actor Ronnie Ricketts
Sa birthday surprise ni Dave Almarinez para sa asawang si Ara Mina kagabi, May 25, 2023, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ronnie.
Ginanap ang party sa Manila House Private Members Club, sa Bonifacio Global City, Taguig City.
Ayon kay Ronnie, may mga tao lamang na nais manira sa kanya at nanindigang wala siyang nagawang mali.
Saad niya, “It [court decision] happened last year, but I was just quiet kasi it’s been ten years of struggle and finally, vindicated tayo.
“God-willing talagang pinaghirapan natin yan and wala tayong kasalanan.
“Talagang may mga tao lang na gustong sumira sa yo.”
Mahaba man daw ang itinakbo ng paglilitis, nagpasalamat na rin siya at natapos na ito sa wakas.
Sabi niya, “But you know, napakita natin yung totoo. Nakita ng mga Justices yung totoo and so, finally, absuwelto tayo.
“It took a while, mahabang proseso, nakakalungkot, napakaliit na kaso na… minsan may kasabihan nga na huwag mong babalewalain maliit man o malaki.
“Kami noon, yung thinking na, ‘Ah, wala yan, it won’t go up.’ But it happened, may mga senaryong nangyari, may nabalitaan kang may ganito, may ganyan, pero hindi mo papaniwalaan.
“Ang paniniwalaan mo… is wala kang kasalanan. But it happened, lessons learned din.”
Nakaapekto rin daw sa kanya ito noon sa kanyang pagtakbo bilang congressional candidate sa Muntinlupa noong 2016.
Mabuti na lamang daw at malakas ang kanyang support system.
Aniya, “Well, yeah, at that time, buong buhay ko naman, wala akong naging kaso, wala akong naagrabyadong tao, so naapektuhan talaga ako.
“Maganda yung suporta ng family ko, e, yung mga kaibigan kong totoo, so it felt good na andiyan sila sa tabi ko.”