Kiray Celis proudly declares: “Mukhang pera ang mama ko.”

Kiray Celis explains why mothers are "mukhang pera."
by Jojo Gabinete
May 26, 2023
kiray celis mother
Kiray Celis: “Ang mga nanay, mga mukhang pera kasi may explain [explanation] naman yan. Sila ang nagpo-provide para sa buong pamilya. Sila ang nagha-handle ng pagkain. Kung nangungupahan, upa. Ganoon ko ina-idolize ang mama ko pagdating sa pera kasi kaya niyang dalhin ang buong pamilya.”
PHOTO/S: @kiraycelis on Instagram / GMA Network

“Mukhang pera ang lahat ng mga nanay.”

Ito ang prangka at may paglalahat na deklarasyon ni Kiray Celis sa panayam niya sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Biyernes ng hapon, May 26, 2023.

Pero ipinaliwanag ng 28-year-old comedienne na “in a good way” ang pagiging mukhang pera ng kanyang ina na si Meriam Celis.

Ikinuwento ni Kiray na noong hindi pa niya nabibigyan ng isang milyong piso ang unang si Meriam, mahigpit ito sa relasyon nila ng kanyang kasintahan na si Stephan Estopia.

“Bago ko bigyan ng one million [pesos] ang mama ko, ‘Bawal kayong maglabas, ha? Kayong dalawa, bawal!’

“Nung nabigyan ko ng one million, sabi niya, 'Kailan kayo magpapakasal?’

“Ganoon! Iba ang nagagawa ng pera! Mukhang pera talaga ang mama ko. Proud ako, mukhang pera ang mama ko. Seryoso yan.

“Ang mga nanay, mga mukhang pera kasi may explain [explanation] naman yan.

"Sila ang nagpo-provide para sa buong pamilya. Sila ang nagha-handle ng pagkain. Kung nangungupahan, upa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Kiray, “Ganoon ko ina-idolize ang mama ko pagdating sa pera kasi kaya niyang dalhin ang buong pamilya.”

Read: Kiray Celis surprises mother with P1M cash gift: “Kulang pa yan sa pagmamahal, pag-aalaga at pag-aasikaso mo sakin.”

Umayon si Kiray nang sabihin ng host na si Boy Abunda, "Medyo masakit pakinggan yung mukhang pera. Mahalaga ang pera para sa mga nanay because they take care of the home."

Pero ulit ni Kiray: “Yung mama ko talagang mukhang pera, in a good way naman.”

Nagkuwento rin si Kiray tungkol sa isang milyong pisong ibinigay nito sa nanay niya.

Lahad niya, “This year, nabilhan ko ng dalawang lote yung mama ko.

"Yung dalawang lote na yon, yung unang beses, napagawa niya agad [ng bahay].

“So, hinihintay lang niya ang malaking pera para maipagawa po [ng bahay] yung bagong lote.

"Pero sabi pa niya, kulang pa raw. Actually, kulang naman po yon sa pagpapagawa."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

ON HANDLING BASHERS

Hindi nagpapaapekto si Kiray sa mga basher, maliban na lang kung ang kanyang pamilya ang binabatikos.

Aniya, “Hindi naman ako nagkakapera sa kanila at saka yung mga namba-bash na yan, updated sila.

"Saka hindi ka naman nila iba-bash kapag hindi ka nila kilala so thankful ako kasi kilala nila ako.

“Napipikon [ako] kapag tungkol sa family. Kapag binabastos yung mama ko, yung papa ko, yung mga kapatid ko. Pero kapag sarili ko, kaya ko.

“Hindi ko maisip ko ano yung mga sinasabi. Basta kapag nagsabi lang nang hindi maganda, nahe-hurt ako kaagad.

“Kunwari, nag-post ako ng sexy tapos sasabihin sa mama ko, 'Hindi ka yata naturuan ng mama mo nang maganda kaya ka ganyan.'

"Pero yung totoo, para sa akin, ginusto ko yon.

“Hindi naman yon sa mama ko. Post ko yyun, hindi naman yun account ng nanay ko,” napaluhang pahayag ni Kiray, na walang takot na nagsalitang si Marian Rivera ang kanyang itinuturing na kahawig niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kiray Celis: “Ang mga nanay, mga mukhang pera kasi may explain [explanation] naman yan. Sila ang nagpo-provide para sa buong pamilya. Sila ang nagha-handle ng pagkain. Kung nangungupahan, upa. Ganoon ko ina-idolize ang mama ko pagdating sa pera kasi kaya niyang dalhin ang buong pamilya.”
PHOTO/S: @kiraycelis on Instagram / GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results