Raymond Lauchengco discovers the joy of fatherhood

by Ruel J. Mendoza
May 3, 2008
"Malaking pagbabago nga for me because ngayon ko lang nadi-discover na masarap pala na maging malapit ka sa mga babies. Bigla kasing nag-kick in ang paternal instincts ko. You discover a lot of things from a baby every day," says Raymond Lauchengco about fatherhood.


Hindi inakala ni Raymond Lauchengco na darating ang araw na magkakaroon siya ng anak. Noong binata raw kasi siya ay hindi siya mahilig sa mga bata. Madali raw siyang mairita noon kapag may naririnig siyang umiiyak na bata.

"That was me many years ago. Hindi mo ako makikitang may karga na baby or nakikipaglaro sa mga bata. Hindi ko lang talaga gusto ang mga bata noon. I didn't feel anything for a kid, not until I had my own child," lahad ni Raymond nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ipinanganak noong October 2007 ang anak ni Raymond at ng asawa niyang si Mia, si baby Natalie Grace Lauchengco. Inamin ni Raymond na iniba ni Natalie ang mundo nilang mag-asawa.

"Malaking pagbabago nga for me because ngayon ko lang nadi-discover na masarap pala na maging malapit ka sa mga babies. Bigla kasing nag-kick in ang paternal instincts ko. You discover a lot of things from a baby every day. Kaya kapag nasa bahay na ako, ang baby namin na si Natalie ang una kong pinupuntahan. Hindi ko na bibitawan ‘yan," ngiti ni Raymond.

Continue reading below ↓

COOKING & GARDENING. Isa pang pinagkakaabalahan ngayon ni Raymond ay ang pagluluto at pag-alaga ng garden nila. Inamin ni Raymond na wala raw masyadong interes ang kanyang misis na si Mia sa mga gawaing bahay. Mas nakatuon daw ito sa kanilang negosyo.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"I don't mind it kasi yun naman ang expertise niya," sabi ni Raymond. "Ako kasi, I discovered na marunong pala akong magluto. So most of the time, kapag nasa bahay lang ako, I do the cooking. Ako ang master chef sa bahay. And I love watching cooking shows nila Wolfgang Puck and Jamie Oliver, pati na ang Iron Chef at Hell's Kitchen.

"Yung gardening naman, nakahiligan ko rin because gusto ko rin na very green ang paligid ng bahay namin. Kung bibisita ka sa bahay namin, very well tended ang mga plants namin and I really have time to do that."

BACK TO THE '80s. Busy rin si Raymond sa kanyang singing career. Makakasama niya ang mga kapanahon niyang sina Gino Padilla, Louie Heredia, at Randy Santiago sa concert na Greatest Hits of the ‘80s sa Music Museum on May 16 and 17.

Continue reading below ↓

Produkto si Raymond ng dekada otsenta, nang maging full-fledged recording artist siya at artista sa bakuran ng Viva Films. Kabilang sa mga naging hits ni Raymond ay ang "I Need You Back," "So It's You," "Saan Darating Ang Umaga," "Farewell," "Shadow Of Time," at "Kapag Puso'y Sinugutan."

Ang ilan sa mga naging pelikula ni Raymond ay Saan Darating ang Umaga, Cross My Heart, Bukas Luluhod ang Mga Tala, Bagets, Bagets 2, at Hot Shots for Viva Films. Ginawa rin niya ang Joey Boy Munti at Remember Me Mama for Regal Films.

Produced ang Greatest Hits of the 80's ng Viva Concerts and Events, sa direksiyon ni Jun-Jun Santiago (kapatid ni Randy Santiago). Tickets are available at Ticketworld (891-9999).

Read Next
Read More Stories About
Raymond Lauchengco
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Malaking pagbabago nga for me because ngayon ko lang nadi-discover na masarap pala na maging malapit ka sa mga babies. Bigla kasing nag-kick in ang paternal instincts ko. You discover a lot of things from a baby every day," says Raymond Lauchengco about fatherhood.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results