Mariing pinabulaanan ng singer-songwriter na si Jason Hernandez ang espekulasyong nakahanap na siya ng bagong pag-ibig.
Ito'y matapos pag-usapan kamakailan sa social media ang misteryosong babae na ipinopost niya sa kanyang Instagram account.
Read: Moira dela Torre reacts to Jason Hernandez's sweet photo with a mystery girl
Si Jason ang estranged husband ng singer-songwriter ding si Moira dela Torre.
Noong May 11, 2023, unang ibinahagi ni Jason sa kanyang followers ang sweet na larawan nila ng mystery girl na tila nasa isang disyerto.
Nakasuot ng sumbrero at itim na sleeveless top ang babae at nakayakap sa likuran ng singer, habang siya'y nakangiti.
Read: Moira dela Torre shows proof she's not Jason Hernandez's mystery girl
May 19, 2023, muling nagpost ng short video sa Instagram Story si Jason kasama muli ang misteryosong babae.
Makikita sa short clip na tila nag-uusap nila habang nakatalikod sa camera at tinatanaw ang sikat na Golden Gate Bridge sa San Francisco, California.
Read: Jason Hernandez teases followers anew with sweet moment with mystery woman
Naulit pa ang pagpopost siya kasama ang naturang babae noong May 22, 2023.
Sa pagkakataong ito, full body na ng babae ang makikita pero hindi pa rin maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod pa rin ito.
Pareho silang nakatalikod sa camera habang pinagmamasdan ang sunset sa nakamamanghang view ng Horseshoe Bend Canyon sa Page, Arizona.
Read: SOFT LAUNCHING: Jason Hernandez posts “harana” photos with mystery woman
May 25, 2023, ginulat ni Jason ang kanyang mga tagahanga nang maglabas siya ng music video para sa kanta niyang “Ikaw Pa Rin.”
Dito na napagtanto ng ilang netizen na ang pinagkakaguluhang mystery girl sa kanyang mga post sa Instagram ay isa palang aspiring actress.
Lumabas ding wala pang bagong karelasyon si Jason matapos ang kontrobersyal nilang hiwalayan ni Moira.
Read: Did Jason Hernandez take netizens for a ride to promote new music video?
"THE GIRL IN THE MUSIC VIDEO IS NOT MY GIRLFRIEND."
Bagama't may ilan nang may alam na wala siyang bagong kasintahan, minabuti pa rin ni Jason na siya mismo ang magklaro sa publiko.
Sa kanyang Instagram Story ngayong Sabado, June 3, 2023, muli niyang ipinost ang larawan nila ng babaeng pinaghihinalaan noong bago niyang karelasyon.
Ayon sa kanya, mas mabuti na raw na sa kanya manggaling na walang katotohanan ang mga naunang espekulasyon na bago niyang nobya ang babae sa music video.
Mababasa sa kanyang post (published as is), "Hi, for some people this has been clarified already but I want it to also come from me: the girl in the music video is not my girlfriend.
"Her name is Sumaya McEvoy, a friend from El Nido who was game enough to shoot the vid."
Diin pa ni Jason, "I don't have a girlfriend because I am technically still married and of course I won't have one while my annulment has not been finalized yet."
Jason says he knelt and pleaded for moira to take him back
Matatandaan din na dahil sa inilabas na music video ni Jason ay nalaman ng publiko na matapos silang maghiwalay ng estranged wife niyang si Moira ay muli niya itong sinuyo.
Pero si Moira na raw talaga ang umayaw na magkabalikan sila.
Read: Jason Hernandez announces split with wife Moira dela Torre: “I have been unfaithful to her.”
Ito ang naging pag-amin ni Jason nang buweltahan niya ang mga pasaring na tweet ng kapatid ni Moira na si J'mee dela Torre.
Dito kasi sinabi ni J'mee na walang ginawang effort si Jason matapos nilang maghiwalay ng kanyang ate.
Itinanggi naman ito ni Jason. Aniya, ginawa niya ang lahat para mapatawad at balikan siya ni Moira.
May mga panahon pa raw na ipinagtulakan siya nitong huwag na huwag nang magpakita sa kanya.
Saad niya, “Third, “buong year 'di ka nag-effort sa ate ko'?", how can you be so sure? You didn't see kung paano ako lumuhod at umiyak so she would take me back (ate lea and chai saw), you didn't see kung paano siya nagbasag ng baso to shut me up, you didn't see kung paano siya galit na galit noong nagpadala ako ng food sa kanya cause I thought she was sick and how she told me to never go near her again.
“You don't know how I would wait outside the condo para ma-timingan lang siya kausapin.
“I’ve been good to you and your family and I’m sorry if you were fed false/exaggerated/filtered details, but I gave my all to try to get her back.”
Read: Moira dela Torre’s sister takes a swipe at Jason Hernandez; Jason reacts
Nagsanga-sanga na rin ang isyu na ito nang akusahan ni Lolito Go si Moira na siyang unang nagloko at sumira sa relasyon nila ni Jason, na mariin naman itinanggi ng "Paubaya" singer.
Read: Moira dela Torre denies ghostwriting, cheating allegations
READ MORE:
- Songwriter Lolito Go posts string of grievances vs Moira dela Torre; defends Jason Hernandez
- Songwriter Lolito Go shows “resibo” about “ghostwriter” allegation vs Moira dela Torre; Moira’s mother reacts
- Cornerstone vice president defends Moira dela Torre against songwriter’s allegations
- Moira dela Torre’s bandmates, close friends come to her defense against songwriter Lolito Go
- Zack Tabudlo breaks silence on being linked to Moira dela Torre; reveals he attempted suicide