Kim Atienza bonds with former It's Showtime co-hosts Billy Crawford, Eric Tai; declines offer to co-host 'Eat Bulaga!'

Kim Atienza clarifies that he will not host 'Eat Bulaga!'
by Bernie V. Franco
Jun 6, 2023
eric tai, kim atienza, billy crawford
Nakapukaw ng atensiyon ang pag-post ni Kim Atienza (far right) ng photos kasama sina Eric Tai (far left) at Billy Crawford. Ang tatlo ay dating magkakasama sa It's Showtime, ang noontime show ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Kim Atienza Twitter

Napukaw ang atensiyon ng netizens sa ipinost na larawan ni Kim Atienza kasama sina Billy Crawford at Eric Tai a.k.a. Eruption.

“Eats Chowtime!” halatang may birong caption ni Kim sa multiple photos na ipinost niya sa IG kasama sina Billy at Eric ngayong Martes, June 6, 2023.

Ang caption ay katunog ng It’s Showtime, ang noontime show ng ABS-CBN kung saan naging co-hosts noon ang tatlo.

Naunang ipinost ni Eric nitong Lunes, June 5, ang mga parehong larawan at may caption na ganito: “Friends. Family. Rides.”

Mahihinuhang nagkita-kita ang tatlo para mag-bonding via motorbiking na isa sa kanilang hobbies.

Biro naman ni KC Montero sa post ni Eric: “Y’all starting your own show? Eat showtime lol?”

Sagot ni Eric: “we just chillin’ bro! Catch you on rides soon!”

Nagkataon na sina Kim at Billy ay visible ngayon sa GMA Network.

Sina KC at Billy ay co-hosts sa defunct noontime show ng TV5 na Tropang LOL.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comment

KIM ON EAT BULAGA! issue

Hindi maiwasang magkomento ng netizens tungkol sa litrato ng tatlong former co-hosts ng It’s Showtime.

Hindi rin nakaligtas si Kim sa pang-iisyu ng ibang netizens.

Naging matunog ang pangalan ni Kim na posibleng ipasok sa Eat Bulaga! bilang isa sa kapalit nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon, at iba pang Dabarkads hosts.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: Kim Atienza, kinukuhang "Eat Bulaga" host?; Paolo, Buboy, Betong, kasado na?

Ipinakilala na ang bagong hosts ng Eat Bulaga! nitong Lunes, pero hindi kasama si Kim.

Sa comments ng kanyang IG post, tinanong si Kim kaugnay ng isyung ito.

Maanghang ang akusasyon ng isang netizen na kinuwestiyon ang “delikadesa” at “dignity” ng TikToClock host.

Sabi nito kay Kim (published as is): “So they say you will be part [of] FAKE eat bulaga host. Don’t you have any delikadesa in your body? Is this just for the money? OMG! Have some dignity!”

Sagot ng Kapuso TV host: “hingang malalim para di ka praning. Stay away from drugs.”

Makikitang burado na ngayon ang komentong ito.

comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May isa pang nagkomento na kinampihan si Kim hinggil sa isyu.

Sabi ng netizen, kung tanggapin man ni Kim ang hosting job ay karapatan niya ito. Wala raw masama kung tanggapin niya ito dahil naghahanapbuhay siya.

Pinusuan ni Kim ang komento ng netizen.

comment

Diretso naman ang tanong ng isang netizen: “Eat bulaga ba Kuya kim”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ng host: “nope”

Una na ring binanggit ng manager ni Kim, ang PEP Troika columnist na si Noel Ferrer, na hindi tinanggap ni Kim ang Eat Bulaga! hosting job dahil sa daily game-variety show nitong TiktoClock.

Ang TiktoClock ay umeere bago ang Eat Bulaga!.

Bukod pa rito ay napapanood din si Kim sa Kapuso primetime news program na 24 Oras.

Samantala, marami ring netizens ang nagkomento tungkol sa tatlo tungkol sa pagiging dating It’s Showtime hosts na sinagot naman ni Kim ng “raised hands” emoji, indikasyong aprubado siya sa mga ganoong komento.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakapukaw ng atensiyon ang pag-post ni Kim Atienza (far right) ng photos kasama sina Eric Tai (far left) at Billy Crawford. Ang tatlo ay dating magkakasama sa It's Showtime, ang noontime show ng ABS-CBN.
PHOTO/S: Kim Atienza Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results