Mahigit isang dekada bago ang paglipat nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon sa TV5, minsan nang sinubukan ni MediaQuest Holdings Inc. chairman Manny V. Pangilinan na mailipat ang Eat Bulaga! sa Kapatid network.
Ito ang rebelasyon ni Bullet Jalosjos sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong June 3, 2023, sa panahong wala pang anunsiyo kung saang network lilipat ang TVJ at Dabarkads.
Si Bullet, kasalukuyang alkalde ng Dapitan City, Zamboanga del Norte, ang chief finance officer ng TAPE Inc.
Anak siya ni Romy Jalosjos, ang 75 percent shareholder ng TAPE, ang producer ng longest-running noontime show sa Pilipinas. (Ang naiiwang 25 percent ay pagmamay-ari ni Antonio Tuviera.)
Kuwento ni Bullet, saksi siya nang mag-offer si Manny kay Romy na maglipat-bahay ang Eat Bulaga! mula GMA-7 patungong TV5.
Ang Eat Bulaga! ay ipinoprodyus ng Television ang Production Exponents Inc., na umuupa ng timeslot sa GMA-7.
"I'd want to disclose something, 'no. This happened way, way back. Maybe 10 years ago, 12 years ago."
Ito ang mga panahong bini-build up ni MVP ang binili niyang TV5.
"During the time of MVP, yun yung parang prime ng TV5," balik-tanaw ni Bullet.
Sina Vic Sotto, Jose Manalo, at Wally Bayola ay nagkaroon pa ng programang The Jose and Wally Show Starring Vic Sotto noong 2011-2012 sa TV5.
Nagkaroon daw ng lunch meeting sina MVP, Romy Jalosjos, at Bullet.
"You know, I was there personally," kuwento ni Bullet. "I heard it. I was part of the meeting. We had a lunch. And I was there — me and my dad, MVP — and there were negotiations on the table.
"And it was negotiated na, 'O, nandito na yung mga ibang talents mo. Can we invite Eat Bulaga! to already move to Channel 5?'"
Sabay kaswal daw na nagsabi si MVP kung magkano ang handa nitong ibayad para umoo ang ama ni Bullet.
"Nung narinig namin yun, siyempre, my dad was like... We're eating, having lunch, tapos biglang sinabi niya [MVP], 'I'll offer you a certain amount.'
"I cannot disclose, but it's a really good amount. In fact, unbelievable amount!" pagsisiwalat ni Bullet.
Lalo raw nagulat si Bullet nang biglang maglabas ng tseke si MVP.
"Nagtinginan kami ni Dad. Because we didn't actually go there for the negotiations.
"It was another thing that we talked about. Pero na-bring up yun, e.
"My dad goes, 'Boss, siguro naman you'll respect me more if I do this.'
"Binalik niya po yung tseke."
Ayon kay Bullet, pinili ng kanyang amang manatili ang Eat Bulaga! sa GMA-7, ang home network ng long-running noontime show mula 1995 hanggang sa kasalukuyan.
"He [sent the check] back, and said na, 'Alam niyo po, marunong kami tumingin ng utang na loob.
"'At one point, we didn't have a house. Tinanggap po kami ng GMA-7. We cannot turn our backs [on GMA-7 for] any amount.
"'So, I'm gonna have to decline this offer. So, thank you po. Thank you for offering us this big amount. Pero hindi po namin talaga magagawa yan.'"
ON GMA-7 HONORING CONTRACT WITH TAPE INC.
Malaki raw ang pasasalamat ng Jalosjos family sa GMA-7 na tahanan ng Eat Bulaga! sa loob ng halos tatlong dekada.
"So, malaki po talaga ang utang na loob namin sa Channel 7," ani Bullet.
"And that's why, up to now, we thank Channel 7, the network, the Gozon family, for... maybe not sticking with us, but understanding the situations we're in."
Pinaalam ba ng kanyang ama sa GMA-7 ang offer ni MVP sa TAPE Inc.?
"No," sagot ni Bullet.
Napangiting singit ng kapatid niyang si Jon Jalosjos, na katabi ni Bullet, "So, now they know."
Sang-ayon ni Bullet, "Yeah, it's fine. I don't think it's ano..."
Tinanong ng PEP editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon si Bullet kung ilang figures exactly ang offer ni MVP.
Paiwas na sabi ni Bullet, "Huwag na lang because I can’t disclose, e."
Tanong uli ni Jo-Ann, "Nine figures?"
Natawang bulalas ni Bullet, "Si Ma'am! Grabe! Grabe po!"
Sa pagsasalita ni Bullet, tila hindi pa rin siya makapaniwala sa laki ng offer noon ni MVP.
"Yeah, it's a big enough amount for us to...," sabay nabiting saad ni Bullet dahil nagkasabay silang magsalita ni Jon.
Ani Jon, "Basta the offer was there. No matter how big or small it is, we did not accept it."
JON MAINTAINS HE HAS HUGE RESPECT FOR TVJ
Ayon kay Jon, kung ganoon katindi ang loyalty ng mga Jalosjos sa GMA-7 ay ganoon din ang pagtanaw nila ng utang na loob sa TVJ.
"Because of our loyalty, na one time na wala kami bahay, yung nagbigay ng bahay sa amin, hindi namin puwedeng layasan.
"Ganun din naman ang feelings namin kay TVJ. Hindi naman namin puwede tanggalin ang mga kasama namin for 44 years.
"Due respect," diin ni Jon.
Si Jon daw ang nanguna sa panig ng TAPE sa pakikipagnegosasyon sa TVJ nitong mga nagdaang buwan.
Nanindigan siyang sa abot ng kanyang makakaya ay sinubukan niyang magkasundo sila ng TVJ.
Ang gusto lang daw ng bagong TAPE management ay ayusin ang sistema ng daily operations sa Eat Bulaga! at siguraduhing tatagal pa ang programa, kung maaari'y umabot ito sa 50th anniversary o lagpas pa.
Pero nabigo si Jon nang mag-resign ang TVJ at Dabarkads sa TAPE noong May 31, 2023.
Sabi ni Jon tungkol sa TVJ: "Hanggang ngayon, kahit na umalis sila nang ganito, yes, saddened kami, but may respeto pa rin po 'ko sa kanila.
"I still treat them not as an enemy, but still as a family.
"At sana pag nagkita-kita kami, na puwede nila isantabi muna kung ano mang legal [na] away at maging tao na kami sa isa't isa."
TVJ'S TRANSFER TO TV5
Umaga ng Miyerkules, June 7, opisyal na inanunsiyo ng MediaQuest ang paglipat ng TVJ sa TV5.
Ang MediaQuest Holdings Inc., kunsaan chairman din si Manny V. Pangilinan, ang may-ari at nagpapatakbo ng TV5.
Read: TVJ officially transfers to TV5 after 'Eat Bulaga!' exit
Sa exclusive interview ng PEP Troika kahapon, sinabi ni Tito Sotto na Eat Bulaga! rin ang magiging pangalan ng show ng TVJ sa TV5.
Ayon pa sa sources ng PEP Troika, noontime show din ang gagawin ng TVJ sa TV5, pero wala pang opisyal na kumpirmasyon ukol dito.
Read: TVJ noontime show sa TV5, 'Eat Bulaga!' rin ang title
MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR
- Jon and Bullet Jalosjos open up about being treated like outsiders by Eat Bulaga! hosts, production biggies
- TAPE execs Jon and Bullet Jalosjos divulge "questionable expenditures" in Eat Bulaga!
- Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out
- EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
- EXCLUSIVE Part 2: Tito Sotto on Jalosjos family meddling in 'Eat Bulaga!' production: "Di nga namin sila nakita ng 43 years!"
- Tito Sotto on the day TVJ left TAPE: "Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na."
- (UPDATED) Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE
- Tito Sotto says transfer to TV5 not a done deal; other options on the table
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon draws flak for “Francise M” joke
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon: “We’re not signing off… We’re just taking a day off!”
- FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'
- TVJ & Tony Tuviera applied as one group for Eat Bulaga! trademark
- Tito Sotto claims TVJ owns Eat Bulaga! trademark
- Kim Atienza, kinukuhang "Eat Bulaga" host?; Paolo, Buboy, Betong, kasado na?