#EatBulagaWar
Ang pamilya nila ang financier ng Eat Bulaga!, ngunit kahit kelan ay hindi naramdaman ng magkapatid na Jon at Bullet Jalosjos na itinuring silang pamilya ng mga bumubuo ng Eat Bulaga!—mula sa pinakamalalaking hosts, mga boss ng production, hanggang sa security guards.
Sa sariling salita ni Bullet, 43, at Chief Finance Officer ng Television And Production Exponents Inc., o TAPE, producer ng longest-running noontime show sa bansa:
“We have been part of the show since I was born… since it started. But every time the family would come here, we were never given the... we were never treated like we were even family or we were even part [as] producers. Talagang wala."
Paglilinaw ni Bullet, na kasalukuyang mayor ng Dapitan City sa Zamboanga del Norte: “We didn't want any special treatment, pero nakakalungkot lang, knowing that we're also part of everything, ‘no."
Nagbanggit si Bullet at ang nakatatandang kapatid na si Jon, CEO at president ng TAPE, ng naging trato sa kanila ng mga taga-Eat Bulaga! noon.
Sabi ni Jon, 51, at congressman ng First District ng Zamboanga del Norte: “Kahit na ako yung president, kahit na kami yung producer, hindi ako nakakapasok diretso sa loob ng dressing room nila."
Ang dressing room na tinutukoy ni Jon ay ang pahabang kuwarto kung saan nag-aayos, kumakain, at nagpapahinga ang main Eat Bulaga! hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon kapag hindi sila nakasalang sa stage.
Ano ang dahilan nang hindi pagpapapasok sa kanya sa dressing room?
Sabi ni Jon, “Well, I’m not allowed. And I also [don't insist], respect na lang.”
Ang nangyayari raw ay ganito: “Pag may negotiation meeting, I have to ask Tito Tony or Soraya to ask Tito, Vic, and Joey kung puwede ko sila kausapin."
Si Tony Tuviera ay minority shareholder ng TAPE at president at CEO ng kumpanya hanggang 2022. Si Soraya Jalosjos ang kapatid na babae nina Jon at Bullet at siya ngayong executive vice-president for production ng TAPE. Sina Tito at Vic ay ang pamosong Sotto brothers at si Joey de Leon ang pangatlong miyembro ng triumvirate na TVJ.
“We set it up mostly Saturdays," pagpapatuloy ni Jon. "Lahat ng mga meetings namin, not all, but mostly Saturdays.
“I'll wait in another room and wait for them to say 'Puwede na,' and then I’ll enter. I have to wait for them to say puwede na and then I'll enter because I want to show respect sa kanila.
“Presidente na ako, I was never invited to eat inside. Andiyan lang ako kumakain dun sa small room, sa guest [area].”
Tila teenager na ikinuwento ni Jon ang unang pagkakataong nakita niya ang loob ng dressing room at ang CR nito na gamit ng TVJ at ng Dabarkads.
Nangyari raw ito isang araw bago sila nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) sa APT Studios noong Sabado, June 3, 2023.
“Alam mo ba, may mga kuwarto doon na never ko… [Yang] CR, first time ko kahapon [nagamit]. ‘Thank you, Lord, ito pala hitsura ng CR!’”
Maging ang mga security guards sa APT Studios, kung saan itinatanghal ang Eat Bulaga! nang live mula Lunes hanggang Sabado, ay hindi raw sila kilala noon. “Before, hindi ka makakapasok. Itatawag ka pa."
Pagkuwento pa niya, “Christmas party, pinaalis yung kotse ko. Sa labas daw ako mag-parking." Sabay sabi nito, "I was the chairman of the board!”
Bago raw naging chairman ng TAPE si Jon ay nagtrabaho siya sa Sales Department ng kanilang kumpanya noong nasa Broadway Centrum pa sa Quezon City ang studio ng Eat Bulaga!.
Lumipat ang Eat Bulaga! sa APT Studios sa Cainta noong December 8, 2018.
“So, dito [APT Studios], nung chairman na ako, pupunta ako sa Christmas party kasi may mga [raffle] prizes, e. Sayang din,” may halong birong sabi ni Jon.
Dugtong niya pagkatapos, “Yun nga masakit, Christmas party, hindi kami pinapakilala.”
Hindi na lang daw nila ininda ang hindi pagpapakilala sa kanila, biro uli niya, “Basta manalo lang [sa raffle], okay na ako."
Dagdag biro naman ni Bullet, “Pag nanalo, okay, itatawag na lang. Kasi nanalo kami ng prize, microwave.”
Lahat naman daw ay nananalo sa raffle, pero hindi na sila kasama kapag cash ang ipinapa-raffle.
HOW SORAYA JALOSJOS WAS TREATED BY THE PRODUCTION boss
Ayon kina Bullet at Jon, mas matindi pa ang naranasan ng nakakabata nilang kapatid na si Soraya Jalosjos nang magsimula itong magtrabaho sa Eat Bulaga!.
Nagsusumbong daw si Soraya sa kanyang Kuya Bullet, at isinusumbong naman ito ni Bullet sa kanilang ama, si dating Zamboanga del Norte Congressman Romeo Jalosjos Sr..
Kuwento ni Bullet tungkol kay Soraya: “When she came in here, hindi po siya binigyan ng ID.
“Tapos even sa lunchtime, uimiyak yan, umaalis, kasi hindi pinapakain with the talents or anyone.
“She'd eat with the security, with everyone, the employees.
“Tsaka back then, nila-lock-an siya ng pinto, hindi siya puwede pumasok [sa dressing room].
“And then when she came in—and it was the order of Dad for her to start day one—binigyan po siya ng table sa labas, katabi ng copy machine.
“Tapos binigyan siya ng monoblock, tapos sinabi sa kanya, ‘Ito opisina mo.’
"And ito, totoo yan, because nagsumbong siya sa akin, nagsumbong din ako kay Dad.”
Ang direct supervisor daw ni Soraya noon ay si Jeny Ferre, ang dating "queen of production" ng TAPE. Siya ang pumalit kay Malou Choa-Fagar.
Kasama si Jeny sa grupo ng TVJ na kumalas sa TAPE noong May 31, 2023.
Ang pumalit sa iniwan niyang posisyon bilang Executive Vice-President for Production ay si Soraya.
Read: Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon bid goodbye to TAPE, 'Eat Bulaga!' viewers
UNWELCOME OUTSIDERS
Pakiramdam daw ng magkakapatid ay unwelcome outsiders sila sa noontime show na prinoprodyus ng kanilang pamilya.
Sa tingin nina Jon at Bullet, ang tratong ito sa kanila ay nag-uugat sa matagal nang nakasanayang sistema sa Eat Bulaga! kung saan si Tony Tuviera, aka Mr. T, lamang ang nakakasalamuha ng mga hosts at production staff.
Ibig sabihin, si Mr. T ang kumakatawan sa TAPE sa mga usaping may kinalaman sa noontime show—hindi ang Jalosjos Family—at ito ang gustong panatilihing kalakaran ng TVJ.
“I think it's the system that was established in the beginning,” sabi ni Jon.
“The system for everyone is—the company, the chairman, and the board produce together with the partner, Tony Tuviera.
“Tito Tony Tuviera, since he is the president, [he is] in charge ng production and talking to the talents, especially TVJ.
“Then, TVJ will talk to Tito Tony and Tito Tony will talk to [the chairman].
“That's the natural flow of any corporation—the president will talk to its people and then he will answer to the chairman, to the board.
“Any question to the chairman, he can call the president and ask him to explain or to change. But talents don't need to face the chairman, it is the board.”
Sa tingin din ni Jon, ang ipinapakitang kawalan ng respeto sa kanilang pamilya ay dahil binigyan nila ng laya ang mga taga-Eat Bulaga! sa napakatagal na panahon: mga 42 years.
“Nasobrahan ng creative freedom,” sabi ni Jon.
"I think it was too much. Nasobrahan yung walang connection ang artista sa chairman."
JALOSJOS FAMILY NEVER TREATED with respect IN EAT BULAGA!
Ikinalulungot daw ng kanilang pamilya na tila iniitsapuwera sila, gayong malaking bahagi rin naman sila ng kung anuman ang narating ng Eat Bulaga!.
Pahayag ni Bullet: “Ever since, ever since naman, every time we came in, Christmas parties, anniversaries. In fact, some of the guards, hindi kami pinapakilala. There are even times where we would come in and we were never invited inside the room.
“That's the reason why si Chairman, my dad, with everything that's happening now, parang he also got hurt.
“He got hurt in a sense na yung pinagsasabi ni Tito Sen na sila lang gumawa, and it’s them, it’s them, it’s them. I think it’s a little bit unfair.
“Like in my past interviews, sinabi ko naman, it’s collective effort of many, it's not just the three, it's not just the hosts.
“In fact, the role that my dad plays, going back to sinasabi rin niya, some of the interviews that I've seen, Tito Sen talked about… saying that wala kami, walang say si Chairman, he doesn't do anything, wala talaga—that's not true, that's not true po.”
Read: TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
Sa loob ng 44 taon ay itinuring daw ng Jalosjos Family ang mga taga-Eat Bulaga!— lalo na ang TVJ— bilang bahagi ng kanilang pamilya.
Pero nakakalungkot daw isipin na hindi ganun ang pagtingin sa kanila ng mga ito.
Paghihimutok ni Jon, “Malaki ang respeto ko sa kanila. Forty-four years, na parang pamilya ang turing namin sa kanila.
“Hindi ko na problema kung ang turing nila sa amin ay iba. Ang turing namin sa kanila is parang part of the family. Forty-four years is not a joke.
“Alam namin, bata pa ako, ‘Ay, Tito, Vic, and Joey, sa production namin yan, tito namin yan, bossing namin yan, idol namin yan.’
“Yun ang tingin namin sa kanila. I don't know kung anong tingin nila sa amin.
“I think only them can tell kung anong tingin nila sa amin. Family ba? Kasama ba?
“Kasi sa amin kinukuha yung panggastos. Sila yung nagpapaandar ng show.
“Di ba yun ang pamilya? Di ba dapat magkasama tayo?”
UNDER NEW MANAGEMENT
Ngayong sila na ang may hawak ng produksiyon ng Eat Bulaga!, may mga pagbabago na ba sa trato sa kanila?
Kuwento ni Jon, “When we started, walang naggu-‘Good morning’ pag nagpunta ako dito, not even look at me.
“Then when I put up a memo, mag-uusap kami, everybody, simple lang—the plan, who I am, and what kind of ano, nasa sa inyo na yan.
“Sabi ko, in fact I told them to call me ‘Kuya.’ Because confusion—Congressman ba? Prez ba? Jon…
“Sabi ko, ‘Just call me Kuya.’ Sanay ako tawaging Kuya because I'm the eldest son ng family namin.”
Natawang singit ni Bullet, “Kahit mukha siyang tito, Kuya siya."
Pagpapatuloy ni Jon, “So, sabi ko, ‘Tawagin niyo na lang ako Kuya.’
“Dahan-dahan. You have to work [the] trust. Trust is not given. You have to earn it. I know that. I used to be a common employee.”
Sa pakikipag-usap daw niya sa mga empleyado ay natuklasan niyang walang Human Resource (HR) Department ang TAPE nitong nakalipas na 44 taon.
“Walang HR!” tila hindi makapaniwalang sabi ni Jon. “So, hindi mo alam kung saan ka mag-a-apply ng promotion or increase of salary. Hindi mo alam kung saan ka magpa-file na maging permanent ka.
“So, I told them, ‘Yes, we'll create an HR.’
“Before this incident, I hired. Sabi ko, pangit naman tayo gumawa internal. We hired external para fair. Fair sa kumpanya, fair sa employee.”
Kuwento pa niya, “Merong nagtanong, 10 years, hindi niya alam kung permanent siya. Sabi ko, ‘No, no, no. Let's correct.’
"Yun yung sasabi ko kasi siyempre nung unang panahon, nung ginawa yung TAPE to produce EB, it's a family thing lang. Konti-konti lang, e. So, natural, siguro di na kailangan si HR.
"Habang lumalaki, parang yun yung nakalimutan lang gawin. Yun lang, a little correction.”
Na-appreciate ba ito ng mga empleyado?
Tugon ni Jon, “Yes, probably, some, or more or less. Because hindi naman totoo na 100 percent nawala, only less than 25 percent nawala. Or one-fourth, 21 percent lang nawala.”
Ang tinutukoy ni Jon rito ay ang mga taong sumama sa TVJ na kumalas sa TAPE noong May 31, 2023.
Taliwas naman ito sa deklarasyon ni Tito Sotto na “walang maiiwan” o “exodus” ang nangyaring pag-alis ng hosts at production staff ng Eat Bulaga!.
Read: Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE
Bukod kina Tito, Vic, at Joey, nagsumite rin ng kanilang resignation sa TAPE ang co-hosts na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, at Maine Mendoza. Pati na ang head of production na si Jeny Ferre at ang direktor na si Poochie Rivera.
Sa araw ng exclusive interview ng PEP.ph kina Jon at Bullet sa mismong studio ng Eat Bulaga!, may humigit-kumulang limampung katao na nakapaligid sa audience area at maging sa entablado na naghihintay para sa kanilang rehearsals.
Doon nag-set up ng interview ang PEP.ph, sa pangunguna ng Editor in Chief na si Jo-Ann Q. Maglipon, kasama ng Associate Editor for Content na si Erwin Santiago, News Editor na si Rachelle Siazon, Contributing Writer na si Jojo Gabinete, at Video Editor na si Rommel Llanes.
Ayon kay Jon, ang mga taong nakikita namin ay bahagi pa ng dating production staff ng Eat Bulaga!.
Bilang bagong punong-tagapamahala ng TAPE ay kinakausap daw ni Jon ang mga empleyado.
“Not all the employees, [but] I give them a chance to talk to me. Because every day nandito ako either sa office o nandito ako.”
Sa tingin ba ni Jon matagumpay niyang naiparating sa mga empleyado ang kanilang good intentions na magkakapatid?
Sagot ni Jon: “Eto na lang, out of 100 percent, 20 percent lang umalis.
“Now I ask you, do you think I [succeeded] or not? Sila ang pwede magsabi niyan.”
Nagbato ng hypothetical question ang PEP.ph kina Jon at Bullet: Kung magbago ang isip ng mga kumalas, welcome ba silang bumalik?
Sagot ni Jon: “You know, alam mo, mahirap magtanim ng galit. Ayaw ko nagtatanim ng galit.
“Kung ang purpose nila is the same as ours, na gusto lang lang magbigay ng ligaya, stop with this drama and grabbing ownership, and let's work na lang.
“Sa akin, makikipag-usap lang bilang tao, tao rin po akong kakausap sa kanila. Let's talk about it. I'm open.”
“And this struggle, this power struggle,” ay itigil na rin, dugtong ni Bullet.
May power struggle sa isyung ito sa pagitan ng TAPE at TVJ?
“You can call it that,” sabi ni Jon.
Pero makahulugan niyang dagdag, “Except, we never had any power. We only had the struggle.”
MORE STORIES ABOUT #EATBULAGAWAR
- Jon and Bullet Jalosjos open up about being treated like outsiders by Eat Bulaga! hosts, production biggies
- TAPE execs Jon and Bullet Jalosjos divulge "questionable expenditures" in Eat Bulaga!
- Eat Bulaga! producer Jon Jalosjos finally breaks silence on TAPE & TVJ falling-out
- EXCLUSIVE Part 1: Tito Sotto drops bombs on those warring with 'Eat Bulaga!'
- EXCLUSIVE Part 2: Tito Sotto on Jalosjos family meddling in 'Eat Bulaga!' production: "Di nga namin sila nakita ng 43 years!"
- Tito Sotto on the day TVJ left TAPE: "Parang sila ang may-ari sa amin. Nakakapikon na."
- (UPDATED) Tito Sotto reveals "exodus" of Eat Bulaga! hosts, production staff from TAPE
- Tito Sotto says transfer to TV5 not a done deal; other options on the table
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon draws flak for “Francise M” joke
- TAPE Inc. issues statement on Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon's departure
- Joey de Leon: “We’re not signing off… We’re just taking a day off!”
- FULL TRANSCRIPT: Tito Sotto reveals untold details about internal issues in 'Eat Bulaga!'
- TVJ & Tony Tuviera applied as one group for Eat Bulaga! trademark
- Tito Sotto claims TVJ owns Eat Bulaga! trademark
- Kim Atienza, kinukuhang "Eat Bulaga" host?; Paolo, Buboy, Betong, kasado na?