Anne Curtis says higher talent fee after her first box-office hit is not yet her due

by Melba R. Llanera
May 7, 2008
"Hindi pa panahon sa ganyan. Bago-bago pa lang naman ako sa mga pelikula. Basta at this moment, sobrang thankful ako kay Lord because kumita yung movie, na sinuportahan siya ng tao," says Anne Curtis about speculations that she could ask for a raise in her talent fee after the success of her first movie.

Ayon sa report ng Star Cinema ay almost P50 million na ang kinita ng pelikulang When Love Begins nina Aga Muhlach at Anne Curtis sa first week nito. Dahil dito, masasabing hindi lang pang-TV ang hatak ngayon ni Anne kundi pati na rin sa pelikula. Ang When Love Begins ang nagluklok kay Anne bilang isa sa top leading ladies ng bansa.

Sinasabing ang popularity at bankability ay nangangahulugan lamang ng mas mataas na asking price. Pero sinabi ni Anne sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na wala pa sa isip niya ang magpataas ng presyo gaya ng ginagawa ng ibang mga artista.

"Hindi pa panahon sa ganyan. Bago-bago pa lang naman ako sa mga pelikula. Basta at this moment, sobrang thankful ako kay Lord because kumita yung movie, na sinuportahan siya ng tao," sabi ni Anne nang makausap namin siya sa ABS-CBN compound.

Totoo bang kinabahan si Anne bago ang showing ng When Love Begins dahil baka hindi kagatin ng publiko ang tambalan nila ni Aga because of their age gap?

Continue reading below ↓

"Lahat naman siguro ng tao na gumagawa ng movie, may fear kung kikita ba yung movie niya kahit pa nga alam niyang it's really a good movie. Never naging issue sa akin yung age gap namin ni Aga, okay lang naman yung age gap namin. Kumbaga, hindi naman ‘yon ang naging factor kung bakit kinabahan ako. Siyempre, we were out against Iron Man," pahayag ng young actress.

DYOSA. Nagsimula nang mag-taping si Anne para sa primetime series niya sa ABS-CBN, ang Dyosa. Nilinaw ng young actress na hindi ito remake ng pelikula noon ni Lorna Tolentino na may pamagat na Diosa.

Ano ang maaasahan ng mga manonood sa kanya sa Dyosa na hindi pa nakikita sa iba niyang teleserye, gaya ng Kampanerang Kuba?

"Well, hindi ako papangit dito unlike sa Kampanerang Kuba!" natatawa niyang sabi. "Ang maipagmamalaki ko dito, maganda yung casting, yun ang dapat nilang abangan."

Makakatambal ni Anne sa Dyosa sina Luis Manzano, Zanjoe Marudo, at Sam Milby.

Continue reading below ↓

SNUBBING ISSUE WITH MARIANNA. Naging isyu rin ang napabalitang isnaban daw nila ng Brazilian model-actress na si Marianna del Rio nang sabay silang mag-guest sa Entertainment Live last April 26. Ipinaliwanag naman ni Anne sa PEP kung bakit hindi sila nagbatian ni Marianna. Na-link kasi noon si Marianna kay Sam, na napapabalitang boyfriend ni Anne.

"Hindi naman kasi kami na-introduce personally, so hindi kami nagkabatian," sabi niya. "Sana huwag na nating pag-usapan ‘yan kasi ginagawa pang malaking issue. Ayoko namang magkaro'n ng negative issue kasi wala naman sa pagkatao ko yun."

Dagdag ni Anne, kung kilala lang talaga niya nang personal si Mariana, babatiin niya ito kapag nagkita sila.

"Wala kasi kaming common friends," paliwanag niya. "It happens naman in showbiz. It's only natural na wala kayong common friends ng isang kapwa mo artista. Sa akin, if there will be chance, of course naman, I will greet her. In this industry, it's inevitable that you meet new and different people. So bakit naman hindi, di ba?"
Read Next
Read More Stories About
Anne Curtis
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi pa panahon sa ganyan. Bago-bago pa lang naman ako sa mga pelikula. Basta at this moment, sobrang thankful ako kay Lord because kumita yung movie, na sinuportahan siya ng tao," says Anne Curtis about speculations that she could ask for a raise in her talent fee after the success of her first movie.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results