Gabby Concepcion’s lawyer asks court to lift hold-departure order

by Nerisa Almo
May 9, 2008
Gabby Concepcion's lawyer, Atty. Ed Flaminiano, said that there is no need for a hold-departure order because his client does not plan to escape from his cases here in the Philippines. Atty. Flaminiano argued that Gabby has signed several contracts that require him to stay in the Philippines.

Naglabas kahapon, May 8, ang Manila Regional Trial Court (RTC), ng hold-departure order (HDO) laban sa aktor na si Gabby Concepcion upang maiwasan umano ang pagtakas niya sa paglilitis ng kasong bigamy sa pamamagitan ng muling paglabas ng bansa. (Click here to read related article)

Nilinaw ng korte na kaya ikinunsidera ang kahilingan ng prosecution sa HDO dahil na rin sa matagal na pagkawala ni Gabby sa Pilipinas, kung kaya napunta na sa archive ang kaso nito simula noong 1995.

Ang kasong bigamy laban kay Gabby ay bunsod ng pagpapakasal niya sa aktres na si Sharon Cuneta isang buwan matapos diumano niyang magpakasal sa babaeng nagngangalang Jennifer Martin noong June 1984 sa Nevada, USA. Ito rin ang naging dahilan ni Judge Lilia Lopez ng Pasay City Court Branch 109 sa pagpapawalang bisa ng kasal nina Gabby at Sharon noong November 10, 1993, kasabay ang pag-utos na kasuhan ang aktor ng kasong bigamy.

Continue reading below ↓

Bukod sa HDO, sa pre-trial kahapon sa sala ni Judge Jansen R.Rodriguez, ipinag-utos din na itaas ang piyansa para sa naturang kaso. Mula sa P12,000 ay itinaas ito sa P24,000 ayon na rin sa kahilingan ng prosecution.

Ayon sa kautusan ng hukom na nailathala sa Pilipino Star Ngayon, May 9, "The public prosecutor argues that there has been an increase in the bail of bigamy as stated in the Bailbond Guide issued by the Department of Justice. From P12,000 the same is now set at P24,000."

GABBY'S CAMP REACTS. Mariin namang tumutol ang abogado ni Gabby na si Atty. Ed Flaminiano sa pre-trial kahapon. Sa katunyan, umapela siya sa korte na i-lift na ang HDO dahil wala naman daw balak ang kanyang kliyente na takasan ang kasong bigamy laban sa kanya.

Sa ulat ng PEP Contributor at GMA News reporter na si Nelson Canlas, iginiit ni Atty. Flaminiano na may kontratang pinirmahan si Gabby na kailangan niyang tapusin dito sa Pilipinas. Gayundin, hindi pabor si Atty. Flaminiano sa pagtaas ng piyansa para sa kasong inihabla laban sa kanyang kliyente.

Continue reading below ↓

Matatandaan na noong April 12 ay naghain ng not-guilty plea si Gabby kasabay ng pagbabayad niya ng piyansa sa bigamy case na hinaharap niya. Bukod sa bigamy, inaakusahan din ang aktor sa kasong falsification of public documents sa Metropolitan Trial Court sa Manila. Nagbayad din ng piyansang P6,000 ang aktor para naturang kaso.

Read Next
Read More Stories About
Gabby Concepcion, Sharon Cuneta
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabby Concepcion's lawyer, Atty. Ed Flaminiano, said that there is no need for a hold-departure order because his client does not plan to escape from his cases here in the Philippines. Atty. Flaminiano argued that Gabby has signed several contracts that require him to stay in the Philippines.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results