FIRST READ ON PEP: Inah Revilla's future father-in-law debunks intrigues against his non-showbiz family

by Julie E. Bonifacio
May 15, 2008
".... Ang pagsasama namin ni Bong ay mahigit pa sa pagsasama ng dalawang magkapatid," says Mr. Jorge del Rosario (not in photo) about Senator Bong Revilla (left). Mr. del Rosario and Bong will soon be "mag-balae" with the coming marriage of their children Inah Revilla and Vince del Rosario (right).

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si G. Jorge del Rosario, ang ama ni Vince del Rosario na mapapangasawa ni Inah Revilla, sa grand opening ng Fely J's Kitchen sa Greenbelt 5, Makati City, kagabi, May 14. Part-owner kasi ng naturang restaurant ang misis ni Mr. del Rosario na si Mrs. Trisha Braun-del Rosario.

Nagsalita sa unang pagkakataon si G. Del Rosario tungkol sa mga intriga at paninirang ibinabato sa kanya at sa kanilang pamilya. Ito ay pagkatapos pumutok ang balita na si Vince ang ama ng ipinagbubuntis ng anak nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado na si Inah.

Ito na rin daw ang huling pagkakataon na magsasalita si G. del Rosario sa media.

PAMAMANHIKAN. Kinumpirma ni G. del Rosario na natuloy noong Martes, May 13, ang paghaharap nila ni Bong sa bahay ng huli sa Alabang bilang pamamanhikan nila sa mga Revilla. Ito ang una nilang pagkikita pagkatapos ng mga lumabas na isyu na nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nilang dalawa dahil sa pagbubuntis ni Inah at the age of 18.

Continue reading below ↓

"Well, I wanted to give the Revillas the opportunities to have this [pamamanhikan] because I think, I don't know whether they had this and this is something traditional ng mga Pilipino, di ba? So, I actually asked all my family to go to Bong's house in Alabang and we had dinner together. I even provided the food because that is the tradition, that the guy, the man will have to bring everything.

"So, Bong and I, Lani and I and everybody, had a good talk yesterday [May 13]. I was able to express my feelings to Bong, whatever it is and everything, and it came very good. In other words, nawala na lahat ng sama ng loob namin. Nagkaroon kami ng samaan ng loob because basically no one wanted to talk to me and I had to leave for the States."

Bakit sila nagkaroon ng samaan ng loob ng senador-aktor?

Continue reading below ↓

"Basically, I understand what Bong is feeling," sabi ng ama ni Vince. "Anak ni Bong babae, anak ko lalaki, and he was doing that way. But then, ang feeling ko naman was that, sana naman, he gave meaning to our friendship that he would talk to me, explain to me, or we would talk and sit down like what we did yesterday. It's the only thing I wanted to do. Explain to him that I had nothing to do with this, and that people are even saying na kunsintidor ako and all of that. And this is not true.

"Bong would come to my house without telling me that he is coming to my house. Bong would live in my house without telling me he's living in my house. Bong was like a brother to me na anytime na gusto niyang magpunta sa bahay ko, my house was open to Bong."

Continue reading below ↓

Nasaktan ba si Mr. del Rosario sa bintang na isa siyang kunsintidor na ama?

"Exactly," sagot niya. "I have really nothing to do with it."

Sa huling panayam ng PEP kay Bong, sinabi niya na gusto raw muna niyang mag-isa upon learning na buntis ang kanyang anak. Si Inah nga ay naghintay ng dalawang linggo bago niya nakausap ang ama.

Posible kayang ayaw munang makipag-usap ni Bong Revilla kay Mr. del Rosario that time dahil baka may masabing hindi maganda ang actor-politician?

"Alam mo, that's true, ‘no?" pagsang-ayon naman ni Mr. del Rosario. "Pero while doing that and keeping quiet, a lot of people around Bong, family, and everybody are talking bad about me. They're saying that, you know, I never helped Bong, I never did anything for Bong and everything. I do not want to take any credit whatsoever. Give the credit to their family. Their family raised funds for them, but also I raised funds for Bong. In other words, Bong cannot deny it."

Continue reading below ↓

Sabi pa ni Bong, ang pagkakaalam niya ay intake sa puso si G. del Rosario that time.

"Totoo rin ‘yan," pagkumpirma ng ama ni Vince. "Basically, because of the heartache that I was feeling, you know, I had to go into Makati Med, got a check-up and all of this, and after this I went to the States. I had to get an appointment with my doctor."

Nasa Amerika raw si G. del Rosario nang mabalitaan niya ang negative comments about him.

"Yes, and I was just hearing it in the States and I couldn't do anything about it. I kept quiet about and I would like to thank Cristy [Fermin]... I don't know where she got the information to all of these things, but she came out in a newspaper, in a tabloid, you know, at least, defending who I am."

Tumanggi rin noon magbigay ng detalye si Bong tungkol sa family business ng mga Del Rosario dahil napakapribado raw nilang mga tao.

Continue reading below ↓

"That is right. I mean, my brothers and I had refused to have any interview and I'm telling you this is the only interview that I will do in my life. After this, I will not come out anymore. I just wanted to clear the air, ‘no?"

NEVER ACCEPTED SALARY. Naging staff nga ba siya ni Senator Revilla sa Senado?

"Tinulungan ko siya sa Senate bacause I wanted to make his employees show the best of what they can do. But I never accepted any salary whatsoever from anyone and this I would like to say again—I never accepted any salary when Bong was vice governor, when Bong was governor, and even now when Bong is a senator.

"I just wanted people to know I am not an employee of Bong Revilla and my wife is never and has never been after my money or anything. My [second] wife [Trisha Braun] is very well off. If she does not have the same amount of money that I have, probably she has more. So, I don't expect people to say anything bad about her."

Continue reading below ↓

Bukod sa Fely J's Kitchen, may anim na branches ng McDonald's at Jollibee sa Mindanao ang stepmother ni Vince. Ang ama naman ni Trisha ang kasalukuyang presidente ng Union Bank.

May lumabas ding report na ang pera raw na ibinili ng bahay ng mga Del Rosario sa Forbes Park ay galing sa bulsa ni Bong. Mariin itong pinabulaanan ni Jorge.

"Kung galing man sa bulsa ni Bong yun, ‘Bong, lumabas ka sabihin mo na nagnanakaw ako ng pera sa ‘yo.' But this is not true. My money is and came from the business that we had... and my father, you know, inipon ng tatay ko ito. Ibinigay sa amin pagkatapos. There's no truth to the rumor that ninakaw ko ang pera ni Bong or ng pamilya ni Bong," pagtatanggol ni Mr. del Rosario.

Napag-usapan daw nila ni Bong ang tungkol dito nang mamanhikan sila. Ano naman ang sinabi sa kanya ng senador?

Continue reading below ↓

"Well, he told me that he came out and said that he was a good friend of mine, and he was helping him and all of that. And if there‘s any more question about this, I think the best person to talk to is Bong, di ba? Because I never and will never and have never accepted any money from the Revillas."

ALL IS WELL. Ano ang kalagayan ng relasyon nila ngayon ni Senator Revilla pagkatapos ng pamamanhikan?

"I have no hard feelings. In other words, nagkaroon lang ng lamat because of the people around him who kept on talking about me, my wife, and all of these. In other words, I kept quiet all to this hullabaloo. I did want to say anything because I didn't... ayokong malamatan ang pagsasama namin ni Bong. At sinabi ko na ang pagsasama namin ni Bong ay mahigit pa sa pagsasama ng dalawang magkapatid."

Continue reading below ↓

In good terms pa rin ba sila ng mga Revilla?

"Well, I am in a good terms with Bong and Lani and all the Revilla," sagot ni Mr. del Rosario. "I just don't like the way people have been criticizing me and my family, di ba? We are very private. We never came out. I've been asked to talk in Inah's wedding, I refused. I said no. And today, I am here talking to you because you were here and a guest of the restaurant, and that's it."

Totoo ba na magkumpare sila ni Bong sa isa sa mga anak ng senador outside of his marriage with Lani?

"Yes," matipid na sagot ni G. del Rosario.

Tutulungan pa rin ba niya si Senador Bong sa pagtakbo nito sa 2010?

"Probably I will not be here. I will go in the States and live there for six months. Then I'll come back here for a short period of time."

Continue reading below ↓

THE WEDDING. Dadalo ba sila sa kasal nina Vince at Inah?

"Yes, for my son's sake and for Inah's day, I will attend the wedding. I will be there to support my son."

So, hindi siya magbibigay ng anumang mensahe during the wedding?

"Wala, I am not going to give any message whatsoever," mariin niyang sabi.

May alam ba sila sa pagbebenta ng TV rights ng kasal nina Ina at Vince sa GMA-7?

"No, that I heard only that the other channel has bought the rights and everything."

Does he like the idea na i-televise ang kasal ng anak niya?

"As I said, I'm not showbiz."

Anong partikular sa kasal ang alam na nila, but they are against it?

"Actually, wala akong alam sa wedding. Ang anak ko lang ang may alam niyan," sagot ng aman ni Vince.

Kahit daw sa principal sponsors ng wedding ay wala silang alam kung sinu-sino na ang kinuha ng ikakasal at pamilya nina Senator Revilla.

Continue reading below ↓

"No, I gave that opportunity to my son na siya na ang bahala. I will support him 200 percent on what he wants to do."

Saan titira sina Inah at Vince after the wedding?

"Binigyan ko sila ng condo sa Three Salcedo sa Makati and they are going to stay there right after the wedding."

What about the honeymoon?

"I think the honeymoon had been done!" sabay tawa ng ama ni Vince.

Gaano kalaki ang participation niya bilang magulang ni Vince sa nalalapit na kasal nila ni Inah?

"Ang participation ng Del Rosario family sa gastusan is whatever my son asked me I gave it to him."

Aabot kaya ng P5 million ang gastos sa kasal?

"I would not have a plea in having a very, very kawawang wedding, di ba? So to whatever it is, I think it's a very good figure that both Bong and me will be happy with."

Continue reading below ↓

Ito ang ikalawang pagkakataon na may ikakasal sa pamilya Del Rosario at ang isisilang ni Inah ang ikalawa ring magiging apo ni G. del Rosario.

VINCE & INAH. Twenty-four na ngayon si Vince at nag-aaral pa rin ito sa Mapua kung saan Management ang kurso niya.

"The wish of my father in his will is that they should finish schooling and when they finish schooling, they can take over the business," sabi ni Mr. Del Rosario.

Kumusta si Vince?

"My son loves Inah and loves the child that he is going to have. That's all I can say."

Tanggap ba nila si Inah as their daughter-in-law?

"Inah I've always accepted to be a close friend, even Jolo and even Byan. The whole family comes to me when they have problems and my heart is always open that I helped them out.

"I would like to see Inah and Vince have a new life and go on with life, and Vince and Inah will not have anymore problem because my father has also provided for my sons than maybe more than we have gotten. So Inah will have no problem with whatsoever."

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Bong Revilla, Lani Mercado
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
".... Ang pagsasama namin ni Bong ay mahigit pa sa pagsasama ng dalawang magkapatid," says Mr. Jorge del Rosario (not in photo) about Senator Bong Revilla (left). Mr. del Rosario and Bong will soon be "mag-balae" with the coming marriage of their children Inah Revilla and Vince del Rosario (right).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results