PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jillian Ward Eyes Project with Vice Ganda

Jillian Ward on Dina Bonnevie: "Ganun siya ka-sweet. Hindi siya mataray."
by Melba R. Llanera
Published Aug 21, 2023
Jillian Ward and Vice Ganda
Kapuso star Jillian Ward (left) on her supposed guest appearance on It's Showtime co-hosted by Vice Ganda (right): "Actually, gusto ko. Last time dapat magge-guest ako kaso nagkataon na may taping, may ibang events. Abangan natin yan, basta nae-excite ako
PHOTO/S: Pau Guevarra

Isa si Jillian Ward sa Kapuso stars na natuwa sa collaboration sa pagitan ng ABS-CBN at GMA-7.

"Sabi nga ni Mr. Felipe Gozon, wala ng network war, pamilya na talaga ang lahat.

"Maganda yun kasi makakatrabaho na namin ang isa't isa. Kumbaga maraming magagandang istorya ang magagawa," saad ni Jillian sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kung mabibigyan ng pagkakataon, may top of mind si Jillian kung sino sa mga Kapamilya star ang gusto niyang makatrabaho.

"Naku! Marami. Pero ako kasi, lagi kong pinapanood si Meme Vice.

"Actually, nagpa-picture ako sa kanya nung GMA Gala, di ko pa napo-post.

"Pero gusto ko siyang maka-work lalo na di ko pa nata-try mag-comedy so gusto kong i-try."

Marami ng Kapuso stars ang nag-guest sa It's Showtime tulad nina Bianca Umali, Barbie Imperial, Sanya Lopez, at Julie Anne San Jose.

Read: Vice Ganda to Bianca Umali: "Sa mukha mo ang daming pumasok nang maaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gusto rin ba ni Jillian na makasalang sa Kapamilya noontime show?

Sagot ng 18-year-old actress, "Actually, gusto ko. Last time dapat magge-guest ako kaso nagkataon na may taping, may ibang events.

"Abangan natin yan, basta nae-excite ako."

Bali-balita rin na isang Kapamilya actor ang makakatrabaho ni Jillian sa isang pelikula.

Ayaw pang magbigay dito ng detalye ng young actress, pero pahapyaw siyang nagkuwento na sa ibang bansa kukunan ang nasabing pelikula

"Abangan, abangan niyo. Basta something different siya, lalo na first movie ko bilang dalaga na talaga.

"Sa totoo lang kinakabahan ako, pero excited ako," pahiwatig ni Jillian.

Dagdag niya, "Shooting? Yun nga, medyo naghahanap pa ng tamang schedule lalo na di siya sa Pilipinas isyu-shoot."

Read: Bong Revilla at Jillian Ward, magre-reunion sa pelikula

ON CELEBRITY CRUSH COCO MARTIN

Inamin ni Jillian na si Coco Martin ang kanyang showbiz crush nang mag-guest siya sa isang TV interview.

Sa panayam ng PEP.ph, ipinaliwanag ni Jillian kung anong mga katangian ang hinangaan niya kay Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Actually, nung bata pa ako crush ko na si Sir Coco. Siyempre magaling siyang aktor, Best Actor siya.

"Isa pang nagustuhan ko sa kanya, direktor siya, producer siya, kumbaga lahat kaya niyang gawin.

"Gusto ko ring siyang maka-work. Na-meet ko siya recently kasi pareho kami ng dentist.

"Masaya ako kasi idol ko siya, more than crush, idol ko siya kasi ang galing niyang umarte."

Pagdating sa usapang love life, tinanong namin si Jillian kung may mga manliligaw ba siya.

"Ako talaga gusto kong mag-focus sa family ko at sa sarili ko. Feeling ko may perfect time yun.

"Actually, like sa GMA Gala, sabi nila, bakit wala akong date? Ako, gusto ko munang i-enjoy na mag-isa muna ako, kasama ko ang mga kaibigan ko.

"Kumbaga, darating din naman yun."

Read: Jillian Ward, desididong magkolehiyo; inaming si Coco Martin ang showbiz crush

ON ABOT KAMAY NA PANGARAP VS. MAGANDANG DILAG

Samantala, pinarangalan si Jillian ng German Moreno Youth Achievement Award sa katatapos na 71st FAMAS Award's Night.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sobrang thankful ko, sobrang thankful ko kay God, thankful ako sa FAMAS. Kinakabahan ako, kanina pa ako nabulul-bulol, pero super thankful talaga," nakangiting pahayag ni Jillian.

Labis din ang pasasalamat ni Jillian sa consistent high ratings ng show at sa magagandang nangyayari sa kanyang showbiz career sa ngayon.

"First, thankful ako kay God, di lang para sa ratings, kumbaga pati sa show namin. Ang daming nai-inspire, lahat ng mga katrabaho ko parang kapamilya ko na talaga sila.

"Pinagpe-pray ko na sana magtuluy-tuloy ang suporta ng mga tao...

"Siyempre masaya ako di lang for myself. Lahat kasi ng ginagawa ko lalo na sa trabaho ko, dini-dedicate ko sa loved ones ko, sa family ko, sa mga kaibigan ko.

"My success is their success as well.

Patuloy ang magandang ratings ng pinagbibidahan niyang Kapuso afternoon drama series na Abot Kamay Na Pangarap.

Ito ang consistent top-rater sa GMA Afternoon Prime shows, at sinusundan ng Magandang Dilag, na pinagbibidahan ni Herlene Budol.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magkasunod ang timeslot ng dalawang nabanggit na drama series, at noong August 4 ay naiulat na bahagyang nakalamang ang Magandang Dilag nang makakuha ito ng 13.2%, habang ang Abot Kamay Na Pangarap ay 13% ang score para sa August 3 TV ratings base sa AGB-NUTAM.

Read: 'Magandang Dilag,' extended; 'Abot Kamay Na Pangarap,' hanggang January 2024 pa?

Ang reaksiyon ni Jillian ukol dito: "Ako talaga, kahit anong show pa yan, lalo na kung mga ka-show namin sa GMA, masaya ako pag nagre-rate talaga.

"Kasi sa GMA pamilya kami. Kumbaga, nagtutulungan kami para mas mapaganda yung show.

"Lalo na ngayon sa industry, di ba, nag-pandemic, sobrang tagal na ang hirap sa showbiz industry.

"Ngayon talagang nag-i-improve na, so ako masaya lang talaga pag may naa-achieve ang ibang shows."

Katapat naman ng Abot Kamay Na Pangarap ang Kapamilya afternoon series na Pira-Pirasong Paraiso, na pinagbibidahan nina Elisse Joson, Alexa Ilacad, Charlie Dizon, at Loisa Andalio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Jillian, mas nakatutok siya sa pag-deliver ng magandang trabaho kaysa ang kakumpitensya ng show.

"Kaming buong Abot Kamay na family, di namin iniisip yung competition, yung kalaban.

"Kumbaga para sa amin, ang ka-kumpetensiya namin ang mga sarili namin kung paano magi-improve.

"Siyempre nakaka-pressure din kasi lagi kaming di nakakampante. Kapag may bagong script, binibigay namin ang best namin.

"Every script talaga yan, for one year, lagi naming binibigay ang kaya naming ibigay talaga.

"Napi-pressure talaga kami kasi gusto namin na mapaganda pa yung show, mayroon kaming maipakitang eksena."

Read: GMA Gala 2023 red carpet arrivals: Ladies in muted tones

ON CLOSENESS WITH DINA BONNEVIE

Gumaganap bilang Dra. Annalyn Santos sa Abot Kamay Na Pangarap, ikinuwento ni Jillian na malapit siya sa cast members ng show kabilang sina Carmina Villarroel, Richard Yap, Pinky Amador, at Dina Bonnevie.

"Sabi ko nga para ko silang pamilya, sila Ms. Dina, sina Nanay Mina, sina Tatay Richard. Hayan tawag ko po sa kanila Nanay, Tatay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Like si Ms. Dina ang tawag ko sa kanya Mama Booboo, tawag niya sa akin Baby Booboo. Parang family na talaga kami, sobrang napamahal ako sa kanila."

Naging malapit daw siya kay Dina, na kilalang prangka sa showbiz.

"Si Ms. Dina kasi pag una niyo siyang makikilala, medyo nakaka-intimidate siya kasi, of course, she's Ms. Dina Bonevie, nakaka-starstruck siya.

"Sobrang pure ni Ms. Dina, sobrang bait niya. Minsan kakatok pa siya sa dressing room ko, dadalhan niya ako ng pagkain, kung anu-anong pagkain.

"Ganun siya ka-sweet. Hindi siya mataray."

Kasundo raw talaga lahat ni Dina ng mga batang cast sa serye.

Si Ms. Dina kasi she's a veteran actress, she's a big star, so siguro bilang lang talaga, kaming mga bata, dapat kami talaga ang lumalapit sa kanila.

"After a while talagang nag-open sa akin si Ms. Dina, naging close talaga kami.
Magkasundo talaga kami.

"Super kuwela niya pag nasa set. Mukha siyang nakaka-intimidate, pero pag nakilala nyo siya, nakakatawa siya, mabait siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES


Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso star Jillian Ward (left) on her supposed guest appearance on It's Showtime co-hosted by Vice Ganda (right): "Actually, gusto ko. Last time dapat magge-guest ako kaso nagkataon na may taping, may ibang events. Abangan natin yan, basta nae-excite ako
PHOTO/S: Pau Guevarra
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results