Marlo Mortel to take legal action against malicious post about him

Source of malicious post has been traced.
by KC Cordero Nikko Tuazon
Aug 26, 2023
Photos of Marlo Mortel
Pinag-aaralan na ng kampo ni Marlo Mortel ang susunod na hakbang matapos ma-trace kung sino ang nagpakalat ng malisyosong post laban sa kanya. Wala naman siyang idea kung bakit nito ginawa iyon. “Well, I guess gusto niya akong siraan.” (Photos courtesy of Marlo Mortel Facebook)

Ikinagulat ni Marlo Mortel ang pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa post ng isang female netizen kung saan inakusahan nito ang singer-actor ng panunulot sa kanyang boyriend.

Claim pa ng netizen, nagyayaya rin umano si Marlo ng threesome. Mayroon din daw pang-front na “social media girlfriend” ang singer-actor.

Ayon pa sa netizen, sinubukan umanong lasingin ni Marlo ang kanyang boyfriend nang magkakasama silang lumabas.

Read: Marlo Mortel reacts to malicious post accusing him of seducing another man

Post ng netizen tungkol sa singer-actor (published as is): “You're a grown adult, Marlo so I thought you'd understand the concept of decency. Apparently, that's a foreign language to you.

“If you wanna get laid, ikaw na lang. Don't drag anyone sa 3some, orgy na fetish mo. At wag mong ipilit na ipapasok sayo. We hang out together, di ka nahihiya?"

Read: Meet Draco and Duccio Veneracion: the handsome sons of Ian Veneracion

Pag-akusa pa nito: “Don't even think about hiding behind the "I'm not out" excuse. That ain't a free pass to mess with people's lives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Your personal journey is your business, but it doesn't give you the right to manipulate anyone into situations they're uncomfortable with.

“I already messaged you about it. But you didn't even bother to respond.

“And worse, you even continue to harass my bf into coming to your condo. Marlo, face this here. I'm here for drama. Ilabas mo galing mo. You are a power-bottom? I'll dig your grave deeper then.”

Lumalabas na isang dummy account ang Yuki Zaragoza dahil walang profile picture. Ang pagkastigo kay Marlo ang nag-iisa niyang post.

Read: Cha Eun Woo's shoe picks and where to get them

The malicious post

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MARLO MORTEL SPEAKS UP ABOUT THE ISSUE

Nakapanayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Marlo sa ginanap na kumu: The Diamond Gala ngayong Sabado ng gabi, August 26, 2023.

Ayon kay Marlo, expected na niyang tatanungin siya tungkol sa post na iyon ng isang netizen. Ngunit nabigla rin siya sa pagkalat ng naturang isyu.

"Oo, nagulat ako talaga. Hindi lang ako naglalabas ng any statement kasi ipinasa na namin sa someone from NBI,” banggit niya.

Read: AJ Raval addresses rumor about Aljur Abrenica getting her pregnant

Pagbabahagi pa ni Marlo, “Saka na-trace namin kung tagasaan siya [ang nagpakalat ng isyu].

“So, ngayon, nasa amin na lang yung desisyon pati ng Star Magic, to move forward."

Inamin ni Marlo na bahagi ng kanyang moving forward ang pagsasampa ng kaso.

“Let's see. Mayroon lang mga kailangang daanan. Pero andun na. Andun na yung mga copy na mga kailangan.

“Puwede [na magsampa ng kaso]. Pagka nag-decide kami with the management.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: JC Santos, may "Jaclyn Jose moment" sa 'Wish You Were The One'

Iginiit ni Marlo na hindi siya apektado ng akusasyon.

Paliwanag niya, “Kasi sure naman ako na hindi totoo, e. Alam kong wala namang anything further. Kaya lang siyempre, fake news nga, e.”

Pero aminado siyang annoying ang mga ganitong isyu na pilit pa ring ikinakabit sa pangalan niya.

“Oo, pero siyempre showbiz e. So, wala, e, andito kami.”

Read: Meet Dalbong, the first world winner dog from the Philippines

Kaya paalala niya, “Sana na lang next time bago mag-share, fact-check talaga ang pinakaimportante.

“Kasi galing siya sa dummy accounts. Medyo delikado siya na pagmulan ng assumptions mo sa isang tao para sa isang dummy account.”

May idea ba siya kung bakit ito ginawa sa kanya?

Tugon ni Marlo, “Well, I guess, gusto niya akong siraan. Pero wala... I don't know.”

Hindi rin umano niya kilala ang na-trace nilang nanira sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“No... Kaya ayun nga, on the process kami kung sino siya. Siyempre ayaw namin agad gagalaw nang hindi naman talaga kilala.

“Pero ayun nga, na-trace kung tagasaan siya.”

Read: Diego Loyzaga posts another picture with his baby

KUMU STREAMER

Three years nang streamer sa Kumu si Marlo.

Nang hingan ng mensahe para sa fifth anniversary ng app, ani Marlo, “More blessings pa and more lives that will change in the future kasi maraming buhay ang nabago dahil sa app na ito, kasama na yung sa akin. More blessings."

Read: TypeKita: bagong app para sa mga type maging writers

Photo of Marlo Mortel

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Binanggit din niya ang kanyang most memorable Kumu moment.

“Ah, noong nanalo ako ng BTS campaign. Nakapunta ako ng States [USA], all-expense paid para manood ng BTS... live.”

Ibinahagi rin niya ang most memorable experience niya with a fan.

“Well, kasi yung mga supporters ko dito lahat nakaka-hangout ko sila outside. So, most memorable siguro kapag nag-a-outing, something like that.”

Read: Heaven Peralejo, Noel Trinidad win top acting honors at 39th Luna Awards

FOCUS ON WORK, NO TIME FOR LOVE LIFE

Nang matanong naman tungkol sa kanyang iba pang projects, sinabi ni Marlo na malapit nang matapos ang kanyang music album.

Saad niya, “I'm gonna release an album na ako ang nagsulat [ng mga songs], under Star Music. Patapos na, one more song to release.

“Acting... sa ngayon naka-standby lang. On hold lang pero mas priority ko sa ngayon ang music.”

Read: Derrick Monasterio reveals how girlfriend Elle Villanueva influenced him to take care of his finances

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Photo of Marlo Mortel

At nang usisain tungkol sa kanyang love life, ang mabilis niyang sagot, "Wala! Wala pong love life.”

Read: Albie Casiño's performance at Mutya ng Cotabato 2023 goes viral

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinag-aaralan na ng kampo ni Marlo Mortel ang susunod na hakbang matapos ma-trace kung sino ang nagpakalat ng malisyosong post laban sa kanya. Wala naman siyang idea kung bakit nito ginawa iyon. “Well, I guess gusto niya akong siraan.” (Photos courtesy of Marlo Mortel Facebook)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results