Neri Naig’s PHP1K weekly meal plan draws mixed reactions from netizens

Netizen: “Saang Pilipinas ka nakatira Neri? Very unrealistic naman yang 1k mo.”
by Khryzztine Joy Baylon
Sep 13, 2023
Neri Naig
Neri Naig's Facebook post about her "P1,000 meal plan for a week" draws mixed reactions from netizens. At this writing, her post last September 10 has more than 1,300 comments.
PHOTO/S: Neri Naig Facebook

Umani ng magkahalong reaksiyon ang ibinahaging tip ng dating aktres na si Neri Naig para sa mga katulad niyang ina na abala sa pag-aasikaso sa kanilang pamilya.

Partikular na rito ang mga pagkaing puwedeng gawin at lutuin ng mga ina para sa kanilang pamilya, lalo na sa mga nag-aaral nilang anak.

Noong September 10, 2023, ipinost ni Neri sa kanyang Facebook page ang ginawa niyang menu sa halagang “P1,000 for a week.”

Makikita sa nasabing menu ang mga pagkaing maaari raw ihanda para sa breakfast, lunch, hanggang dinner (tirang mga ulam sa umaga at tanghalian).

Mababasang caption ni Neri (published as is), “Eto na ang Neri’s (sample) Weekly Meal Plan.

“Para sa mga nanay na mamamalengke bukas pagkatapos ihatid ang mga bata sa school, eto na, pakiprint na po eto, kumpleto pati palengke list.

“Nagtry akong magbudget ng P1,000 for a week. Kung may sukli pa yan, pwede pangdagdag merienda o baon ng mga bata.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narito ang ginawang Weekly Meal Plan ni Neri:

Neri Naig

NETIZENS REACT

Sa comments section ng kanyang post ay maraming netizens ang nagtaas ng kilay at kumuwestiyon sa isang libong budget ng asawa ng Parokya Ni Edgar frontman na si Chito Miranda sa isang linggo.

Read: Chito Miranda receives brand new pickup truck as birthday gift from wife Neri Naig

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Anila, hindi ito kapani-paniwala lalo na ngayong nagtaas daw ang presyo ng mga bilihin mapa-grocery man o palengke.

Komento ng isang netizen (published as is), “This is the malungkot and deprived Neri’s meal plan lols! Kahit anong tumbling ko, hindi uubra ang 1k challenge for a week!”

Tanong ng isa, “Saang Pilipinas ka nakatira Neri? Very unrealistic naman yang 1k mo.”

Alma pa ng isa, “Hindi makatotohanan. Pag namamalengke ako for one week, 3 lang kami, mag-asawa at 1 kid, nauubos yung 1,500 ko pero kulang na kulang pa rin. Partida tipid na tipid pa yun.”

"Sa chicken at pork pa lang kulang na 1k mo hahaha. Next time alamin mo muna magkano presyo bago ka magpost tehhhh. 10 pesos na ang egg ngayon te. Halatang di ka namamalengke," dagdag pa ng isang netizen.

Hirit pa ng isa, “Meal plan po ata ito ng manananggal. Pagkalahating ferson.”

Read: Neri Naig lectures netizens who questioned her experiences as tindera: “Naglako po ako ng ulam.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May ilan pang naghamon kay Neri na sabihin nito kung saang palengke siya namimili.

“Palengke reveal naman diyan!!! Yung kasya 1k, 1 week with sukli pa ah,” hamon ng isang netizen.

Sabi ng isa, “Maganda neto mag live grocery siya na may 1k na dala-dala tapos bilhin niya lahat ng nandiyan sa list niya.”

Saad pa ng isa, “Okay ka lang, Neri? Pang-ilang tao tong meal plan mo? Maipilit lang na wais ka? Sorry, but this is unrealistic specially if you are living in the city.”

Dagdag pa ng isa, “Nag-iinit yung mata ko nung sinabing 1k ang budget sa isang linggo? Ay wait nananaginip ka po ata. Gising po 2023 na, wala na pong kamatis na tumpok 10 pesos. 5 pesos na ang isa, malaki pa ang hinlalaki mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang presyo ng ulam at ingredients na napamili ni Neri sa palengke.

As of September 13, 2023, ito ang mga presyo ng mga bilihing ito sa Muñoz Market:

  • Egg - P200 tray (small size, 8 to10 pesos each)
  • Pork - P310 (1 kilogram, kasim)
  • Bangus - P210 (1 kilogram)
  • Corned beef - P34 (150g)
  • Ground pork - P310 (1 kilogram)
  • Tuna in can - P39 (155g)
  • Chicken - P220 (1 kilogram)
  • Tilapia - P150 (1 kilogram)
  • Tomatoes - P200 (1 kilo, 10 to 12 pesos each)
  • Onions - P180 (1 kilogram, 5 to 10 pesos each)
  • Monggo - P150 (1 kilogram)
  • Garlic - P170 (1 kilogram, 5-8 pesos 1 whole)
  • Kangkong - P15 (1 tali)
  • Okra - P15 (1 tali)
  • Eggplant - P170 (1 kilogram)
  • Potatoes - P180 (1 kilogram)
  • Carrots - P200 (1 kilogram)
  • Sayote - P115 (1 kilogram)
  • Chili leaves - P15 (1 tali)
  • Bell peppers - P500 (1 kilogram)
  • Malagkit na bigas - P80 (1 kilogram)
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Puwera pa rito ang bigas na mabibili mula PHP46 hanggang PHP60 pataas, depende sa klase.

Kung pagbabasehan ang kasalukuyang presyo ng mga binanggit na ingredients ni Neri sa kanyang weekly meal plan, malinaw na hindi kasya ang isang libong piso.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang sagot o reaksiyon si Neri ukol sa tanong at komento ng mga netizen sa kanyang weekly meal plan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Neri Naig, Bituin Escalante recall fangirling moments with Lea Salonga amid Broadway star's issue

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Neri Naig's Facebook post about her "P1,000 meal plan for a week" draws mixed reactions from netizens. At this writing, her post last September 10 has more than 1,300 comments.
PHOTO/S: Neri Naig Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results