Sachzna Laparan on ex Jerome Ponce's new girl: "Parang ang dating niya sa akin abangers."

Has Sachzna Laparan forgiven Jerome Ponce?
by Melba R. Llanera
6 days ago
Sachzna Laparan and Jerome Ponce
Sachzna Laparan on the new girl that Jerome Ponce is dating: "Dun pa ako una nagsabi sa friend na yun na parang, 'May problem kami ni Jerome, puwede ba kitang kausapin?' Yun pala ang ka-someone niya, na until now sila pa rin ang nangingibang-bansa, sila pa rin ang something na ganun."
PHOTO/S: @sachzna Instagram

Diretsahang inamin ni Sachzna Laparan, 25, na kilala niya ang babaeng nauugnay ngayon sa ex-boyfriend na si Jerome Ponce, 28.

April 2023 nang kumpirmahin ni Sachzna na hiwalay na sila ni Jerome pagkatapos ng dalawang taon nilang relasyon.

Walang malinaw na dahilan kung bakit sila nag-break noon.

Read: Sachzna Laparan and Jerome Ponce unfollow each other on Instagram; did they break up?

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), hiningan ng reaksiyon si Sachzna tungkol sa bali-balitang may new girl na nakikitang kasa-kasama ni Jerome ngayon.

Dito ay kaswal na ikinuwento ni Sachzna na isang kaibigang pinaghingahan niya noon ng problema nila ni Jerome ang siyang nakaka-date ngayon ng aktor.

Ilang beses pa raw nakabisita sa bahay niya ang hindi pinangalanang babae.

"Dun pa ako una nagsabi sa friend na yun na parang, 'May problem kami ni Jerome, puwede ba kitang kausapin?'

"Yun pala ang ka-someone niya, na until now sila pa rin ang nangingibang-bansa, sila pa rin ang something na ganun," pagsisiwalat ni Sachzna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila nakarating ang impormasyon kay Sachzna sa pamamagitan ng common friends nila ni Jerome.

"Hindi ko alam, pero marami ang nagsabi sa akin. Pero kasi sa circle lang din ng friends namin," saad ni Sachzna.

Sabay tukoy niya sa babaeng nauugnay sa ex-boyfriend, "Parang ang dating niya sa akin, abangers."

Sa puntong ito, mas nilinaw ni Sachzna kung paano niya nakilala ang unnamed girl.

Aniya, "Bale kaibigan siya ni Jerome. Pinapunta ko yun sa bahay ko, magkakasama kaming lahat. Pinakilala sa akin ni Jerome nang maayos, naging kaibigan ko."

Kuwento pa ni Sachzna, noong hiwalay na sila ni Jerome ay hindi sinasadyang nagkita sila ng unnamed girl sa isang okasyon.

"Yung girl, nagkita kami sa isang party. Kasi ako, wala na akong kahit na ano, kasi tapos na, e.

"Pero siya, never niya akong kinausap. Sabi ko nga, 'Grabe naman si Ate Girl.'"

Hindi raw para magtanim siya ng sama ng loob.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Diin ni Sachzna, "Well, sana maging happy sila kasi ang hirap kasi ng buhay ng showbiz."

Read: Jerome Ponce on bashers calling him "traydor": "I'm sorry kung nasaktan ko rin kayo."

SACHZNA LAPARAN ON BREAKUP WITH JEROME PONCE

Kinumpirma ni Sachzna sa PEP.ph na nagsimula silang magkalabuan ni Jerome nang manghingi ang aktor ng "space."

Pero kalaunan ay nauwi rin ang "space" sa breakup.

Nang tanungin ng PEP.ph kung gumawa ng paraan si Jerome para makipag-usap, inamin ni Sachzna na humingi ng closure sa kanya ang aktor.

"Maraming times na gusto niyang makipag-closure. Nag-text siya uli sa akin para makipag-closure," saad ng dalaga.

"Sabi ko, 'Ilang closure pa ba ang gusto mo?' Marami pala siyang kinausap after nun.

"Tapos paulit-ulit na closure na."

Aminado si Sachzna na nasaktan siya nang maghiwalay sila ni Jerome.

Sa kanyang vlog noong Abril, naikuwento ni Sachzna na pinilit niyang magtrabaho sa kabila ng pinagdadaanang heartbreak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong pa ni Sachzna sa sarili niya noon, "Ang sakit-sakit na. Ang sakit-sakit. Anong ginawa ko? Anong kulang sa akin?"

Pero sa panayam ng PEP.ph, ilang buwan makalipas ang breakup, kalmado si Sachzna at kaswal lang ang tono ng pananalita habang ikinukuwento ang kinahantungan ng relasyon nila ni Jerome.

Dagdag ni Sachzna sa hininging closure sa kanya ng ex-boyfriend: "Saka nasasaktan lang ako during that time.

"Kasi tuwing magkikita tayo [kami ni Jerome], iiyak na naman ako nun. Ayoko na nun.

"Napaglalaruan na ang feelings ko that moment, so ayoko na, kasi ilang months nang ganun.

"Sabi ko sa kanya, 'Alam ko na ang worth ko after this.'"

Napatawad na ba niya si Jerome?

"Feeling ko, pag nagkita kami, wala na. Feeling ko, ha?" sagot ni Sachzna.

Dugtong ng dalaga: "Di ako makapagsalita nang tapos. Di naman ako plastic. Di ko sasabihin na walang-wala, di ko sasabihin na mayroon.

"Kasi parang wala na, nakapag-move on na naman kami sa mga nangyari sa amin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nababalitaan ko sa make-up artist ko na kinukumusta-kumusta niya ako."

Masasabi raw ni Sachzna na gusto niyang mapabuti ang ex-boyfriend.

"Feeling ko okay naman siya, okay naman ako.

"Nababalitaan ko na may project nga siya, happy naman ako sa kanya kasi happy ako pag may project siya.

"Nung kami pa, pag may project siya, happy ako."

Read: Jerome Ponce and vlogger Sachzna Laparan celebrate first anniversary as a couple

ON LESSONS LEARNED

Nakapokus daw si Sachzna sa mga aral na natutunan niya sa relasyon nila ni Jerome.

Sabi niya, "Siguro huwag mong ibibigay ang lahat. Ang hirap kasi kawawa ka pag binigay mo ang lahat.

"Oo, wala kang regret pag ibinigay mo, pero in the long run, ikaw ang magsa-suffer."

Dapat daw pala ay may boundaries din siya.

"Totoo yung sinasabi nila na kailangan mong magtira sa sarili mo. Kahit nasa relationship, okay pa rin yung may sarili kang time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi may mga times na wala na akong ganun kasi lahat ibinigay ko sa relationship ko na.

"Dapat mag-invest ka sa sarili mo talaga. Wala kang kasiguraduhan sa lahat."

Mas gusto na rin daw ni Sachzna na non-showbiz guy ang susunod na magiging kasintahan.

"Hindi lahat ng nasa showbiz, may pera.

"Kung mayroon, gusto ko, to be honest, siyempre stable na, lahat na.

"Saka ayoko ng for fun lang. Ang hirap kaya mag-invest ng time tapos mawawala na naman. Ayoko na ng ganun."

Pangseryosohan daw ang gusto niyang relasyon.

"Kung mayroon mang next, gusto ko siya na, e. Alam naman ng lahat na totoo akong magmahal.

"Mas maganda na yung malinis ka, wala kang guilt feelings, makakapag-move on ka," sabi ni Sachzna.

ON BEING SINGLE

Hindi raw muna prayoridad ni Sachzna ang mag-entertain ng mga manliligaw.

"Maraming kumakausap sa akin, pero hindi ako consistent na makipag-usap.

"Hindi ko na kaya yung sobrang magbigay pa ng time. Oo, may kausap-kausap, pero sa mga socia media, hindi ko ibinibigay ang number ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ito yung sasabihin mo na, 'I-entertain ko na, kakausapin ko siya."

Sa ngayon ay ine-enjoy raw ni Sachzna ang pagiging single.

"Single ako, pero happy ako, kasi happy and contented ako sa kung ano ang mayroon ako ngayon," saad ng vlogger-actress.

Paglalarawan pa niya sa estado niya, "Oo masaya. Akala ko nga hindi, e. Pero the more na single ka, mas nakakapag-focus ka, mas nakikilala mo ang sarili mo.

"Ang akala nila masaya ka lang pag may someone ka.

"Oo, pero sa akin kasi, nae-explore ko ang sarili ko without someone na naghe-help sa akin."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sachzna Laparan on the new girl that Jerome Ponce is dating: "Dun pa ako una nagsabi sa friend na yun na parang, 'May problem kami ni Jerome, puwede ba kitang kausapin?' Yun pala ang ka-someone niya, na until now sila pa rin ang nangingibang-bansa, sila pa rin ang something na ganun."
PHOTO/S: @sachzna Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results