Matagal nang isinara ni Lorna Tolentino, 61, ang kanyang puso sa pag-ibig mula nang mabiyuda ito sa asawang si Rudy Fernandez.
Labinlimang taon na mula nang pumanaw si Rudy dahil sa periampullary cancer taong 2008.
Sa mga panayam sa aktres mula noon, tahasan niyang sinasabing magpapahinga muna siya sa love life.
Read: Lorna Tolentino closes door on love: “I’m 53 years old. Kung mga 40-something, baka puwede pa.”
Pero ngayon ay tila bukas na muli si Lorna para may makatuwang sa buhay.
Sarado pa ba ang puso niya para sa pag-ibig?
Nakangiting tugon ni Lorna, “Hindi. Okay lang naman kung meron. Parang, pinag-pray ko naman yan kasi depende naman, di ba?”
Para sa award-winning actress, hinihintay niya ang tamang tao na ibibigay ng Diyos sa kanya.
Banggit pa ni Lorna, “A, yung tama, yung ibibigay Niya, kung meron. Pero kung wala, okay na din.”
Eksklusibong nakakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lorna sa birthday party ni Dave Almarinez, asawa ng aktres na si Ara Mina, sa Top of the Alpha Events Place, Makati City, kamakailan.
Una na rin itong nilinaw ni Lorna sa panayam sa kanya noong May 2023.
Sabi pa niya, “Kung mayroon, oo, kasi iniisip ko rin naman siyempre yung mag-aalaga sa akin pagtanda ko.
"Masarap din yun, masaya din naman yun. Malay natin kasi plan ni Lord yun.”
Nami-miss ba niya ang companionship?
Tugon ni Lorna, “Di naman, kasi ang dami ko rin namang kaibigan, pamilya, marami. Mga anak ko, nakakausap ko."
Read: Is Lorna Tolentino open to dating younger guy?
EDDIE GARCIA LAW
Pabor si Lorna sa isinusulong ngayong House Bill No.1270 o An Act instituting policies for the protection and promotion of the welfare of workers or independent contractors in the film, television and radio entertainment industry — o mas kilala bilang Eddie Garcia Law.
Read: Local artists, nagtipun-tipon para talakayin ang Eddie Garcia Law
Ipinangalan ang batas sa veteran actor na si Eddie Garcia, na naaksidente sa taping ng isang television series na naging sanhi ng kanyang kamatayan sa edad na 90 noong June 20, 2019.
Read: Legendary actor Eddie Garcia dies at 90
Pabor na pabor daw si Lorna dito. Katunayan, kakapirma lang daw niya sa nasabing panukala bilang bahagi ng Aktor: League of Filipino Actors.
Sang-ayon din siya sa isinusulong na labing-apat na oras na trabaho ng crew and artists sa set ng pelikula o telebisyon.
Sabi niya, “Okay na yan kasi yung twelve hours work pa din naman, yung two hours mo, pag ano kayo, break, lunch break, dinner break.”
Samantala, bukod sa FPJ's Batang Quiapo, abala si Lorna, kasama ang kapwa aktres na si Sylvia Sanchez at isa pang business partner, sa kanilang bagong negosyo na pagbili ng foreign movies upang ipalabas sa Pilipinas.