Sobrang excited si Glaiza de Castro na sa unang pagkakataon ay magiging isang film producer siya sa pelikulang Slay Zone na pagsasamahan nila ni Pokwang.
Read: Glaiza de Castro wears PHP37.8 million necklace: "Bawal mawala! Bawat beso, check ako nang check!"
Co-producer ni Glaiza ang kapwa Kapuso star na si Ken Chan at ang bumubuo ng Wide International, isang distribution company ng beauty brand na sumabak na rin sa pagprodyus ng pelikula.
"Sa ngayon kasi, bilang kalu-launch ko lang as a co-producer, siyempre, ang nangingibabaw sa akin ay excitement," bungad ni Glaiza.
"Andun yung sobrang grateful din ako sa Wide International. Sa dinami-dami din kasi na nakatrabaho nila na puwede nilang gawing co-producer...
"Kahit nga si Ken [lang], puwede na, e, di ba? Kasi, siyempre, siya rin ang nauna for me. Matagal na nilang ka-partner si Ken.
"Pero para yung pagkatiwalaan ako na maging parte ng company nila [na] hindi lang ako basta endorser, o talent nila..."
Hindi raw akalain ni Glaiza na talent at co-producer ng kumpanya ang i-o-offer sa kanya.
Kahit unang sabak niya sa pagproprodyus, kumpiyansa si Glaiza dahil malawak na rin niyang karanasan sa showbiz.
"'Ika nga ni Mamang Pokwang, kapag nawala yung pressure, ah, parang tiwalang-tiwala ka naman sa sarili mo nun," saad ng 35-year-old actress.
"Siguro, andun din yung pressure to come up with out-of-the-box na ideas kasi, yun talaga ang target nila, e.
"Kita niyo naman, ang unang-unang pelikula na na-produce nila ay yung Papa Mascot."
Ang Papa Mascot ay family drama tampok sina Ken, Gabby Eigenmann, Miles Ocampo, at child star na si Erin Rose Espiritu. Gumanap si Ken doon bilang ama-amahan ng batang dinakip niya pero itinuring na tunay na anak.
Bilib si Glaiza sa Wide International na hindi raw takot sumubok ng naiibang pelikula.
"Para talagang itong mga taong ito, they love taking risks, and that's what I love about them.
"Hindi sila takot to invent, reinvent, to give something different. And nung ma-meet ko sila, sabi ko, pareho kaming gustong gawin sa buhay."
Bilang co-producer, saan nga ba ang saklaw ng kanyang kaparatan sa pagpapatakbo sa proyektong ito?
Sagot ni Glaiza, "Yung konsepto o idea ang unang factor na tinitingnan kung paano ko tatanggapin ang..
"Pero, ang maganda dito sa Wide, hindi naman lahat po ng pelikula ay nandun ako. Puwedeng nasa likod lang ako, kami ni Ken.
"Of course, merong ibinigay sa amin na, ano ba, yung right to suggest, and pitch more.
"Yun po ang isa sa mga gifts na ibinigay sa amin ng Wide na makasama kami sa pagbi-brainstorm at pag-conceptualize, and to produce an idea na kasama pa rin kami doon."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng columnist na si Lito Mañago si Glaiza sa story conference ng upcoming movie na Slay Zone kagabi, September 17, 2023, sa Luxent Hotel, Quezon City.
Read: Filipino celebrities with European partners
KEN CHAN ON CO-PRODUCING SLAY ZONE
Kasama ni Glaiza si Ken sa event, at natanong din namin ang PEP.ph actor tungkol sa pagiging co-producer nito.
Pangalawang pagkakataon na maging co-producer, at excited siya para kay Glaiza.
Kuwento ng 30-year-old actor, "Slay Zone ay ang pelikula nina Mamang Pokwang at Glaiza de Castro. Ako dito ay hindi bilang aktor o artista.
"Ako po ay magtatrabaho behind the scene bilang co-producer kasama [ang representatives] ng Aromagicare Wide International, together with Glaiza din as co-producer."
Abala si Ken sa kanyang role bilang Dr. Lyndon sa Kapuso afternoon series na Abot-Kamay Na Pangarap, pero hindi niya pinalagpas ang pagkakataong mag-co-produce ng Slay Zone.
"Well, naba-balance ko naman yung oras ko. At nagawa ko na din naman ito nung ginagawa ko yung Papa Mascot, and [I] was also the co-producer of that film.
"So, kahit papaano ay di na siya bago sa akin. May idea na ako kung paano maging isang artista, at maging isang co-producer din. Kaya din naman ng oras."
Challenging para kay Ken ang maging co-producer.
"Mahirap, especially nung una, mahirap dahil ang dami kong kailangang isaalang-alang.
"Ang dami kong iniisip kung paano ko pagkakasyahin yung budget as a producer, kung ano ba yung tamang istorya, kung ano ba yung tamang konsepto kung ano ba ang kakagatin ng mga tao.
"Especially ngayon, na ang hirap gumawa ng pelikula, at iilan lang ang naglalakas-loob ang gumawa ng pelikula."
Sa panahong ito na hindi ganun kasigla ang mga tao sa pagtangkilik sa pelikulang lokal, bakit niya naisipang magprodyus ng pelikula?
Sagot ni Ken: "Sayang. Nanghihinayang kami dahil alam namin bilang mga producer, na kaya pang buhayin ang pelikulang Pilipino.
"Hindi kami natatakot because maraming outlet ngayon, para maipalabas ang mga pelikula, at para kumita.
"Alam natin na hindi pa gaano kataas ang sales sa mga movie theaters, alam natin na di na gaanong pinupuntahan ng mga tao, pero may iba pang outlets para kumita."
Malaking tulong daw ang online streaming platforms pagdating sa pagpapalabas ng Filipino films.
"Maraming online streaming platforms ngayon na nakakausap namin, at interesado naman sila. So nakakalakas ng loob.
"Actually, mas maganda pa dahil maraming outlets para kumita ang isang pelikula— puwede mong ibenta sa ibang bansa, puwede mong isali sa film festivals.
"Nasa tamang strategy lang po talaga at sa tamang tao," paliwanag ni Ken.
Read: Sunshine Cruz on buying a new house: “Nag-upgrade ako because of my kids too.”
ken chan not keen on directing a movie
Dahil nasubukan na niya ang pagiging producer, tinanong ng PEP.ph si Ken kung naisip niyang pasukin naman ang pagiging director.
Nag-isip muna ng ilang minuto bago sumagot si Ken, "Naku, para sa akin, hindi ko nakikita sa sarili ko ang magdirek. Pero, hindi ko naman sinasara ang pagkakataong iyon.
"Mahirap maging isang direktor kasi, kailangan mong maglaan nang oras, at panahon para maging isang professional director."
Tingin ni Ken ay "very technical" ang trabaho ng director at kailangan sumailalim sa pormal na edukasyon para rito.
"Sa ngayon, hindi ko pa kayang maglaan ng oras at panahon dahil sa schedule ko bilang isang artista.
"At masaya na ako sa pagpu-produce. Dun ko nakikita ang sarili ko more than being a director."