Isang Filipino-Japanese woman, 82, ang nakauwi ng Japan matapos siyang maiwan ng kanyang amang Hapon sa Pilipinas noong World War II taong 1945.
Ito ang kuwento ni Margarita Hiroko Koyama, na nanirahan sa Digos, Davao del Sur.
Nakauwi siya ng Japan nito lamang September 10, 2023.
Si Margarita ang itinuturing na kauna-unahang war-displaced descendant ng Japanese migrant sa Pilipinas na nagawang makauwi sa Japan.
Ang Japanese term sa mga katulad ni Margarita ay Nikkei-jin.
Read: Drunk tourist destroys historic statue after 3-year restoration; repair cost is PHP1M
Si Margarita Hiroko Koyama (center) bago tumulak sa Japan. Kasama niya si Hanada Takahiro, ministro ng Japanese Embassy in Manila (far right).
Ayon sa The Mainichi website, ang ama ni Margarita, si Tomaho Koyama, ay dumating sa Pilipinas bago ang World War II, at nakapag-asawa ng isang Pilipina.
Pero pagsapit ng 1945, panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, si Tomaho kasama ang kanyang mga anak tulad ni Margarita, ay binihag ng mga sundalong Amerikano, bago sumuko ang Japan noong August 14, 1945.
Si Tomaho ay na-deport sa Japan, at naiwan sa Pilipinas ang kanyang asawa at mga anak.
Namatay si Tomaho sa Fukuoka Prefecture pagkalipas ng tatlong taon.
Read: Kilalanin si Pinay nurse PJae, hindi umuurong sa duty kahit may pandemya, giyera
MARGARITA’S BATTLE FOR CITIZENSHIP
Inabot si Margarita ng maraming taon para patunayan ang kanyang Japanese citizenship.
Sa panahon ng giyera, nasira ang maraming dokumento, tulad ng mga birth certificates.
Nagsumite si Margarita ng petisyon sa family court sa Japan. Nabigyan siya ng Japanese citizenship noong 2017.
Taong 2019, nakuha na niya ang kanyang Japanese passport.
Subalit kailangan niyang magbayad ng $34,000 o PHP2 milyon bilang multa sa pagiging displaced descendants ng Japanese migrants. Itinuturing kasi silang illegal residents.
Naging hudyat ito ng pakikipagnegosasyon ng Japanese Embassy sa Philippine government.
Nito lamang Hulyo 2023, pumayag ang Philippine government na tanggalin ang multa sa mga Hapon na nakakuha ng certificate at iba pang requirements mula sa Japanese Embassy.
Ito ang Immigration Memorandum Circular No. 2023-004: “Guidelines on Philippine Nikkei-jin”.
Si Margarita ang itinuturing na kauna-unahang nakinabang sa immigration memorandum na ito.
Read: Grabe! Memorable moment ng newlyweds, binuking sa speech ng best man
Sinabi ni Margarita na hangad niyang mabisita ang lupang sinilangan ng kanyang ama. At matutupad na niya ito ngayon.
“Siguro iiyak ako, di ba, di ko akalain na mapupunta ako ng Japan,” paliwanag ni Margarita sa NHK (Japan Broadcasting Corporation).
Ayon sa The Mainichi, imi-meet ni Margarita sa Japan ang kanyang limang anak na babae na matagal nang nagtatrabaho at naninirahan sa Japan.
Plano rin niyang bisitahin ang puntod ng kanyang ama, pati na rin ang kanyang mga kamag-anak doon.
Kaugnay ng kuwentong ito, tiniyak ni Hanada Takahiro, ministro ng Japanese Embassy in Manila, na patuloy nilang gagawin ang kanilang makakaya para tulungan ang mga kagaya ni Margarita.