Marlo Mortel quickly moves on after malicious post against him

Marlo Mortel not thinking about getting married and having kids.
by Jerry Olea
Sep 18, 2023
marlo mortel malicious post
Marlo Mortel changes mind about wanting to have a kid: “Alam mo, sa totoo lang… alam mo, di ba, parang noong bata ka, parang ayun ang pangarap mo, na magkaanak, magkapamilya ka. Pero parang ngayon, ayokong magkaanak.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Agosto 15, 2023 nang mag-post sa Facebook ang isang “Yuki Zaragosa” na kesyo sine-seduce ni Marlo Mortel ang kanyang boyfriend at nais maka-threesome.

Read: Marlo Mortel reacts to malicious post accusing him of seducing another man

Kinumusta ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) si Marlo nang makausap namin sa Gala Night ng 3rd Philippine Film Industry Month nitong Setyembre 16, Sabado, sa Teatrino, Promenade Greenhills, San Juan City.

“Masaya ako. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Hindi naman kasi totoo, e, so OK lang ako,” pahayag ni Marlo.

Naapektuhan ba siya?

“Hindi masyado. Actually kasi, nung lumabas yun, out of town ako with people from the government,” tugon ng singer-actor.

“So sakto, nung nangyari yun, pinasa na agad namin Ayung complaint sa someone with connection sa NBI. So, na-trace naman kung tagasaan siya.

“Pero magde-decide pa kami kung magpapasa pa ng complaint, yung Star Magic. Magde-decide pa kami kung dapat lang.”

Nanahimik na si “Yuki”?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually kasi, hindi ko na masyadong napapansin din. And nagsabi na naman ako ng statement ko agad para tapos na agad,” pag-amin ni Marlo.

Read: Marlo Mortel to take legal action against malicious post about him

Sinuportahan ba siya ng kanyang mga kaibigan?

“Oo naman. Oo naman. E, ako naman, natatawa lang talaga ako. Kasi nga, ano naman siya, parang hindi naman siya bago,” sambit ni Marlo.

“And OK lang, happy lang ako.”

FAKE NEWS

Ano ang natutunan niya sa nangyari?

"Tulad ng sabi ko, sobrang dangerous talaga ng fake news. Talagang think before you click, guys,” saad ni Marlo.

“Kasi, nanggaling lang sa isang dummy account. So siyempre, kung hindi matapang yung tao or malakas, di ba, pagka napagtripan ng ganun, e di baka puwedeng magpakamatay pa!

“Di ba? Ha! Ha! Di ba, so, dahan-dahan lang sa pagse-share, lalo na sa isang dummy account lang naman.

“Hanap lang muna ng basis. Parang Journalism lang yan. Pag merong isang something na isyu or whatever, hanapan nyo muna ng background or facts bago tayo mag-share.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa personal life niya, secretive ba siya talaga?

“Kasi hindi lang naman sa public. Talagang kahit sa friends, gusto ko may personal space ako,” sabi ni Marlo.

“Parang ayun na lang kasi ang sa akin, e. So gusto ko, akin yun. Kung saan ako masaya… basta ako, nandito ako to give entertainment and inspiration to people.

“Pero pag aking happiness, akin na lang yun.”

Sobrang pili lang ang mga kaibigan ni Marlo at wala siyang masyadong showbiz friends.

WHO IS "YUKI ZARAGOSA"?

Mabuti at naaksyunan agad niya iyong paninirang-puri sa kanya.

Tumango si Marlo, “Oo, wala naman akong problema. And wala akong pakialam talaga pag lumaban ako ng lawsuit or whatever. I don’t mind.

“Buti nga, may mga tumulong sa akin na mayor and congresswoman na pinasa talaga yung reklamo.”

Feeling ba niya, kailangan pang magdemanda?

“Ayun nga, e. Sa akin naman, siguro pag may ginawa pa siya ulit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-identify ba nila kung sino talaga si “Yuki Zaragosa”?

“Sa ngayon, hindi ako makakapagsabi ng name. Basta desisyon na lang yun ng Star Magic and me,” sabi ni Marlo.

Anong feeling niya na patuloy na kinu-question ang kanyang sexual identity, orientation or preference?

“Sa totoo lang, ngayon, wala na kasi akong paki! Para bang… hindi ko ibinibigay yung happiness ko sa ibang tao,” sambit ni Marlo.

“Happiness ko, akin. So, kung ano ang nagpapasaya sa akin, dun ako. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao.

“Ano na siyempre, natuto na tayo sa maraming taon na pinasok mo naman ang showbiz na yung mga tao, may pakialam sa buhay mo.

“So dapat, marunong ka lang mag-handle.”

BACK TO SCHOOL

May nagpapasaya ba sa kanya ngayon?

Napangiti si Marlo, “Sa ngayon, parang wala nga, e! Busy ako, nag-aaral kasi ako ngayon. Scholar ako ngayon sa Enderun.”

Multi-media Arts ang four-year course ni Marlo sa Enderun Colleges na nasa McKinley Hill, Fort Bonifacio, Taguig City. Nasa second semester pa lang siya sa first year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Four times siyang pumapasok sa school. Isa siya sa apat na artists ng Star Magic na pinagkalooban ng scholarship sa Enderun. Karamihan ng kaklase niya roon ay 18 or 19 years old.

Kumusta naman ang pag-aaral niya?

“OK naman kasi hindi pa ako naka-graduate. Fourth year na ako nung nag-stop ako dahil ako nga ang breadwinner sa family,” lahad ni Marlo.

“Muntik na akong grumadweyt pero since kailangan kong mag-work, lalo para sa nanay ko…”

Marketing ang kurso noon ni Marlo sa San Beda College Alabang. Bakit hindi pa niya iyon tinapos?

“Dapat. Pagbalik ko, iba na yung curriculum. Ngayon, kailangan ko uling bumalik ng first year kahit Marketing ako,” pagsisiwalat ni Marlo.

“Parang wala lang din lahat ng inaral ko. So sabi ko, huwag na lang. Buti dumating itong opportunity na ito.

“At least may care yung Star Magic sa mga studies namin. Gusto nilang makatapos kami talaga.”

Kumusta ang pagbabalik-eskwela niya after a long time?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Na-shock ako. Kasi siyempre, yung huli akong nag-school, talagang mano-mano, di ba?” sagot ni Marlo.

“Papel, assignment, exam. Ngayon, lahat online na! Parang may portal kami, tapos lahat ng assignments, lahat ng discussions, high-tech.”

Nanghinayang ba siya sa ginastos niya before, saka sa panahon na inilaan noon?

“OK lang. At least may blessing ngayon. Kung nakatapos ako noon, walang Enderun ngayon.”

IS MARLO OPEN FOR NEW LOVE?

Busy siya sa studies, pero open ba siya sa new love just in case?

“Oo naman. Pag may dumating e di masaya. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!” paghalakhak muli ni Marlo.

"Pag wala, e, di happy pa rin ako!”

Na-maintain ba ang friendship nila ng dati niyang ka-love team na si Janella Salvador?

“Yes. Yung sa amin naman na friendship, yung tipo na kahit hindi kami nag-uusap, pag nagkita kami, ganun pa rin.”

Naiinggit ba siya kay Janella na meron na itong anak na lumalaki?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Alam mo, sa totoo lang… alam mo, di ba, parang noong bata ka, parang ayun ang pangarap mo, na magkaanak, magkapamilya ka.

“Pero parang ngayon, ayokong magkaanak.”

Bakit?

“Hindi ko alam. Kasi parang… siguro dahil ang dami kong naging responsibility sa sarili ko and sa family ko the past years,” sabi ni Marlo.

“So, parang itong mga taon na ito, ibinibigay ko na sa akin yung time ko, e. So parang hindi pa ako ready ng magkaroon ng isa pang responsibility.

“Maybe in the future.”

E, iyong kasal, naiisip niya?

“Hindi rin.”

Siyanga pala, under Star Music uli si Marlo at nakapag-record na siya ng limang kanta.

“May bago akong album na ilalabas soon. Within the year.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marlo Mortel changes mind about wanting to have a kid: “Alam mo, sa totoo lang… alam mo, di ba, parang noong bata ka, parang ayun ang pangarap mo, na magkaanak, magkapamilya ka. Pero parang ngayon, ayokong magkaanak.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results