Snooky Serna still mum about reports that she had a miscarriage

by Archie de Calma
May 28, 2008
Did she have a miscarriage or not? This is the nagging question of the people behind Snooky Serna's hospitalization. But until now, the actress neither confirms nor denies the report.

Umiiwas ang aktres na si Snooky Serna na magpa-interview sa media mula nang sumabog ang balitang isinugod siya sa hospital dahil sa usap-usapang nakunan siya.

Bago pa nangyari ito, sinasabi mismo ng aktres sa amin na ilang buwan na siyang buntis at ang ama ng diumanong dinadala ay isang maimpluwensiyang tao, mayaman na pulitiko. Hindi namin agad pinatulan ang pahayag ni Snooky dahil ayon sa ilang malalapit sa aktres, imposibleng siya'y mabuntis dahil pagkatapos niyang ipanganak ang bunso nila ni Ricardo Cepeda na si Sachi ilang taon na ang nakararaan ay nagpa-ligate na ang aktres.

Pero consistent si Snooky sa kuwento niyang siya'y nabuntis, at maski nga sa ilang ulit na pagdalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa taping noon ng Kaputol ng Isang Awit, ang kinabibilangan niyang Sine Novela sa GMA-7, kapag naaalok niya kami ng pagkain ay talagang binabawi niya at sinasabing, "Naku, baka antukin ka! Buntis ako!"

Continue reading below ↓

Nang minsang ma-pack-up ang taping ng Kaputol ng Isang Awit ay napabalitang ngang isinugod si Snooky sa ospital. Hanggang ngayon, undisclosed report kung saang ospital yun, at kung ano ang naging kaso niya kaya siya isinugod doon.

Out-patient nga raw ang aktres at hindi nagbilang ng maraming oras sa ospital, ini-release kaagad, at nakabalik agad sa taping ng nabanggit na teleserye ng GMA-7 pagkatapos lang ng dalawang araw.

Ayon sa talent manager na si Leo Dominguez, na malapit sa aktres, appendicitis lang daw ang kaso ni Snooky at hindi ectopic pregnancy gaya ng naisulat.

Ang hindi namin maintindihan ay kung bakit sa ngayon, hindi nagsasalita publicly ang aktres tungkol sa pangyayaring yun kung appendicitis lang pala ang naging problema niya. May iniiwasan nga ba ang aktres?

Sa ngayon, hindi na nagsasalita si Snooky tungkol sa diumano'y pagbubuntis niya. Para ngang walang nangyari. Balik siya sa trabaho. Patapos na sa ere ang Kaputol ng Isang Awit at nag-last taping day na kahapon, May 27.

Continue reading below ↓

Namomroblema na nga si Snooky ngayon pa lang kung ano ang susunod niyang trabaho.

In fairness, naging maganda naman ang takbo ng pag-aartista ni Snooky mula nang pagtiwalaan siyang muli ng GMA-7. In fact, mula sa regular exposure na ito na tumatak na muli sa isipan ng publiko, nagkasunud-sunod ang mga proyektong ginagawa niya.

Natapos niya ang Paupahan para sa kumpanya ng aktor na si Allen Dizon, at kasama rin siya sa kontrobersiyal na pelikulang Eskandalo. Nakapag-shooting na rin siya para sa Fidel na nagtatampok kay Lance Raymundo at idinidirek ni Elwood Perez. Mag-uumpisa na rin siya sa Ang Pagsasamantala ni Rosario ng Starview Productions na ididirek ni Paolo Villaluna.

Very productive ang panahong ito para kay Snooky, at mukhang tinatapos na niya ang mga araw ng katsipang intriga at kontrobersiya sa kanya, lalo na itong tungkol sa miscarriage niya diumano. Pero ewan lang kung hanggang saan at kailan mananahimik si Snooky tungkol dito, lalo pa't nakilala siya bilang bukas sa lahat ng mga pangyayari sa kanyang buhay.

Continue reading below ↓

Pero sa kabila ng sunud-sunod na proyekto ni Snooky at muli niyang pagsisipag sa trabaho, ang naikukuwento niya sa amin ay tungkol uli sa pagkagipit niya sa pera. Parang kumayod man siya nang kumayod ay napakadaling dumaraan lang ang pera sa kanyang palad.

Inamin ni Snooky na sa puntong ito, binawasan na talaga niya ang paggasta at kahit gaano man siya magtipid, sa dami ng umaasa sa kanya ay tila hindi pa sapat ang kanyang kinikita. Mukhang ito na yata ang kalbaryo ni Snooky Serna.

Read Next
Read More Stories About
Snooky Serna
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Did she have a miscarriage or not? This is the nagging question of the people behind Snooky Serna's hospitalization. But until now, the actress neither confirms nor denies the report.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results