Glaiza de Castro gives co-star Lovi Poe advice on love

by Archie de Calma
May 28, 2008
"Ang sabi ko lang kay Lovi, sundin niya kung ano ang mas makakapagpaligaya sa kanya. Pero kailangang gawin niya yun sa paraang hindi niya masasaktan ang mga totoong nagmamahal sa kanya. A lot of people care for her, at sana hindi rin niya balewalain yun," says Glaiza de Castro about her advice to Kaputol ng Isang Awit co-star Lovi Poe.

Naglagare pa si Glaiza de Castro ng Santacruzan sa Macabebe, Pampanga, bilang paningit sa last taping niya for Kaputol ng Isang Awitkagabi, May 27. Sa Ospital ng Makati ang location kagabi at doon na-interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza, na medyo teary-eyed sa pagwawakas ng nabanggit na Sine Novela ng GMA-7.

"Masaya ako dahil naging consistent kami sa ratings," sabi ni Glaiza. "Mayroon talagang mga sumusubaybay sa soap, and very grateful kaming lahat sa mga sumuporta.

"Wala pang sinasabi sa akin kung ano ang susunod kong project sa GMA-7. Pero mas mabuti na yung hindi umaasa nang matindi dahil dumating ang proect na ito na hindi ko man lang in-imagine. Mas maganda talaga yung malalaman mo na lang, kasama ka pala sa ganito o ganyang project. Still, dapat lang na maging grateful ako sa GMA-7 sa pagbibigay ng chance sa akin, to prove my worth."

LOVI'S LOVE PROBLEM. Sa pagpapatuloy ng trabaho nila ni Lovi Poe sa Kaputol ng Isang Awit, may mga lumabas pang kesyo nagkakairitahan na sila. Mariin naman itong itinanggi ni Glaiza.

Continue reading below ↓

"Nagugulat nga kami ni Lovi, kesyo may inggitan daw, hindi naman kami totoong friends," napapailing na sabi ni Glaiza. "Ganoon na lang siguro yun. Part ng pagsasama namin sa trabaho.

"Pero naging very close talaga kami ni Lovi, at naa-appreciate ko yung pagtitiwala niya sa akin, when she opened up to me a number of times about her personal problems," dugtong niya.

Medyo personal na ang mga nasabi ni Lovi kay Glaiza. Pero aware ang publiko tungkol sa kinakaharap na sitwasyon ni Lovi tungkol sa rumored boyfriend nitong si Jolo Revilla.

"Alam mo, natutuwa ako kay Lovi dahil ibig sabihin, pinagtitiwalaan niya ako. Ang sa akin lang, in a lot of points, nakaka-relate ako sa sitwasyon niya, e. Mahirap yung sitwasyon ni Lovi. Parang nalilito siya kung saan niya ilulugar ang sarili niya.

"Ayoko namang maging judgmental pagdating sa bagay na 'yan, kasi hindi ko pa naman nararanasan yung ganoong klaseng problema, na na-in love na talaga ako. Ang sabi ko lang kay Lovi, sundin niya kung ano ang mas makakapagpaligaya sa kanya. Pero kailangang gawin niya yun sa paraang hindi niya masasaktan ang mga totoong nagmamahal sa kanya. A lot of people care for her, at sana hindi rin niya balewalain yun," pahayag ni Glaiza.

Continue reading below ↓

MISSING MARKY. Mami-miss kaya ni Glaiza ang leading man niya na si Marky Cielo ngayong tapos na ang taping nila for Kaputol ng Isang Awit?

"Hindi lang naman si Marky, yung buong atmosphere sa taping. Kasi naging magaan ang pagtatrabaho namin for months. Walang naging problema. But for sure, magkakasama pa rin kami ni Marky sa ibang projects, para na rin doon sa nagkagusto sa team-up namin," sabi niya.

Nag-evolve na ang pagiging star ni Glaiza sa pamamagitan ng Kaputol ng Isang Awit. Ngayon daw, acting and feeling star na si Glaiza, at yun ang remarkable na transformation na naganap sa kanya.

"Hindi naman," abang sinabi ng dalaga. "Hindi ko plinano na magpaka-star, or acting like a star. Hindi ako ganoon.

"Nakita lang siguro nila yung improvement. I'm happy kasi pinagbubutihan ko ang trabaho ko. Inaayos ko ang sarili ko, lalo na sa pagharap sa mga tao. Kasama na siyempre yun, at responsibility ko to take care of myself, para mas lalo pa akong magustuhan ng mga tao," pagwawakas ni Glaiza.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang sabi ko lang kay Lovi, sundin niya kung ano ang mas makakapagpaligaya sa kanya. Pero kailangang gawin niya yun sa paraang hindi niya masasaktan ang mga totoong nagmamahal sa kanya. A lot of people care for her, at sana hindi rin niya balewalain yun," says Glaiza de Castro about her advice to Kaputol ng Isang Awit co-star Lovi Poe.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results