Makisig Morales to do TV shows "Utoy" and "Super Inggo Book 2"

by Rose Garcia
May 29, 2008
Makisig Morales is in a roll, as far as his acting career is concerned. After doing Caregiver, he is set to do Utoy and Book 2 of Super Inggo.

Mukhang taon ni Makisig Morales ngayon dahil pagkatapos ng bonggang exposure niya sa pelikulang Caregiver, may mga kasunod pang TV shows na gagawin ang batang singer-actor.

Speaking of Caregiver, nabalitaan naming as of yesterday ay may estimate gross na itong P15 million na kita from its nationwide screening.

Napaka-blessed nga raw ng feeling ni Makisig this year. Tuwang-tuwang ikinuwento nito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na ang makapunta sa London at ang makatrabaho ang Megastar na si Sharon Cuneta ang mga pinakamagandang nangyari sa kanyang career ngayong taong ito.

"Sobra po! Sobra-sobra pa po sa mga iniisip ko na puwedeng mangyari sa akin," excited na kuwento pa nito sa PEP tungkol sa nangyari sa kanya ngayong taon. "'Yun nga pong makasama ko si Tita Mega, kasi po, yung nanay ko po, kahit noon pa po, idol na talaga niya si Tita Sharon. Hindi rin po siya makapaniwala na kasama ko na po sa movie," dagdag na bida pa ni Makisig nang makausap ng PEP after ng premiere night ng movie nila last Tuesday sa Megamall.

Continue reading below ↓

From a PEP source na taga-production ng ABS-CBN, nakarating sa amin na nagkaroon na ng meeting ang ilang TV execs ng istasyon at pinag-usapan nila ang pagre-resume muli ng taping for Makisig's series, ang Utoy na for the first time ay makakasama ni Makisig ang Comedy King na si Dolphy.

Nakapagsimula na ng taping noon for Utoy, pero pansamantala itong natigil. Pero ayon nga sa PEP source, magre-resume na raw ito at kung walang mababago sa plano, baka raw end of June or early July ang pag-eere na ng Utoy at kung hindi rin mababago ay pang-primetime slot. Kasabay nito halos ang pagpapalabas din ng Dyosa naman ni Anne Curtis.

Bukod sa Utoy, tuloy na tuloy pa rin daw ang isa pang series ni Makisig. Ang kauna-unahang fantaserye na pinagbidahan nga niya, ang Super Inggo.

After ng Book 1, nasundan ito ng Super Inggo 1.5, which is not really part of the Book 1 & 2, so, most likely raw, mga bandang end of 2008 na kapag umere ang Super Inggo na Book 2 naman.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makisig Morales is in a roll, as far as his acting career is concerned. After doing Caregiver, he is set to do Utoy and Book 2 of Super Inggo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results