Angelu de Leon comes home to Viva Films

by Rose Garcia
May 29, 2008
"Parang kinalakihan mo na sila. So when you see them, parang ang tagal mo rin nawala, nagbakasyon ka, ‘tapos umuwi ka, yun! Parang yung feeling nga na you're back home. Kinakabahan, honestly, parang hindi ko pa kasi alam kung ano ang mga mangyayari," says Angelu de Leon about returning to her original home studio.

Kinumpirma ng aktres na si Angelu de Leon na balik na siya ngayon sa pangangalaga ng Viva Films through Viva Artists Agency (VAA) ni Veronique del Rosario. Although isa siyang certified Viva artist dahil halos lahat ng movies niya during her teenage years ay under Viva, never naging under management ng Viva si Angelu dahil during that time ay si Veanna Fores ang nagma-manage ng career ng aktres.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Angelu sa baby shower cum birthday party ng kaibigan niyang si Gladys Reyes kahapon, May 28. Ayon sa aktres, natuwa naman daw siya when VAA called her two months ago.

Kuwento niya, "They were the one who called me and asked me if I want to co-manage. Kumbaga, naririnig na rin nila siguro na I've been managing myself for the longest time. At wala talaga kong kinukuhang manager after ni Tita Veanna. Nag-one year lang ako with Direk Manny Valera, pero isang taon lang din.

Continue reading below ↓

"Okey naman si Direk Manny, pero siguro may iba lang talaga akong hinahanap. After nun, ako na ang nagma-manage sa sarili ko. And when they [VAA] called me, they wanted lang naman na i-co-manage. So ako, okey lang. Why not, di ba?"

COMING HOME. Feeling ni Angelu, it's like coming home after a long time.

"E, kasi nga, sa kanila rin naman ako nanggaling, di ba? Although, of course, Tita Veanna was there. Pero lahat, movies, T.G.I.S., Ober Da Bakod... Actually, for the record, when I was in Ang TV, I was already in Viva. Tita Veanna already signed up in Viva kaya ako, one year lang din ako sa Ang TV."

Masaya raw si Angelu kung totoo ngang may plano ang Viva na ibalik muli ang mga dating talents ng kumpanya at magbalik muli sa aktibong pagpo-produce ng movies ang naturang film company.

"Good for me, di ba? At least alam naming may plano. Kasi nga, parang kinalakihan mo na sila. So when you see them, parang ang tagal mo rin nawala, nagbakasyon ka, ‘tapos umuwi ka, yun! Parang yung feeling nga na you're back home. Kinakabahan, honestly, parang hindi ko pa kasi alam kung ano ang mga mangyayari.

Continue reading below ↓

"Flattering kung talagang ibabalik nga nila yung dati. Nakaka-miss na rin kasi like having a grand presscon, quality movies... Alam n'yo yun? Marami na rin kasing artista ngayon, so maganda na marami ring avenues na puwedeng puntahan ng mga artista."

Inamin din ni Angelu na ang dating manager pa rin na si Veanna Fores ang hinihingan niya ng mga advice. Natutuwa raw siya na kahit aminado siyang siya talaga ang may mga nagawang pagkakamali, kaya nabulilyaso ang career niya noon, napatawad na raw siya nito at masaya siya na open pa rin ang communication nilang dalawa.

STILL BUSY. Tungkol sa kanyang showbiz career, may natapos na raw si Angelu na isang independent film, ang Crossroads, sa direction ni Joven Tan. Kung wala raw mababago, malamang na by July na ito maipalalabas.

Sa TV naman, naghihintay lang daw siya kung kailan na mae-ere ang nasimulan niyang komediserye sa ABS-CBN, ang Parekoy, na last year pa nila sinimulan. Recently daw kasi, may pasabi na start na silang muli ng taping.

Continue reading below ↓

"Well, it's a komediserye. Hindi siya drama sitcom dahil araw-araw siya. I think, dapat primetime siya, so hindi ko alam if may changes. Kasama ko rito sina John Prats, Jayson Gainza, and it is directed by Randy Santiago. Sabi nila, baka mag-taping na raw ulit. May tentative kaming taping, pero siyempre hindi mo pa rin masasabi hangga't hindi pa talaga hayan na, naka-ere na," lahad ni Angelu.

NETWORK WAR. Ayon kay Angelu, hindi raw siya exclusive sa ABS-CBN. Although pagkatapos ng Super Inggo, hindi na siya nakita pang muli sa Kapuso network.

"No, I am not in contract with any network," paglilinaw ni Angelu. "Kung may offer ang GMA, we don't mind...oo naman. Para kasing ang nangyari, ipinanganak din ako sa ABS-CBN [through Ang TV], pinalaki ako ng GMA-7, nagdalaga ko sa GMA-7, ‘tapos nanganak ako sa ABS!"natatawa niyang sabi.

"Alam n'yo yung sa akin kasi, they both treated me well," pahabol ni Angelu.

Continue reading below ↓

Sa kanya raw kasi, dapat talagang walang kanya-kanyang network sa kanilang mga artista.

"Kasi para sa akin, in truth naman, dapat wala namang artistang nakatali. Dapat wala naman... Everybody should share a blessing. Kung sino ang may magandang...Yun nga lang, ang sad, minsan kasi, ang nagiging labanan, yung pera imbes na trabaho lang, ganda ng script, or ganda ng project. Ang nangyayari ngayon, it's all about money, which is hindi mo rin nga masisisi.

"Basta ang importante lang," patuloy niya, "kung saan ka nagwo-work, wala ka naman masasabing masama kasi tinanggap mo yun, e. You have to take the good and the bad of whatever the company is. At kung lumipat ka man sa kabila, hindi ka rin dapat magsalita ng hindi maganda sa pinanggalingan mo. Basta ako, ang naging prinsipyo ko lang, basta may show ako na at present pinapalabas, kahit anong offer sa kabila, hindi ko tinatanggap. Ang sa akin, respeto na lang siyempre."

Continue reading below ↓

PRIVATE LIFE. Malalaki na rin ang dalawang anak ni Angelu na sina Nicole, 10, at Louise, 7. Pareho silang nag-aaral sa isang Chinese school. Katuwiran ni Angelu rito, para hindi raw masyadong exposed sa showbiz ang mga anak niya at hindi siya maagang hiritan na gusto rin nilang magsipag-artista tulad niya.

With regards to Nicole's father, Joko Diaz, mas okay raw ang relasyon nila ngayon.

"Well, hindi pa rin naman nangyayari na nagkita sila ni Nicole. I think, pinaka-recent pa rin noong wake ni Tito Ron [Fernando Poe Jr.]. Pero si Joko, nakakapag-text na rin siya before. So kahit paano, mas may communication ngayon," kuwento niya.

Hindi rin ikinaila ni Angelu na napanood niya ang feature ng Balitang K sa ama ni Joko, ang dating character actor na si Paquito Diaz. Nagulat daw siya nang makita ito, pero natuwa na patuloy pa rin na lumalaban ang dating aktor sa naging karamdaman nito.

Continue reading below ↓

"Sa Bicol na nga raw sila nakatira. Yung totoo, nang mapanood ko yun, naiyak ako. Siyempre si Tito Kit, di ba? Parang maaalala mo na noong bago ako umalis sa bahay nila, yung dating Paquito Diaz ang natatandaan mo. Nagkaroon na rin ako ng chance na nakausap yung mommy ni Joko. Wala lang, kumustahan lang. Kinumusta ko rin yung lagay ni Tito Kit and okay naman daw," pagtatapos ni Angelu.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Parang kinalakihan mo na sila. So when you see them, parang ang tagal mo rin nawala, nagbakasyon ka, ‘tapos umuwi ka, yun! Parang yung feeling nga na you're back home. Kinakabahan, honestly, parang hindi ko pa kasi alam kung ano ang mga mangyayari," says Angelu de Leon about returning to her original home studio.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results