Karylle becomes more daring in her outfits

by Rose Garcia
May 30, 2008
"Before kasi, kapag may pumansin sa akin, like bumati na, ‘Ang ganda mo, ang sexy mo.' Ako, parang alam n'yo yun, very Filipino na nahihiya. So, kokontrahin ko by saying, 'Hindi ah!' Like, ‘Ang sexy mo!' Ang isasagot ko, ‘Ang taba ko nga.' Pero mali pala yun. Dapat mag-thank you ka, learn to say thank you," says Karylle.

Buong linggo ay napanood na ang singer-actress na si Karylle bilang host ng Pinoy Idol Extra. Kung baptism of fire man 'yon na matatawag for her, naipasa naman niya ito with flying colors dahil sa maraming positive feedback na natanggap niya on her first week as host.

Starting next week, mapapanood na rin sa Pinoy Idol Extra si Rhian Ramos since alternating hosts silang dalawa ni Karylle. Unlike Karylle, puwedeng sabihin na mas malaki ang pressure para kay Rhian dahil, una pa man, may mga fans na nagpapahayag ng pagkadisgusto nila na maging host ng Pinoy Idol Extra ang young actress.

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Karylle over the telephone yesterday, May 29, we asked Karylle's opinion tungkol sa co-host niya.

"Ang alam ko, once pa lang naman nakakapag-taping si Rhian at so far, hindi pa yun nae-ere. Next week siya naman, kasi ganoon yung set-up. Hindi naman kami sabay na mapapanood, it's like every other week yung hosting namin. So I guess, tingnan na lang," sabi ni Karylle.

Continue reading below ↓

SEXIER KARYLLE. Aware si Karylle na simula nang maging host siya ng Pinoy Idol Extra, nag-iba ang tingin sa kanya ng ilan. Mas sexy raw siya ngayon at nag-e-effort na maging sexy talaga sa bawat outfit na isinusuot niya.

Natawa si Karylle rito. Aniya, "Alam mo, ewan ko nga ba kung bakit nagkaganoon, like noong presscon namin. Maybe because maganda kasi ang ilaw sa Teatrino, so parang mas na-highlight [yung outfit ko]. ‘Tapos, one thing pa sa stage, sobrang makintab!

"Pero hindi naman, wala naman din silang sinabi na dapat ganito yung mga outfit ko. Siguro on my part lang kasi, sinisigurado ko lang din na meron akong stylist. At saka ngayon, mas marami nang nagpapahiram sa akin na mga young designer.

"Sinisigurado pa ng Pepper Cherry na yung ibinibigay nilang mga damit sa akin, puro maiikli, e. Okey kasi naka-consign sa kanila yung maraming young Filipino designers. Natutuwa naman ako, kasi I got good reviews naman with Pinoy Idol Extra," saad niya.

Continue reading below ↓

Posibleng marami ang nagugulat ngayon kay Karylle, lalo na kung ire-recall how she started in the industry. Ang impression kasi sa kanya noon ng karamihan ay conservative, especially with her clothes, unlike now na obviously ay mas sexy na nga siyang manamit.

"Siguro kasi, sa bawat tao, may stages yun. Feeling ko, sa akin, okey siya kasi hindi ako tumanda agad. Once na matured ka na magdamit, parang hindi mo na mae-enjoy kasi even before, ganoon ka na," paliwanag niya.

CHANGED OUTLOOK. Kuwento rin ni Karylle, dati raw kasi, especially during her college days, may iba siyang tingin sa katawan. "Feeling ko kasi before, distorted ako," sabi niya. "Ang feeling ko, ang taba ko, na ang laki ng arms ko, yung ganoon.. So, nang mapag-aralan ko, doon ko lang nalaman. Buti na lang, hindi ako umabot sa pagiging anorexic. Kasi ganoon pala yun, kapag ang tingin mo sa sarili mo ang taba-taba mo, pero ang totoo, hindi naman.

Continue reading below ↓

"Like sa case ko, ang tingin ko before, mataba ako. Pero never naman akong tumaba talaga. And I'm not conservative, ayoko lang magpakita ng skin before not because conservative ako, but because feeling ko nga, mataba ako. Ang weird, ‘no?" natatawa niyang sabi.

May natutunan din daw si Karylle from the past na ngayon ay binago na niya.

"Well, before kasi, kapag may pumansin sa akin, like bumati na, ‘Ang ganda mo, ang sexy mo.' Ako, parang alam niyo yun, very Filipino na nahihiya. So, kokontrahin ko by saying, 'Hindi ah!' Like, ‘Ang sexy mo!' Ang isasagot ko, ‘Ang taba ko nga.' Pero mali pala yun. Dapat mag-thank you ka, learn to say thank you," pahayag niya.

After mapansin ang pananamit niya ngayon, nabigyan na kaagad ito ng anggulo ng ilan na kesyo nakikipag-compete lang daw siya sa kapareha ng boyfriend niyang Dingdong Dantes na si Marian Rivera sa kaseksihan.

Continue reading below ↓

"May isyu na talaga?" natatawa niyang sabi. "Hindi... Yung totoo naman kasi, matagal na naman akong ganito sa SOP pa lang. Maybe they just take notice now."

ALBUM IN THE MAKING. Kung may isang bagay man na masasabing nakakapagpasaya kay Karylle ngayon ay ang unti-unti na raw niyang nakikitang fruits of her labor when it comes to her album. Ayon kay Karylle, halos two years in the making na yata ang album na ginagawa niya.

Masaya nitong ikuwento na three songs left na lang ang dapat niyang i-record at tapos na talaga ang 15-track album niya. May dalawang remakes, isang kanta na isinulat ni Pipo Lina, and the rest ay all original na si Karylle ang sumulat. Naging sobrang hands-on at super labor of love talaga si Karylle sa album niyang ito.

"Hopefully by next week, tapos na ako. So siguro, at that time ko pa lang din maipe-present. So hopefully, soon, mari-release na," masaya niyang pahayag.

Continue reading below ↓

HECTIC SCHEDULE. Magiging busy na nga lalo si Karylle, especially this coming June. Bukod sa Pinoy Idol Extra, may isang linggo rin daw siyang mawawala para sa 25th anniversary U.S. concert tour ng ina niyang si Zsa Zsa Padilla. Magsisimula na rin daw ang araw-araw na rehearsal niya for the musical West Side Story.

Dahil sa pagiging hectic ng schedule niya, especially for West Side Story, may isang soap opera raw ang Kapuso network na in-offer sa kanya ang hindi na niya tinanggap dahil magiging conflict sa schedule niya.

Very happy si Karylle sa nangyayari sa kanyang career dahil ang lahat ng ito ang ilan sa mga gusto talaga niyang gawin.

Masaya ring in-announce ni Karylle na this June, magkakaroon na ng isa pang branch ang business nila ni Dingdong, ang videoke bar na CenterStage, sa Jupiter St. sa Makati.

Read Next
Read More Stories About
Karylle, Rhian Ramos
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Before kasi, kapag may pumansin sa akin, like bumati na, ‘Ang ganda mo, ang sexy mo.' Ako, parang alam n'yo yun, very Filipino na nahihiya. So, kokontrahin ko by saying, 'Hindi ah!' Like, ‘Ang sexy mo!' Ang isasagot ko, ‘Ang taba ko nga.' Pero mali pala yun. Dapat mag-thank you ka, learn to say thank you," says Karylle.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results