PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Katrina Halili's Role Shift in Black Rider

“Medyo nahirapan po ako..."
by Ruel J. Mendoza
Published Oct 31, 2023
Katrina Halili
"Recovered from a mishap from Black Rider shoot, game na ulit si Romana. Babagsak pero tatayo palagi, lavarn na ulit,” posted Katrina Halili in one of her recent Instagram entries. The Kapuso actress shared she had an accident while shooting a scene in the new Kapuso action-drama series Black Rider.
PHOTO/S: @katrina_halili Instagram

Natatawang ikinuwento ni Katrina Halili na napasubo raw siya nang tanggapin niya ang role na Romana sa drama-action series ng GMA Public Affairs na Black Rider.

Ayon kay Katrina, hindi raw niya kaagad nalaman na skilled sexy assassin ang magiging role niya sa naturang serye na kailangan pa raw niyang paghandaan nang husto.

“Medyo nahirapan po ako kasi kailangan kong dumaan sa mga trainings, sa big bikes, mixed martial arts, kung anu-ano pa.

“Noong unang tinanggap ko po ito, wala akong idea na ganyan. Ang alam ko po, drug lord lang na mag-uutos-utos.

“Super shocked po ako na ang daming trainings po 'tapos ako po pala yung gagawa ng action, akala ko taga-utos lang po!” tawa pa ni Katrina sa naganap na media conference ng Black Rider sa Studio 6 ng GMA Annex Studio noong nakaraang October 27, 2023, Biyernes.

SKEPTIC KATRINA

Dahil ang tagal daw ng bakasyon ni Katrina sa paggawa ng teleserye, pakiramdam niya ay hindi niya magagampanan nang tama ang role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Huling teleserye ni Katrina ay Unica Hija na natapos noong March 2023 pa.

“Una, skeptic po ako sa sarili ko kasi nasanay na po ako sa hapon na nanay, yung puro iyak-iyak. Pero noong ginagawa ko na po yung training, nae-enjoy ko po siya. Happy po ako, medyo lumiksi-liksi na nga po ang katawan ko.

“Siyempre kinondisyon ko yung sarili ko na pumayat ako. Noong nalaman ko na sexy assassin, na-stress na po ako lalo. 'Tapos kasama ko sina Ruru [Madrid] 'tapos Matteo [Guidicelli] mas lalo po akong na-stress. Sobrang stressed po ako noong nalaman ko kung sino yung mga kasama ko.

“Pero okey lang, sa stress na yun, at least pumayat po ako, naging maliksi ulit po ang aking katawan. Ang laking tulong na ibinigay sa akin ang role na Romana para lumapit-lapit ulit ako sa timbang ko dati.

“Kasi yung role ko, magaling, e. Magaling na assassin, so pressure on me. So kailangan ko talaga mag-train," patuloy ni Katrina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin itinago ni Katrina na minsan na siyang naaksidente habang kinukunan ang isang maaksyon na eksena sa na Black Rider.

katrina's accident on set of Black Rider

On Instagram, sinabi ng Kapuso actress na naka-recover na siya mula sa aksidente at nakapag-taping na siya ulit.

"Recovered from a mishap from Black Rider shoot, game na ulit si Romana. Babagsak pero tatayo palagi, lavarn na ulit,” caption pa niya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa Instagram din pinost ni Katrina ang mga nakunang eksena niya sa Black Rider.

Pati behind-the-scenes shots ay proud niyang pinost na may caption na “Romana #BlackRiderSoon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read more:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Recovered from a mishap from Black Rider shoot, game na ulit si Romana. Babagsak pero tatayo palagi, lavarn na ulit,” posted Katrina Halili in one of her recent Instagram entries. The Kapuso actress shared she had an accident while shooting a scene in the new Kapuso action-drama series Black Rider.
PHOTO/S: @katrina_halili Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results