Jericho Rosales and Kristine Hermosa, back again as love team says ABS-CBN insider

by Rose Garcia
Jun 2, 2008
When asked in the show Wowowee! what the audience should expect from her, Kristine Hermosa answered she and Jericho Rosales are going to do a project for ABS-CBN.

Kumpirmado na raw ang pagbabalik-tambalan nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa!

Galing ang balitang ito from an ABS-CBN insider na source ng PEP (Philippine Entertainment Source). Although, wala pa raw definite date kung kailan magte-taping ang dalawa for MMK, pero, sigurado raw na may gagawing episode sina Jericho at Kristine.

Kung matatandaan, isa ang love team nila sa naging popular love team na nabuo ng ABS-CBN when they were first paired in Pangako Sa ‘Yo na naging hit din sa ibang bansa, like Malaysia, Cambodia, Indonesia, Namibia, Singapore, at iba pa.

Aware ang ABS-CBN na up to now, kahit parehong nagkaroon na ng kanya-kanyang karelasyon sina Kristine at Echo, (Kristine to Diether Ocampo and Jericho with Heart Evangelista), napakarami pa rin ng clamor at e-mail request na natatanggap ang network na muling pagsamahin ang dalawa.

As we all know, for a time ay tila pawang hindi pa nga open sina Jericho at Kristine on working together again. Pero simula nga nang mapabalita na parehong free na sa kani-kanilang naging karelasyon, pumasok muli ang ideya na pagtambalin silang muli.

Continue reading below ↓

Two Saturdays ago naman, nang maging guest si Kristine sa programang Wowowee! at tanungin ng host ng show na si Willie Revillame kung ano ang next project na puwedeng abangan sa kanya, walang-gatol nitong sinagot na abangan daw ang next project niya with Jericho Rosales.

Obviously, may excitement na sa boses ni Kristine in working again with her original ka-love team, and of course, ex-boyfriend na rin.

And as of today nga raw, ayon na rin sa source ng PEP, kung kumpirmado na ang pagsasamang muli ng dalawa sa MMK, under negotiation pa naman daw pagdating sa movie at teleserye na posibleng niluluto na for the two Kapamilya stars.

Basta ang sure daw ngayon, ang maganda ay open na pareho ang dalawa to work together again.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
When asked in the show Wowowee! what the audience should expect from her, Kristine Hermosa answered she and Jericho Rosales are going to do a project for ABS-CBN.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results