Rita Avila takes pride in the first song she ever wrote, "Hanggang Dito na Lang"

by Archie de Calma
Jun 3, 2008
"When I lost my baby, I decided to write something out of what I have experienced. The result was 'Hanggang Dito na Lang', masasabing the first song I've really written na nai-record," says Rita Avila.
Masasabing nasa height ng creative efforts niya si Rita Avila. Mukhang inspired siya sa kanyang buhay na napanatili naman niyang tahimik at matino through the past years. Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na gusto niyang ipagpatuloy ang hilig niya sa songwriting at maging lyricist.

"Hindi pa kaya ng powers ko yung pagku-compose talaga," sabi pa ni Rita. "Wala naman akong background sa music. I just write lyrical poems. Matagal ko nang hilig 'yan, noon pang dalaga ako. Hindi lang nag-prosper. Kailan lang, nakilala ko ang isang composer-arranger through a friend."

HANGGANG DITO NA LANG. "When I lost my baby, I decided to write something out of what I have experienced. The result was 'Hanggang Dito na Lang', masasabing the first song I've really written na nai-record," kuwento ni Rita.

Si Paulo Zarate ang nag-arrange at gumawa ng melody ng nasabing awitin. Ayon kay Rita, puwedeng maging theme song ito ng mga sawi.

Continue reading below ↓

"It's a song without any particular gender in mind. Puwede sa lalaki, babae, bading, kyomboy," aniya habang nakangiti.

"I'm so happy, kasi si Paulo, napakiusapan niya si OJ Mariano na ito ang mag-interpret ng song. The first time I heard it, yung may melody na, halos maiyak ako. Ang ganda! Try listening to it."

Madalas na pinapatugtog ito ni Amy Perez sa radio program nito sa DZMM. Lately, naririnig na ang kantang ito as part of the soundtrack of Lobo.

"Nakatutuwa dahil si Amy, nakatatanggap ng requests almost everyday. I just hope na mag-hit yung song, sa ganyang paraan lang. Unti-unti, nare-recognize siya at nagugustuhan ng mas marami," sabi pa ni Rita.

Kung tutuusin, walang koneksyon si Rita sa music industry para maka-penetrate nang husto ang kanyang awiting nilikha, with composer Paulo Zarate. Through this effort, siguro, she can collaborate with other known songwriters and composers.

"Wala talaga akong masyadong kakilala. I was advised just to write and write more lyrics, at doon mas mare-recognize ang efforts ko. Sabi nga nila, sa una, wala pang kita riyan. Unless, magiging bestseller at certified hit ang song na ginawa ko. We're asking the help of a publisher para maprotektahan ang rights ng kanta," sabi pa ni Rita.

Continue reading below ↓

LUCKY "MOTHER." Sa akting, lalong nagpapamalas ng galing si Rita sa afternoon series ng GMA-7, ang Magdusa Ka. Gumaganap siya bilang ina ni Katrina Halili. Malakas din daw ito sa ere at consistent na mataas ang ratings.

"I'm so happy working with Katrina, and I want to be a part of her success, kahit sa ganitong paraan lang. Natutuwa talaga ako when Marian Rivera made it. Ako rin ang gumanap na mother niya sa Marimar, remember? Si Rhian Ramos din, sa My Only Love, and all of them are doing good sa career nila. May dala pala talagang suwerte ang pagiging nanay ko sa kanila," masayang lahad ni Rita.

Pati ang direktor ng soap na si Maryo J. delos Reyes, na gustong makatrabaho si Rita noon pa sa isang teleserye, ay amazed sa professionalism at dedication na ipinapamalas ng aktres.

"Masayang katrabaho si Direk," sabi ni Rita. "Ang next assignment ko nga, gumawa raw ako ng kanta for his boy band, yung M Gage. I'm taking it seriously."

Continue reading below ↓

WORKING ON BOTH SIDES. More than anything, ang nakapagpapasaya kay Rita ay yaong pagmamahal at pagtitiwala ng husband niyang si FM Reyes, na siyang nagdidirek ng teleseryeng Lobo ng Dos.

"Oo naman, magkahiwalay lang kami ng network na pinagtatrabahuan, pero walang problema sa marriage namin 'yan. Mas nakakatulong pa nga yata ang ganyang set-up. Ibig sabihin, pagdating sa trabaho, kanya-kanya kami ni Erik [FM's nickname]," aniya.

Dagdag pa niya, "Iba talaga ang personal na buhay namin sa trabaho. Yung pressures ng trabaho namin, hindi na namin dinadala sa bahay. Palagay namin, yun ang sikreto. And besides, masuwerte ako dahil alam kong mahal na mahal ako ng asawa ko," pagwawakas ni Rita.

Read Next
Read More Stories About
Rita Avila, Katrina Halili
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"When I lost my baby, I decided to write something out of what I have experienced. The result was 'Hanggang Dito na Lang', masasabing the first song I've really written na nai-record," says Rita Avila.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results