Piolo Pascual denies courting a member of his church group

by Julie E. Bonifacio
Jun 3, 2008
"I just feel so blessed and I'm so grateful because for the last ten years that I've been in the business, never nag-slow down ang career ko. Kapag dumating ang point na magiging konti-konti na lang, I'd be very thankful kasi dumating yung time sa buhay ko na na-maximize ko yung oras ko," says Piolo Pascual.

Itinanggi ni Piolo Pascual sa The Buzz last Sunday, June 1, na may nililigawan siya na miyembro rin ng dinadaluhang Victory Christian Fellowship. Nang huling makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Piolo ay inamin niya na may natitipuhan siyang babae sa kanilang church.

Nagpaplano pa lang noon si Piolo kung paano niya makikilala nang husto yung babaeng tinutukoy niya. But up to now, mukhang hindi pa rin nauumpisahan ni Piolo ang kanyang plano. O sadyang malihim lang ang aktor at gusto niyang maging pribado ang kanyang love life.

Ayon kay Piolo, six years na siyang walang karelasyon. Choice niya raw ito dahil mas binibigyan niya ng panahon ang kanyang anak na si Iñigo, na kasalukuyang nasa Amerika. Seloso raw kasi ang kanyang anak at ayaw pa nitong magkaroon siya ng karelasyon.

Tinanong si Piolo ng The Buzz host na si Ruffa Gutierrez kung ano bang hinahanap niyang katangian sa babae.

Continue reading below ↓

"The marrying type of course," sagot ni Piolo.

LOLIT'S RETRACTION. Kasunod nito, inalam na ng The Buzz ang damdamin ni Piolo sa pag-retract ng talent manager-columnist na si Lolit Solis ng kanyang isinulat sa isang tabloid tungkol sa kanila ni Sam Milby. Natuwa ba si Piolo na natapos na ang libel case nila against Lolit?

"Oh, yes!" sambit niya. "Malaking relief po. Sinabi naman po the first time they asked me, kasi that was the first time I saw her, sa korte. E, I realized na kaedad pala siya ng mommy ko. So parang kung yun ang kikitain ko every month sa trial, ‘tapos isang sorry lang, parang siyempre iaatras mo agad yung kaso mo.

"It's a good thing ni-retract niya yung statement niya. So, sa akin po, more than anything, we feel vindicated because maganda naman talaga na napupulot mo yung tama."

LAST FIVE WEEKS OF "LOBO." Simula na rin this week ang huling limang linggo ng teleserye nila ni Angel Locsin sa ABS-CBN, ang Lobo.

Continue reading below ↓

"Five last week na po. Mahirap, grabe ang taping namin. Physically challenging. It's also emotional and grabe po ang mga eksensa. The last five weeks, we're gonna be taping this June... Halos wala na kaming tulog. Dire-diretso ang taping, from Monday to Sunday," lahad ni Piolo.

Ano pa ang aabangan ng televiwers sa Lobo, bukod sa naipalabas na malaking fashion show nina Angel at Geoff Eigenmann?

"Marami po, marami," pangako ng aktor. "Doon sa teaser na nakita ninyo, I get to shoot Angel, that's gonna happen this week. And grabe po ang mga eksena at conflict sa last few weeks of Lobo. And I may say this, I'm so thrilled to be part of Lobo because parang sa dami ng ginawa kong soap, ito talaga yung pinaka-interesting and talagang na-challenge kaming lahat."

Sa dami ng intimate moments nina Piolo at Angel sa Lobo, never ba silang na-tempt na magkahulugan ng loob?

Continue reading below ↓

"Siguro we're just so professional and we take our jobs seriously," paliwanag niya.

"We will do a film in Australia after we're done with Lobo. Actually, tomorrow [Monday], we have a training for the movie. They [production staff] went to Australia already [for ocular inspection]. As soon as we're done taping Lobo, diretso kami ng shooting ni Angel."

NO RIVAL. Hindi ba naramdamam ni Piolo kahit minsan na kinaiingitan siya ng mga kasamahan niya sa Star Magic?

"Hindi ko po nararamdaman," sagot ng aktor. "Among Star Magic family, parang more than envy siguro, they want to come up to you, ask for advice. Siguro they look up to you and they want to know how you do it. So parang sa amin, mas nati-train naman yung mga Star Magic not to follow anybody's footstep but to make your own mark. Sa amin, may kanya-kanyang galing naman."

From a talent manager's point of view, binato ng tanong ni Boy Abunda si Piolo kung hindi ba siya natatakot na wala siyang karibal.

Continue reading below ↓
"Honestly, I'm well aware of that. But kung kakabahan para at the end, it will allow it to come my way. I just feel so blessed and I'm so grateful because for the last ten years that I've been in the business, never nag-slow down ang career ko. Kapag dumating ang point na magiging konti-konti na lang, I'd be very thankful kasi dumating yung time sa buhay ko na na-maximize ko yung oras ko," pahayag ni Piolo.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"I just feel so blessed and I'm so grateful because for the last ten years that I've been in the business, never nag-slow down ang career ko. Kapag dumating ang point na magiging konti-konti na lang, I'd be very thankful kasi dumating yung time sa buhay ko na na-maximize ko yung oras ko," says Piolo Pascual.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results