Sunshine Cruz strikes back at Cesar Montano's sister

by Archie de Calma
Jun 4, 2008
"Kaya kong tiisin ang lahat ng 'yan, ang mga paninirang ikinakalat ng pamilya ni Cesar sa akin, dahil mahal ko siya. Pero na-realize ko, siya na mismong asawa ko, dedma lang at walang ginagawa para protektahan ako at ang mga anak ko sa mga ganitong klaseng paninira sa akin," laments Sunshine Cruz about the hate e-mails allegedly being spread by her sister-in-law.


Kaninang umaga, June 4, ay ginulantang kami ng isang text message mula sa aktres na si Sunshine Cruz.

Ang sabi sa message: "Hi friend... I'm issuing a written statement this Saturday for StarTalk. They are doing a story on what's happening and what is being done to destroy me and my family by my own sister-in-law with the help of my stepdaughter.

"Too much na friend and what hurts is the fact that Cesar [Montano, Sunshine's husband] is not protecting his family from his sister at all. I need to do something before they totally crush me.

"It's been years that I kept quiet for Cesar. I was told by someone that hate e-mails for years about me were being sent to writers and TV stations. They now realize who is spreading the hate mails.

"From the suicide death of Cesar's cousin pinpointing me to be the cause, to pocketing campaign money of Cesar, to having an affair with another guy... Lahat yun kinakalat sa TV at press ng isang taong matagal nang gustong sirain ang pagsasama namin ni Cesar at sirain ang kinabukasan ng mga anak ko..."

Continue reading below ↓

ENOUGH IS ENOUGH. Kumilos agad kami by calling Sunshine. Actually, matagal na naming alam ang mga hinaing na ito ng aktres, pero naroroon pa rin kasi sa kanya ang kagustuhang maisalba ang relasyon nila ni Cesar.

"Kailan lang kasi ako nag-log in uli sa Friendster," sabi ni Sunshine nang makausap na namin siya sa telepono. "May mga kamag-anakan kasi ako sa ibang bansa na nagpi-Friendster, at marami nga silang nababasa tungkol sa akin. They gave me an idea about the bad things being circulated about me. Kaya I wanted to find out for myself.

"Hindi mapakialaman ng sister-in-law kong si Ched ang Friendster account ko dahil banned siya. Noon ko pa alam na siya ang nagkakalat ng mga paninira sa akin, pero pinagtitiisan kong lahat yun, alang-alang sa asawa ko.

"Alam ng Diyos kung paano ko pinakisamahan ang pamilya ni Buboy. Iniisip-isip ko hanggang ngayon kung ano ba ang malaking kasalanan ko sa kanila para gawan nila ako ng ganito," himutok ni Sunshine.

Continue reading below ↓

Si Ched, sa pagkakaalam namin, ay kasal sa isang foreigner at naka-base sa Italy.

Lalo raw na-shock si Sunshine nang malaman niyang nakikipag-connive diumano si Angela Montano, anak ni Buboy sa una nitong asawa, sa pagpapakalat ng kasiraang ito sa aktres through Friendster.

"Kaya kong tiisin ang lahat ng 'yan, ang mga paninirang ikinakalat ng pamilya ni Cesar sa akin, dahil mahal ko siya. Pero na-realize ko, siya na mismong asawa ko, dedma lang at walang ginagawa para protektahan ako at ang mga anak ko sa mga ganitong klaseng paninira sa akin," at tuluyang napahagulhol si Sunshine sa pakikipag-usap sa amin sa telepono.

Lately, sa ganitong pagkakataon, sinabi ni Sunshine na nawawala ang asawa niya kapag mayroong ganitong problemang dapat harapin.

"Basta, ang nai-text pa niya sa akin, 'Kasalanan mo 'yan dahil nakipag-away ka sa kanila!' Masakit ang balik ng mga salitang yun dahil hindi totoong nakikipag-away ako sa mga kamag-anakan niya. At kung may problema man kami, wala silang karapatang yurakan ng ganoon ang aking pagkatao, at kapag naaapektuhan ang mga anak ko ng ganito, lalaban na ako," pahayag ni Sunshine.

Continue reading below ↓

RELATIVE'S SUICIDE. Tungkol naman sa isyu na isang kamag-anak ni Cesar from Cebu na nagpakamatay, ang nangyari raw kasi ay nakautang ito ng milyones sa aktor.

"Naging problema rin namin ni Buboy ang tungkol diyan at pinag-usapan namin," lahad ni Sunshine. "Si Buboy mismo ang nagturo sa akin ng sasabihin sa pinsan niyang yun. Naging maingat naman ako sa pagpapaalala sa problemang yun sa pera.

"Besides, ang alam ko, marami pa siyang ibang pinagkakautangan. Nagkapatung-patong na yun. Bakit sa akin isisisi kung nagpakamatay siya? Alam kong usap-usapan sa Cebu 'yan noon at naisip ko na lang, na-blind item pa 'yan dahil nasagap lang ang tsismis. Hindi ko na lang pinansin para hindi na lumaki pa.

"Pero habang tumatagal yata ang pananahimik ko, parang sumosobra na sila, na kinakaya-kaya na lang nila ako. I just find out, may deliberate efforts para sira-siraan ako through hate emails," mariing sabi ng aktres.

Continue reading below ↓

POSSIBLE ANNULMENT. Sa paglantad na ito ni Sunshine sa pamamagitan ng written statement sa StarTalk, ito na ang hudyat ng mas matindi pang sigalot na kakaharapin niya na baka humantong na nga sa tuluyang paghihiwalay nila ni Cesar.

"Yun naman yata ang gusto niya, e," sabi ni Sunshine. "Katulad niyan, paano ko masasabing mahal pa niya ako kung hindi siya gumagawa ng paraan para protektahan ako? Sino pa ang magtatanggol sa akin? Wala na ang papa ko. Ang mommy ko, matanda na at mahina, nakakadagdag pa ako ng sama ng loob.

"Alam ni Cesar na ipinaglaban ko siya sa mga magulang ko noon dahil ayaw nila sa kanya, pero pinakasalan ko pa rin siya. Bakit hindi niya magawa sa akin yun ngayon sa mga kamag-anakan niyang sumisira sa akin?

"Nakikipag-usap na talaga ako sa lawyer ko. May nilapitan pa akong isa pang lawyer sa pagsasampa ko ng annulment case. Through these years, sinira nila ang buhay ko. I have to fight back, for the sake of my children," saad ni Sunshine at lalong napahagulhol siya ng iyak.

Continue reading below ↓

At press time ay sinusubukan ng PEP na kunin ang panig ni Cesar tungkol sa mga pahayag ni Sunshine.

Read Next
Read More Stories About
Cesar Montano
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kaya kong tiisin ang lahat ng 'yan, ang mga paninirang ikinakalat ng pamilya ni Cesar sa akin, dahil mahal ko siya. Pero na-realize ko, siya na mismong asawa ko, dedma lang at walang ginagawa para protektahan ako at ang mga anak ko sa mga ganitong klaseng paninira sa akin," laments Sunshine Cruz about the hate e-mails allegedly being spread by her sister-in-law.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results