"Darating din ang magandang break sa akin."—Dion Ignacio

by Archie de Calma
Jun 5, 2008
"Im already 22 years old. Kinu-consider ko rin ang sexy roles, baka nga doon ako ipuwesto. Pero kailangang mag-workout ako nang husto. Kung magkakaroon ako ng bagong show, gusto ko maiiba na ang image ko. Iniisip ko rin ang tungkol diyan," says Dion Ignacio about plunging into sexy roles.

Malaki ang potensiyal ng StarStruck 1 Avenger na si Dion Ignacio. Ganito ang obserbasyon ng marami kay Dion, na puwedeng makatsamba ang GMA-7 ng isa pang leading man kung pagtutuunan ng pansin.

Kaso nga lang, nang kumustahin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dion, nasabi niyang wala pa siyang regular assignment sa Kapuso Network.

"Ang huli kong exposure, yung sa Daisy Siete, then guesting sa Babangon Ako't Dudurugin Kita," sabi ni Dion. "Ngayon, wala akong ginagawa kung hindi magpalaki ng katawan. Sa gym lang muna ako palagi.

"Parang lagi na lang ganoon, 'no? Pero hindi. Happy ako sa ganito. Ito lang muna siguro ang kakayanin ko. Pasasaan ba't darating din ang magandang break sa akin," patuloy ng binata.

Alam ni Dion na malamang, hindi pa niya panahon para sumikat talaga. At saka wala siyang manager na tututok talaga sa kanya.

"Tinutulungan naman ako ng GMA Artist Center. Ayos na yun. Katatapos lang ng exposure ko, kailan lang yun, kaya naghihintay lang ako. Habang wala pa, nagwu-workout lang ako," sabi niya.

Continue reading below ↓

NOT READY TO BARE. Ang balita namin, maraming interesadong indie producers kay Dion na magaganda talaga ang offer. Kaso raw, tumatanggi lang siya.

"Mayroon sa Regal, gusto nilang tanggapin ko, isang role na tipong may magkakaroon ng gay lover. Hindi pa naman kasi ako handa para doon. May eksena pa na ipapakita ko ang katawan ko. Hindi pa maayos ang katawan ko. Sa halip na makatulong, baka mapintasan. Kaya nga nagwu-workout na ako ngayon.

"I'm already 22 years old. Kinu-consider ko rin ang sexy roles, baka nga doon ako ipuwesto. Pero kailangang mag-workout ako nang husto. Kung magkakaroon ako ng bagong show, gusto ko maiiba na ang image ko. Iniisip ko rin ang tungkol diyan.

"'Pag okey na ang katawan ko, baka nga sumabak na ako sa ganun. Halos araw-araw akong nagdyi-gym, kaso ilang araw rin akong napahinga. Kapag ganoon, tumataba na agad ako. Gusto ko na ring ma-experience ang mature roles, pero darating din tayo riyan. Dapat nasa tamang panahon, at masasabing ready na ako," pahayag ni Dion.

Continue reading below ↓

SAVE FOR THE FUTURE. Masaya naman daw si Dion dahil sa trabahong naibibigay sa kanya ng GMA-7, nakakaipon siya. Yun pa lang daw muna ang concern niya.

"Kuntento ako sa ngayon. May out-of-town shows ako. Bumabawi ako sa ganoon. Araw-araw halos may mall shows.

"May mga kasama akong mas gumanda talaga ang career, pero hindi ako nai-insecure. Darating din ang panahon ko. Kung sexy kasi, parang nahihiya pa ako. Hindi pa talaga maganda ang katawan ko. Sabi ko nga, darating din tayo riyan," aniya.

CINDY LOOK-ALIKE. Inamin din ni Dion na may kinalolokohan siyang babae na kamukha raw ni Cindy Crawford.

"Na-meet ko siya sa Embassy. Lately, nagkikita kami," sabi ng binata.

Nag-react ang ibang entertainment press na ano naman daw klaseng babae yung sa bar lang niya na-meet, ngayon ay ka-date na niya palagi?

"Gusto ko pa siyang makilala. Mahirap namang maging judgmental. Komo ba nakita ko siya sa bar, pag-iisipan ko na siya ng masama? Mabait siya at maganda, kaya na-attract ako. Siyempre, inaalam ko pa naman ang ugali niya.

Continue reading below ↓

"At saka matino naman yun. Two years ko nang kakilala, pero kailan lang uli kami nag-meet uli. Sumali siya sa StarStruck. Taga-Laguna rin siya. Australyana siya, pero Pinay rin dahil nagta-Tagalog. Maaga pa para sabihing seryosohan na dahil kinikilala pa namin ang isa't isa," nangingiting sabi ni Dion.

INDECENT PROPOSALS. Nagtanong din si Dion sa amin kung normal lang yung may mga nagte-text sa kanya na pinepresyuhan siya. Obviously, from gays ang indecent proposals na ito.

"Ayoko ngang sagutin dahil nakakatakot. Imagine, tine-text nila, kung puwede raw ako sa P200,000! Sino ba naman ang hindi matatakot? Sana, P400,000! Joke!" sabay-bawi ni Dion sa kanyang biro.

Sa tipo ni Dion, marami tiyak ang magbabakasakali na matikman siya.

"Ayoko lang talagang pumatol. Hindi sa nagmamalinis ako, pero nakakatakot nga kasi. Hindi ako nagre-reply 'pag ganoon. Baka sabihin, interesado pa ako!" at saka siya natawa.

Hindi rin maintindihan ni Dion kung paano napupunta sa mga ganoong tao ang number ng cell phone niya.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Dion Ignacio
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Im already 22 years old. Kinu-consider ko rin ang sexy roles, baka nga doon ako ipuwesto. Pero kailangang mag-workout ako nang husto. Kung magkakaroon ako ng bagong show, gusto ko maiiba na ang image ko. Iniisip ko rin ang tungkol diyan," says Dion Ignacio about plunging into sexy roles.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results