Dingdong Dantes cannot be as daring as Wendell Ramos in Bench fashion show

by Julie E. Bonifacio
Jun 15, 2008
"Hindi ko siguro kaya yun. But I salute Wendell for doing that. But ako, personally, siyempre to each his own. Kay Wendell yun," says Dingdong Dantes about Wendell Ramos's (not in photo) butt exposure at last year's Bench fashion show.
Kung maingay na pinag-uusapan ang proyektong ginagawa nina KC Concepcion at Richard Gutierrez para sa Star Cinema, may bulung-bulungan naman tungkol sa pelikulang pagtatambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa GMA Films.

Sa June 13 presscon ng Gran Matador Brandy, na ini-endorse ni Dingdong, may balita na malapit na raw silang magsimula ni Marian ng first team-up nila sa big screen.

"Hindi ko alam," sabi ni Dingdong. "Actually, ayoko munang pag-usapan ito dahil nagkaroon dati ng playdate, e. So until meron talagang specific, siguradong mangyayari at nag-shoot na kami, parang ayoko munang pangunahan. Pero siyempre, everything is possible. Baka puwedeng before that, may iba pa. Hindi ko alam."

Hindi naman kaya naapektuhan ang movie na gagawin nila ni Marian ng pelikula nina KC at Richard sa GMA Films?

"Tingin ko naman wala, kasi Star [Cinema] yun, e. Kung anuman, hindi ko talaga alam. But from what I know, it's from ABS-CBN ang film outfit, Star Cinema. Hindi ako sigurado diyan. Siguro sila ang makakasagot niyan," pahayag ni Dingdong.

Continue reading below ↓

May balita rin na gagawa siya ng isang digital movie. Totoo ba?

"Gusto ko, hindi ako magdidirek. Gusto ko, ako ang aarte," saad niya.

Sinabi rin ni Dingdong na sa ngayon ay okey na sila sa set ng Dyesebel pagkatapos ng nangyari kay Marian, kung saan ang pakikipagtalo ng young actress sa isang fan ay ikinalat sa YouTube. Naging maingat na ba sila ngayon sa set?

"Nagiging joke na nga, e," sabi niya. "Minsan, kapag medyo may ano, ‘Oppss, walang ano, ha.' Mga ganun-ganun na lang, running joke na lang siya. Maganda na rin ngayon na pinagtatawanan na lang. Ibig sabihin, tapos na."

BENCH FASHION SHOW. Sa ngayon, naghahanda na si Dingdong para sa nalalapit na selebrasyon ng kanyang kaarawan on August 2 at ang opening ng branch ng Centerstage sa Jupiter St., Makati.

"At Day Two na ako ngayon sa aking umpisa para sa prepariton for the July Bench [fashion] show," pahabol niya.

Continue reading below ↓

Kaya ba nagda-diet siya ngayon?

"Hindi lang yun. Marami pa akong...yung dati kong proseso, ginagawa ko ‘tapos may iba pa."

May ideya na ba siya kung ano ang isusuot niya sa Bench fashion show?

"Actually, wala akong idea sa mga nakaraang fashion show nila," sambit ni Dingdong. "Pero nagtitiwala ako sa kanila na kung anuman yun, yung mga people involved will do it with taste and ikukunsulta naman nila kami. Pero sa ngayon, wala pa."

Sa nakaraang fashion show ng Bench ay nagkaroon ng butt exposure si Wendell. Willing ba siyang gawin din ang gano'n sa nalalapit na Bench show?

"Hindi ko siguro kaya yun. But I salute Wendell for doing that. But ako, personally, siyempre to each his own. Kay Wendell yun," saad ng young actor.

Since si Dingdong ang image model ng male underwear ng Bench, siguradong pagsuutin siya ng brief. Anong klaseng brief ba ang isusuot niya sa fashion show?

Continue reading below ↓

"Hindi ko talaga alam," sagot niya. "Kasi nga, nabalitaan ko nga rin yun, pero hindi pa ako nakakita. But I believe naman na kung ano ang ipapasuot nila doon, it's gonna be stylized. May konspeto, may theme."

Yayayain ba niyang manood ng fashion show ang girlfriend niya na si Karylle, na unang na-shock nang makita ang mga pictures niya na naka-brief?

"Why not? Kung nandito siya, oo naman," ani Dingdong.

Hindi kaya lalong ma-shock si Karylle kapag nanood siya ng Bench fashion show nila?

"Hindi naman," sambit ni Dingdong.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko siguro kaya yun. But I salute Wendell for doing that. But ako, personally, siyempre to each his own. Kay Wendell yun," says Dingdong Dantes about Wendell Ramos's (not in photo) butt exposure at last year's Bench fashion show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results