Regine Velasquez wants simplest wedding celebration with Ogie Alcasid

by Rose Garcia
Jun 16, 2008
"Sa Chowking tayo! Ang imbitasyon natin, huwag na tayong mamigay, text na lang. Like, go na kayo sa Chowking for our wedding. See you there! Sorry, ha, sa Chowking...it's not a joke. Para lang kasing...I'm a person in this business na palaging bongga. Kung sakaling dumating man kami ni Ogie sa puntong yun, I want our wedding na simple lang," says Regine Velasquez.


Live guest ng Showbiz Central yesterday si Regine Velasquez para mag-promote ng animated film ng APT Entertainment na Urduja. Regine thought na after siyang tanungin about her latest project ay tapos na at puwede na siyang makauwi. Showbiz Central host Pia Guanio suddenly told Regine that they were not yet done dahil mga personal questions naman ang ibabato SC hosts sa kanya.

WEDDING QUESTIONS. At dahil kapapakasal lang ng kapatid ni Regine, who is also her manager, si Cacai Velasquez at ang musical director na si Ramon Mitra, Pia asked Regine kung kailan ang wedding naman nina Regine at Ogie Alcasid.

Pero imbes na sagutin agad ang tanong, ibinalik ni Regine ang tanong ni Pia na dapat daw, sina Pia at ang boyfriend nitong si Vic Sotto muna ang magpakasal, kasunod ng tawanan nilang dalawa.

"Well, kagaya nga ng sinasabi ko palagi, marami pa kaming dapat na i-settle. But once na naayos na namin, yun, that's the time siguro na puwede na naming pag-usapan [ang tungkol sa kasal]."

Continue reading below ↓

Follow-up question naman ni Mo Twister, anu-ano naman ang mga isyu na dapat ngang i-settle nina Ogie at Regine.

"Right now, I'm not supposed to talk about it because they are on the middle of that. Pero siguro, alam na naman ng marami kung ano yun. So, hindi ko na lang sasabihin. Siyempre, gusto rin naman namin yun.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Of course, we want to be together. I am very sure I want to be with him for the rest of my life. Ayoko na ng iba," tahasang pag-amin ni Regine.

Matanda na raw siya para hindi pa maging handa, if ever ngang puwede na siyang pakasalan ni Ogie.

"Matanda na ko, e. Parang late na kung sasabihin kong, ah...," natatawa niyang hirit. "At saka, sigurado ako sa nararamdaman ko. Hindi naman ako yung tipo ng babaeng paulit-ulit mag-isip.

"I only want one. And I've found him already. He found me, so, that's it!"

Continue reading below ↓

WEDDING AT CHOWKING. Pia then asked Regine kung ano nga ba ang pinag-uusapan nila ni Ogie during Cacai and Raul Mitra's wedding. Natatawa namang sumagot si Regine dahil, second wedding na raw na pinuntahan nila together na parehong kasal ng kapatid niya.

"Sasabihin ko na naman ‘to, nakakatawa ‘to! Kasi, second wedding na um-attend kami pareho na kapatid ko ang kinasal. Actually, pangatlo na nga. So, pinag-uusapan namin, ano kaya ang wedding natin?

"So, sabi ko, ako na! Ako na ang mag-iisip. Sa Chowking tayo! Ang imbitasyon natin, huwag na tayong mamigay, text na lang. Like, go na kayo sa Chowking for our wedding. See you there! May mga ganoon," natatawa niyang sabi. "Sorry, ha, sa Chowking...it's not a joke. Para lang kasing...I'm a person in this business na palaging bongga.

"Para bang yung last concert mo, sa susunod, kailangan mai-top mo yun. Or yung outfit mo, dapat yung next, mas bongga. So, parang sawa na ‘ko ro'n. If ever magkaroon, I want it simple. Kung sakaling dumating man kami ni Ogie sa puntong yun, I want our wedding na simple lang.

Continue reading below ↓

"I just want all our family to be there, closest friends. And I wanna be in a place na may koneksiyon sa aming dalawa. At Chowking yun...joke!" biro pa rin niya.

OGIE AS A FATHER. Dahil Father's Day kahapon, June 15, hiningan ni Pia ng mensahe si Regine para sa boyfriend sa espesyal na araw nga na yun ng mga ama. As we all know, Ogie has two daughters with ex-wife Michelle Van Eimerren.

Ipinakita rin sa monitor na sa mismong oras na live guest sa studio ng Showbiz Central si Regine, nanonood naman si Ogie sa Filmex Studio kunsaan, naghahanda ito for their Pinoy Idol Extra naman.

When asked about Ogie as a father, naging emosyunal si Regine sa puntong ito at napaluha.

"Sobrang mahalaga sa kanya kasi. Sobrang mahalaga sa kanya ang mga anak niya. And since he's far away from his daughters, siyempre, parang ang hirap. Hindi niya nakikitang lumaki ang mga anak niya.

Continue reading below ↓

"Although, he sees them. He goes there [Australia], six times every year. Pero siyempre, it's not enough. Ito ang growing years ng mga anak niya at gusto niyang nandoon siya. Hindi ko man naiintindihan yung nararamdaman niya, pero, alam kong nahihirapan siya."

Dugtong pa nga ni Regine, "He is such a great father. He really is! Honey [Ogie], happy Father's Day. Kung meron man sigurong deserving na batiin ng happy Father's Day, si Ogie yun."

BLESSED REGINE. Singit naman ni Mo, Regine being a decorated singer, a great actress and now, with her latest achievement, ang Urduja, will one day be an outstanding wife herself. Mo adds with all these things puwede nang sabihing Regine lives a perfect life.

"I've always thought I had a perfect life. Although, marami akong pinagdaanan ding hirap, but I've always thought I'm blessed. Wala akong dapat i-complain kasi, sobra akong love ng lahat."

At the end, natawa na lang nga si Regine nang ma-realize kung bakit daw siya umiiyak na naman, to think, binati lang naman daw niya ng happy Father's Day ang boyfriend. At saka naman niya sinunod ang pagbati sa sariling ama.

Continue reading below ↓

"Gusto ko lang din mag-Happy Father's Day sa aking iniidolo sa buong mundo, si Mang Gerry. Happy Father's Day, Papa! I love you!" maramdaming pagtatapos ni Regine.

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sa Chowking tayo! Ang imbitasyon natin, huwag na tayong mamigay, text na lang. Like, go na kayo sa Chowking for our wedding. See you there! Sorry, ha, sa Chowking...it's not a joke. Para lang kasing...I'm a person in this business na palaging bongga. Kung sakaling dumating man kami ni Ogie sa puntong yun, I want our wedding na simple lang," says Regine Velasquez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results