FIRST READ ON PEP: Gretchen Barretto strikes again

by Erwin Santiago
Jun 17, 2008
If you think you've heard the last of Gretchen Barretto, well, think again. Two separate incidents that happened in one night put the actress in the news again—one took place in a hotel; the other, at Daboy's wake.


Kagaya ng isang teleserye, tuluy-tuloy pa rin ang kontrobersiya sa buhay ng aktres na si Gretchen Barretto.

Unang naibalita rito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagpasok sa buhay ni Gretchen ni Dody Puno, na galing sa angkan ng kilalang media and government personalities. Sa kabila ng kawing-kawing na balita, ang aktres ay nananatiling partner ng billionaire businessman na si Tonyboy Cojuangco, na una niyang kinasama 13 years ago. Sina Gretchen at Tonyboy ay may isang anak na dalaga na ngayon.

Sa May 2008 issue ng YES! magazine, affiliate ng PEP, napagtugma-tugma ang mga kuwentong nagpapahiwatig na hindi pa rin nawawala sa buhay ni Gretchen si Dody. Sa kabila rin nito, nananatiling nagsasama sina Gretchen at Tonyboy sa mansion nila sa Dasmariñas Village, bagamat may mga usap-usapan ang ilang showbiz observers na napapadalas daw ang pag-aaway nina Gretchen at Tonyboy.

Si Dody Puno ay kasal kay Baby Pijuan, kapatid ng dating Miss International na si Aurora Pijuan. Kasalukuyang executive director ng Department of Public Works and Highways si Puno.

Continue reading below ↓

Samantala, may natanggap na report ang PEP tungkol sa mga bagong kaganapan sa buhay ni Gretchen.

Nangyari raw ang magkahiwalay na eksena sa loob ng isang araw—noong Linggo, June 8.

HOTEL SCENE. Ang unang eksena ay nangyari diumano sa Dusit Hotel sa Makati. Ayon sa kuwento ng mga nakasaksi, kabilang na ang ilang customers noong gabing ‘yon, nag-dinner daw sa isang resturant sa loob ng naturang hotel—na sinasabing "the in place" sa kasalukuyan para sa rich and famous—si Gretchen, kasama ang kapatid na si Marjorie Barretto, ang mga kaibigan nitong sina Ruffa Gutierrez, Pops Fernandez, at isang nagngangalang "Josie."

Pagkatapos nilang kumain ng bandang alas-diyes ng gabi ay inilabas daw ni Gretchen ang kanyang credit card upang bayaran ang kanilang bill. Kinuha ng waiter ang credit card ng aktres para i-swipe, pero bumalik ito at sinabi kay Gretchen na ayaw tanggapin ang kanyang credit card.

Pinaulit ni Gretchen sa waiter ang pag-swipe ng kanyang credit card. Pero bumalik ulit ang waiter at sinabing ayaw talaga itong tanggapin ng kanilang machine.

Continue reading below ↓

Pagkatapos nito ay naringgan daw si Gretchen na nagsabing, "That cannot be, we own the bank! Tawagan mo ang bangko!"

Ipinaalala raw ng waiter kay Gretchen na Linggo ang araw na ‘yon kaya walang opisina ang bangko. Pagkatapos ay sinabihan daw ng aktres ang waiter na i-swipe ulit ang kanyang card na siya namang ginawa nito. Pero hindi pa rin daw tinanggap ng bangko ang credit card ng aktres.

Narinig ng ibang customers na nag-offer ang non-showbiz na kasama nina Gretchen, Ruffa, Pops, at Marjorie na siya na lang ang magbabayad. Pero tumanggi raw si Gretchen.

Tinanong daw ni Ruffa kung magkano ba ang halaga ng babayaran nila at ang ending, si Ruffa na raw ang nagbayad nang cash ng kinain nila na nagkahalaga diumano ng P4,300.

May nakarinig din sa grupo na nagsalita na, "Baka pinutol ni Tonyboy yung card mo?"

Sabat naman daw ni Ruffa, "Sa akin nangyari din ‘yan, e, nung kay Yilmaz [Bektas, Ruffa's estranged husband]. Pag-uwi ko ng Pilipinas, di na gumagana [yung credit cards ko]."

Continue reading below ↓

Ayon pa sa isang customer, halata raw sa reaksiyon ni Gretchen na napahiya siya sa nangyari dahil siya diumano ang nagyaya ng naturang dinner. Pagkatapos nito ay nakita raw ng ilang customers ang aktres na parang gigil na gigil habang nagti-text.

Noong bandang alas-onse ng gabi ay dumating daw sa Dusit Hotel si Tonyboy na mukhang inis, ayon sa mga customer na nasa lobby.

Dagdag na kuwento ng mga saksi, sa lobby pa lang daw ng hotel ay nagsisisigaw na si Gretchen kay Tonyboy. Hinila pa diumano ng aktres ang ka-live-in papunta sa ladies' room. Dinig daw hanggang labas ang pagsisigawan ng dalawa at nang lumabas sila ay halatang umiyak si Gretchen.

Pagbalik daw ni Gretchen sa restaurant ay ikinuwento nito sa kanyang mga kasama ang nangyari sa kanila ni Tonyboy. Sinabi raw ni Gretchen sa kanyang mga kaibigan na nagalit daw ang kanyang live-in partner sa kanila dahil ikinumpara nila ito sa asawa ni Ruffa na si Yilmaz.

Continue reading below ↓

Nabanggit daw ni Gretchen kay Tonyboy ang sinabi ng isa sa grupo na baka pinutol ng negosyante ang credit card ng aktres. Ang mariing sabi raw ni Tonyboy kay Gretchen ay "I am not Yilmaz!"

Dahil sa nangyari ay mukhang nagkatampuhan sina Gretchen at ang mga kaibigan niyang sina Ruffa, Pops, at "Josie." Nagulat daw ang mga ito dahil idinawit pa ni Gretchen ang mga pangalan nila sa away ng aktres at ni Tonyboy.

May nagsabi ring isang source na ipinakuha pa nga raw ni Gretchen sa waiter ang perang ibinayad ni Ruffa. Isasauli raw kasi ni Gretchen ang pera ni Ruffa at siya na lang ang magbabayad. Pero hindi na raw puwede dahil naipasok na sa cash register ang perang ibinayad ni Ruffa.

SCENE AT THE WAKE. Ang pangalawa namang eksena ay naganap ilang saglit lamang pagkatapos ng eksena sa hotel. Ito naman ay nangyari diumano sa burol ng aktor na si Rudy Fernandez sa Heritage Park, kung saan daw dumiretso si Gretchen at ang kapatid niyang si Marjorie.

Continue reading below ↓

Ayon sa ilang artistang nakasaksi ng mga pangyayari, nagpunta raw sina Gretchen at Marjorie sa VIP room, kung saan nag-i-stay ang mga artista at iba pang mga nakikiramay sa pamilya ni Daboy.

May nakakita raw kay Gretchen na kumikindat-kindat sa actor-politician na si Bong Revilla na nasa kabilang table. Hindi naman daw sigurado ang mga nakakita kung nakita rin ni Bong ang pagkindat-kindat diumano sa kanya ni Gretchen. Pero napansin ng aming source na naging uncomfortable daw ang hitsura ng senador.

Nandun din daw sa VIP room ang misis ni Bong na si Lani Mercado. Napansin na lang ng source na tumayo si Lani at pumunta sa likuran ng kanyang mister. Ang hindi matukoy ng mga witnesses ay kung lumapit ba siya sa asawa dahil nakita niya ang ginagawa ni Gretchen o nagkataon lang.

Hindi naman kaila sa lahat na nagkaroon ng romantic relationship noon sina Bong at Gretchen, na siyang naging ugat ng alitan nina Lani at Gretchen.

Continue reading below ↓

Narinig din daw na pinagsabihan ni Marjorie ang kapatid na tigilan na ang kanyang ginagawa. Pero ang sagot daw ni Gretchen sa kanya ay sinusubukan lang niya kung uubra ang pagpapa-botox niya kay Bong.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
If you think you've heard the last of Gretchen Barretto, well, think again. Two separate incidents that happened in one night put the actress in the news again—one took place in a hotel; the other, at Daboy's wake.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results