FIRST READ ON PEP: Cesar Montano denies sister's claim that Sunshine kicked out their mom

by Archie de Calma
Jun 20, 2008
"Si Sunshine, matapang din 'yan. Kapag inaaway 'yan, hindi 'yan magpapaapi. In other words, inaway kasi niya si Ched, kaya lumaki 'yan. Tuluyan na silang nag-away," says Cesar Montano about his wife Sunshine Cruz (inset).

Dalawang beses nag-text si Cesar Montano sa PEP (Philippine Entertainment Portal) bago namin siya tinawagan for a phone interview. Una, yung paliwanag niya tungkol sa away ng kanyang kapatid na si Ched Cantu at ng misis niyang si Sunshine Cruz. Naging malinaw sa amin na hindi basta nagte-take sides noon si Cesar.

Pangalawa, nag-text si Cesar sa amin nang lumabas na ang phone-patch interview ng The Buzz kay Ched, na ipinahayag nitong ang ugat ng kanilang iringan ni Sunshine ay nagmula sa pagpapalayas diumano ng aktres sa ina nila ni Cesar, si Mrs. Emma Manhilot, mula sa kanilang tinitirhan sa Sct. Rallos, Quezon City.

Mukhang out of bounds na nga ang itinatakbo ng pag-aaway, kaya hindi na talaga makatutulong ang pananahimik ni Cesar tungkol dito. Marami na kasi ang nagtataka kung bakit napakatagal nanahimik si Cesar samantalang kung anu-ano nang paninira ang sinasabi ng kanyang kapatid laban sa kanyang asawa. Ayon sa iba, bagamat kapatid ni Cesar si Ched, dapat ay mas matimbang sa kanya si Sunshine dahil ito ang kanyang asawa.

Continue reading below ↓

Paliwanag naman ni Cesar, "Kaya lang naman ako nanahimik muna ay dahil ang stand ko riyan sa umpisa pa lang, family problem 'yan, na kami-kami lang talaga ang dapat mag-solve. Hangga't maaari, hindi na ito dapat nalalaman pa ng ibang tao. Kaso nga, hindi ganoon ang nangyayari. Nadadamay na ang iba sa family namin, may mga nasasaktan na, kaya kailangan ko na ring magsalita at kumilos."

Patuloy niya, "Gusto ko lang ituwid ang mga maling nasasabi, lalo na 'yung tungkol sa pinalayas daw ni Shine ang nanay ko sa Sct. Rallos. There's no truth to that, walang ganyang pangyayari.

"Alam mo bang mahal na mahal ng nanay ko si Shine? Na kapag nag-aaway kami, kay Nanay nagsusumbong si Shine at hindi na pinapakinggan ng nanay ko ang paliwanag ko? Sa akin siya nagagalit kapag nag-aaway kami ni Shine, at ako ang hinahampas-hampas at pinapalo niya.

Continue reading below ↓

"Alam kong hindi kailanman ganyan ang trato ni Shine sa nanay ko, to the point na palalayasin pa niya. Hindi ko rin papayagang mangyari yun. So, walang katotohanan 'yan."

Kuwento ni Cesar, nagbakasyon lang daw ang nanay niya noon sa Sct. Rallos at ito rin ang nag-decide na bumalik sa tinitirhan nito sa Las Piñas. Wala nga raw kasing gaanong bintana ang Sct. Rallos house nina Cesar at Sunshine, na hindi katulad ng sa Las Piñas na well-ventilated.

Ipinaliwanag din ni Cesar ang tungkol sa pagbabalik diumano ng anak niyang si Angela sa Sct. Rallos house nila na wala na itong kuwarto roon.

"Hindi nawawala ang kuwarto ni Angela sa Sct. Rallos," sabi ng aktor. "Walang gumagalaw nun. Anytime na gusto ni Angela na magpunta roon, may sarili siyang kuwarto. Nakatira siyempre siya ngayon kasama ng asawa niya at anak.

"Hindi lang sa Sct. Rallos, may kuwarto rin si Angela sa bahay namin sa Bohol, at may sarili siyang bahay doon sa compound ng resort house namin sa Pandi, Bulacan," paliwanag pa ni Cesar.

Continue reading below ↓

CAUSE OF THE RIFT. Nakakahiya mang sabihin, pero ayon kay Buboy, maliit na bagay lang ang pinagmulan ng away nina Sunshine at Ched.

"Kaming magkakapatid na lalaki, pare-pareho kaming takot kay Ate Ched," pagtatapat ni Cesar. "Kasi grabeng magalit 'yan. At saka sobra sa diskarte 'yan sa away, na talagang iiyak ka.

"Ganyan ang nangyari sa kanila ni Shine. E, si Sunshine, matapang din 'yan. Kapag inaaway 'yan, hindi 'yan magpapaapi. In other words, inaway kasi niya si Ched, kaya lumaki 'yan. Tuluyan na silang nag-away.

"Pero kung tutuusin, misunderstanding lang 'yan sa pamilya, na kami-kami, kaya naming ayusin 'yan. Kaso, wala namang gustong magpa-areglo sa kanilang dalawa. Sa umpisa pa lang, I warned Sunshine about my sister, na sana hangga't mapapagpasensiyahan niya, huwag na niyang awayin.

"Gaya sa anak kong si Angela. Mataray rin kasi yun. Pero si Shine, alam niya yung sitwasyon, na siya ang nagpaparaya. For me, naa-appreciate ko yun, na naiintindihan ni Shine yung sitwasyon ni Angela," sabi ni Cesar sa kabilang linya.

Continue reading below ↓

Sinabi rin ni Cesar na siguro ay may maling nakakarating na balita kay Ched dahil sa Italy na ito naka-base ngayon.

LIBEL CASE. Nirerespeto raw ni Cesar ang desisyon ng kanyang asawa na magsampa ng libel case laban sa kanyang kapatid na si Ched.

"Pero, sino ba ang talo riyan?" dugtong ni Cesar. "Siyempre, kami. Kasi wala naman si Ched sa Pilipinas para harapin ang kasong 'yan, di ba? But it's all up to my wife, kung ano ang diskarte niya sa bagay na 'yan.

"Parang nakikita kong si Ched, pinagtatawanan lang kami niyan. Si Shine ang talo riyan dahil siya ang apektado. But I know, I should be with my wife. Mahirap ang sitwasyon ko, at sana maintindihan ako ng mga tao, na this is a family thing. Kaya hangga't maaari, tumatahimik ako.

"Walang magagawang mabuti ang pagsasalita ko ng kung anu-ano tungkol sa isyung 'yan. Pero kapag mayroon nang hindi totoo na nalalagay sa alanganin ang asawa ko, natural lang na depensahan ko naman siya."

Continue reading below ↓
Sa huli ay nakiusap siya sa kanyang pamilya na tigilan na ito dahil napakarami na raw ang nasasaktan. Family issue raw ito kaya dapat nilang ayusin na sila-sila lang.
Read Next
Read More Stories About
Cesar Montano, Sunshine Cruz
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Si Sunshine, matapang din 'yan. Kapag inaaway 'yan, hindi 'yan magpapaapi. In other words, inaway kasi niya si Ched, kaya lumaki 'yan. Tuluyan na silang nag-away," says Cesar Montano about his wife Sunshine Cruz (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results