Camille Prats considers "Gaano Kadalas ang Minsan" her best birthday gift

by Dinno Erece
Jun 22, 2008
"This is my third show sa GMA-7 after Captain Barbell and Super Twins. Doon, major support lang ako. Pero dito, bida na. Hinding-hindi ko aakalain na bibigyan pa rin ako ng importansiya ng GMA," says Camille Prats.

Friday lunch, June 20, ang presscon ng pinakabagong Sine Novela ng GMA-7 na Gaano Kadalas ang Minsan. Ito rin ang actual na kaarawan ni Camille, who replaced Sunshine Dizon for the Lily role originally played by Vilma Santos in the 1983 movie.

Prior to the general question-and-answer portion sa Mandarin Suites, kinantahan muna si Camille ng buong cast and the attending press with a birthday cake.

"This is my best birthday gift talaga," sabi ni Camille during the one-on-one interview. "Hindi ko talaga aakalain na mapupunta sa akin ang role. Yung sinasabing replacement lang ako, not a big deal. Kita n'yo naman main role ito, magdadalawang-isip pa ba ako?"

Sobra-sobra ang pasasalamat ni Camille sa GMA-7 for giving her this prime role.

"After nanganak ako at umuwi rito, pinatawag ako ni Ms. Wilma [Galvante, SVP for Entertainment TV]. Sabi sa akin, ‘Aba, mapayat ka na pala! Konti pa 'tapos may show ka na ng end of June.' Sabi ko, ‘Salamat po. Hindi pala ako papabayaan ng GMA kahit nanganak na ako.'

Continue reading below ↓

"Okey na sa akin kahit ano basta makapagtrabaho lang ulit. ‘Tapos biglang tumawag ang manager [Arnold Vegafria] ko. Sabi, ‘O, maghanda ka na, may taping ka na bukas, may pictorial ka the next day. Sagot ko, ‘Ha? Hindi ba end of July pa?'" kuwento ni Camille.

Hindi alam ni Camille na ang Lily role nga ang ibibigay sa kanya kaya halos maiyak siya sa tuwa.

"This is my third show sa GMA-7 after Captain Barbell and Super Twins. Doon, major support lang ako. Pero dito, bida na. Hinding-hindi ko aakalain na bibigyan pa rin ako ng importansiya ng GMA."

Ang last words ni Camille?

"Now, I can truly say I'm proud to be a Kapuso."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"This is my third show sa GMA-7 after Captain Barbell and Super Twins. Doon, major support lang ako. Pero dito, bida na. Hinding-hindi ko aakalain na bibigyan pa rin ako ng importansiya ng GMA," says Camille Prats.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results