Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now

Lovi Poe to Jolo Revilla: "I am very, very sorry that I dragged him into this mess...."

by Rose Garcia
Jun 23, 2008
"Ang gusto kong sabihin kay Jolo is that I'm sorry... Wala kang ginagawang masama. But you're here right now, I'm here right now. At least, I myself, I'm speaking already in front of everybody that you're not doing anything bad at all. But, of course, there are people that really matters to me. And he knows naman how I really feel, he knows..." says Lovi Poe.

Fresh from her vacation in Thailand, humarap sa kauna-unahang pagkakataon ang young actress na si Lovi Poe sa Showbiz Central kahapon, June 22, upang sagutin ang mga isyu na kinasasangkutan niya at ng rumored boyfriend niya na si Jolo Revilla. Si Lovi ang umupo sa Central Jury, kung saan inusisa siya nina Rufa Mae Quinto at DJ Mo Twister.

Halata sa mga mata ni Lovi ang hindi maikubling kalungkutan, na napansin din ni Rufa Mae nang tanungin niya ang dalaga kung bakit seryoso siya ngayon.

"There's just so much big circus around me," saad ni Lovi.

Ang una namang tanong ni Mo kay Lovi ay ngayong tapos na ang kanilang Kaputol ng Isang Awit, how true na mapuputol na rin ang love team nilang dalawa ni Jolo dahil hindi pabor ang ina niyang si Rowena Moran sa binata at sa sobrang closeness nila?

"Well, I don't think when it comes to the love team between me and Jolo... My mom, hindi naman siya nakikialam sa mga career moves ko. I don't think she would want to break anything like that. It's just the love team, so I don't think she will do anything against it," pahayag ni Lovi.

Continue reading below ↓

Nag-follow-up question agad si Mo sa naging tugon ni Lovi. Kung ganoon daw pala, against lang ang mommy niya sa totoong love team?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"All I can say about that is my mom never failed to give me any advice. Not only when it comes to Jolo, but to other men also in the past or whoever. Any mother will protect their child," pahayag ni Lovi.

LOVE TEAM OFF-CAM. Sinundan agad ito ng direktang tanong ni Rufa Mae kung may seryosong love team na namumuo off-cam. Sinabi ni Lovi na hindi niya itinatanggi na close silang dalawa ni Jolo.

Hindi na napigilan ni Lovi ang maiyak when Mo asked her kung dahil ba sa pagiging protective ng mommy niya sa kanya kaya nadamay ang love team nila ni Jolo.

"Jolo and I in Kaputol ng Isang Awit...we were working so hard to make the show good. It's not... I mean, it's not right na pati yung personal lumalabas ngayon. It's just very hard working that I'm in the middle of this...especially with my mom," paputol-putol na sabi ng young actress.

Continue reading below ↓

Nadala si Rufa Mae sa ipinakitang emosyon ni Lovi dahil bigla itong naka-relate sa sitwasyon ni Lovi. Sinabi ni Rufa Mae na ganito raw talaga sa showbiz, may pagkakataon na wala kang choice but to tell the truth. Ito raw ang dahilan kung bakit napaiyak ang sexy comedienne sa last episode ng Showbiz Central nang sagutin niya ang mga naging pahayag ng dating nakarelasyon na si Dingdong Avanzado.

Balita na mahal ni Lovi si Jolo at maging ang anak nito kay Grace Adriano na si Gab. Kung sino raw ang mahal ni Jolo ay mahal niya rin kung kaya't mommy na mommy rin daw ang dalaga sa anak ng young actor.

Umiiyak pa rin na sinabi ni Lovi ang reaksiyon niya rito. Aniya, "Si Jolo kasi, I can't deny the fact na malapit talaga siya sa akin. Of course, naging mabuti siyang tao sa akin. And I would like to clear rin that never, never niya akong na-B.I. [bad influence]. There was never such thing. Hindi ako nagpapasaway because of him.

Continue reading below ↓

"I don't know why all the blame on him but then, all I can say, lahat naman ng tao mahal ko. I'm not holding any grudges to anybody. Kahit na nasasaktan ako ng ganito, mas gusto ko pang ako ang nasasaktan kesa sa nasasaktan ang ibang mga tao. Kaya ako naririto ngayon at nakaupo sa harapan ninyong lahat."

Para ipagtanggol si Jolo?

"Para ipagtanggol ang mom ko. Para ipagtanggol si Jolo. Hayaan n'yo na lang ako, kung lalabas akong pasaway, hindi naman—" Hindi na natapos ni Lovi ang kanyang sasabihin at napailing na lang dahil hindi na talaga niya mapigil ang emosyon at patuloy pa rin ang buhos ng luha niya.

THE REAL SCORE. Once and for all, naging mag-on ba talaga silang dalawa ni Jolo?

Napabuntong-hininga muna si Lovi bago niya nasagot ang tanong. Aniya, "Whatever it is that's going on between me and Jolo, I think it's best that we keep it private. I mean, he hasn't been speaking about us and I admire him for that. Doon pa lang, makikita mo na ang respeto niya sa akin at sa mommy ko."

Continue reading below ↓

Dagdag niya, "So I would like to give back that respect to him. Malaki ang respeto ko kay Jolo and to his family. Naging mabuti sila sa akin. Naging mabuti si Jolo sa akin."

Tinanong ni Rufa Mae si Lovi if she thinks Jolo is worth fighting for.

"You know, in this business, we do not know what we are fighting for anymore. Because there are three things kasi—your career, your family, and the person you love. So akala ko, it's easy to juggle all up, but it's not. So it's never easy. Nothing is easy in this world," pahayag ni Lovi.

Pagkatapos ng lahat ng isyung lumabas tungkol sa kanilang dalawa, nag-uusap ba sila ni Jolo? Ano na ang mangyayari sa friendship or closeness na meron silang dalawa?

"Jolo and I, of course, hindi mawawala yung communication sa aming dalawa. In terms of love team, it's really up to my manager, or his manager also, if we'll team up again. It's just that for me, I am very, very sorry that I dragged him into this mess, in this circus when it's not supposed to happen."

Continue reading below ↓

AGAINST ALL ODDS. Sa kabila ba ng lahat ng mga intriga sa kanila, sa tingin kaya niya, sila pa rin nila ni Jolo ang magkakatuluyan at kung patuloy pa ba siyang ipaglalaban ng binata, sa kabila ng mga pressure sa paligid nila?

Nilinaw ni Lovi na never siyang iniwan ni Jolo.

Mahal ba niya si Jolo?

"My answer wouldn't matter naman na to anyone else...and Jolo," sagot ni Lovi.

Napaiyak na naman si Lovi nang hingan siya ng mensahe para kay Jolo.

"Ang gusto kong sabihin kay Jolo is that I'm sorry... Wala kang ginagawang masama. But you're here right now, I'm here right now. At least, I myself, I'm speaking already in front of everybody that you're not doing anything bad at all. But of course, there are people that really matters to me. And he knows naman how I really feel, he knows..." mariin niyang pahayag.

Nagbigay rin ng mensahe si Lovi para sa kanyang ina.

Continue reading below ↓

"Well, I could easily speak to my mom right now. But then, I would like to clear things up that I wouldn't do anything to break my mom's heart.

"Right from the very beginning, since I was born, happiness ko na napapasaya ko ang mga magulang ko. It's my fulfillment in life that's why I'm studying and working at the same time because I know, yun ang nagpapasaya sa kanila. At yun talaga ang goal ko sa buhay ko, para maging proud sa akin ang mga magulang ko," saad ni Lovi.

Napangiti rin si Lovi nang sabihin nina Rufa Mae at DJ Mo na dahil si Lovi ang nakaupo sa hot seat ng Central Jury, kailangan nang i-seal or reveal ni Lovi ang nakahandang "Killer Question" sa kanya ng Showbiz Central. But instead of revealing the "Killer Question," Lovi decided na i-seal na lang muli ang tanong na nasa loob ng envelope.

Continue reading below ↓

Katuwiran ni Lovi, "I think ayoko na kasing magulo ang kampo nila. I think, it's too much that I dragged Jolo in this circus, so I don't want to drag his family also. So I think it's best na i-seal ko na lang ‘to."

Read Next
Read More Stories About
Lovi Poe, Jolo Revilla
Latest Stories

Gusto mo bang lagi kang una sa showbiz news at scoops? Subscribe to our Viber Chatbot now para lagi kang updated!

Subscribe Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ang gusto kong sabihin kay Jolo is that I'm sorry... Wala kang ginagawang masama. But you're here right now, I'm here right now. At least, I myself, I'm speaking already in front of everybody that you're not doing anything bad at all. But, of course, there are people that really matters to me. And he knows naman how I really feel, he knows..." says Lovi Poe.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results