Dingdong Dantes just waiting to do "Amnesia"

by Rose Garcia
Jun 23, 2008
"Ako naman, I'm still optimistic. Iniisip ko na lang na habang tumatagal, mas lalo pang gumaganda. Kumbaga, yun na lang siguro ang magandang isipin natin sa nangyayari. Maaaring kaya naman nagtatagal dahil mas lalo pang pinapaganda," says Dingdong Dantes.

Positibo pa rin ang pananaw ni Dingdong Dantes sa pelikulang supposedly ay gagawin niya for GMA Films. Ilang buwan na rin kasi simula nang mai-announce na may movie silang pagsasamahan nina Marian Rivera at Iza Calzado sa movie arm ng Kapuso Network.

Pero dahil nga sa napipintong proyektong papasukin ng GMA Films kunsaan magsasama sa iisang pelikula sina Richard Gutierrez at KC Concepcion, sinasabing tila ibinitin muna ng film production ang nakaplano na noong Dingdong-Marian-Iza movie na may tentative title pa naman na Amnesia at may plano pang maipalabas by August.

Natawa na lang din si Dingdong nang kumustahin sa kanya ng entertainment press at PEP (Philippine Entertainment Portal) kung nagka-amnesia na rin daw yata ang movie nila at nakaligtaan na itong gawin.

"Ako naman, I'm still optimistic. Iniisip ko na lang na habang tumatagal, mas lalo pang gumaganda. Kumbaga, yun na lang siguro ang magandang isipin natin sa nangyayari. Maaaring kaya naman nagtatagal dahil mas lalo pang pinapaganda."

Continue reading below ↓

Pero as of this writing, wala pa raw siyang balita kung tuloy pa nga ba ang Amnesia or posibleng ibang movie project na lang ang gagawin niya for GMA Films.

From the time na nag-sign siya ng exclusive contract sa network, wala pa rin naman siyang pelikulang nagagawa under that contract. At bagamat exclusive, may option naman daw si Dingdong na gumawa ng movie outside GMA Films, as long as maipagpapaalam lang ito. Kaya kung may maganda raw material at kaya naman ng schedule niya, walang dahilan para hindi rin niya ito gawin.

TESTING DINGDONG-MARIAN. Isa sa mga in-demand celebrity product endorser si Dingdong ngayon, bukod pa sa sinasabing kanyang pagiging "King of Primetime." Pero aminado si Dingdong na more than ever, mas ganado nga siyang gumawa ng movies ngayon. Magiging masaya rin daw siya na yung team-up nila ni Marian Rivera ay masubukan naman sa big screen.

"Masaya kami sa nakikita naming suporta ng mga tao sa mga shows namin sa TV. Nag-umpisa nga sa MariMar and then, sa Dyesebel ngayon. Nakaka-overwhelm yung suporta ng mga manonood at ng mga fans. Actually, kahit saan ako or kami magpunta, mararamdaman mo talaga yun.

Continue reading below ↓

"And of course, hindi maiaalis na marami talaga ang nagtatanong kung kailan daw kaya kami gagawa naman ng movie. Ang sinasagot ko lang sa ganoon, I'm sure, if it's the right time, mapapanood din nila kami ni Marian sa movie naman. Anyway, right now naman, we're still concentrating on Dyesebel."

ALL POSITIVE. Kung titingnan daw si Dingdong ngayon, puwedeng sabihin na halos lahat na yata ng positibo ay nangyayari sa buhay niya. Walang-dudang he is one the most successful individuals in show business. At kamakailan, pinatunayan ni Dingdong na successful din siya maging sa negosyong kanyang pinasok. Nag-soft launch na nga kailan lang ang Makati branch ng business nila ng girlfriend niyang si Karylle (at iba pang kaibigan) na Centerstage, which has its original branch at Timog, Quezon City.

Maging sa personal na buhay ni Dingdong, masasabi ring successful siya. Maayos ngang pinapatakbo nilang dalawa ni Karylle ang relasyon nila sa kabila ng pagkakaroon ni Dingdong ng ka-love team na sikat na sikat namang talaga.

Continue reading below ↓

Pero sabi ni Dingdong, "Well, ganito...hindi mo puwedeng sabihin na puro positive. Meron ding hindi. Pero siyempre, mas napapansin lang ang magaganda dahil marami talaga ang magagandang nangyayari.

"Siyempre, balance pa rin ‘yan. We're all humans. We have problems, naa-outshine lang. It's how you take it para matakpan lang yung mga pangit."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ako naman, I'm still optimistic. Iniisip ko na lang na habang tumatagal, mas lalo pang gumaganda. Kumbaga, yun na lang siguro ang magandang isipin natin sa nangyayari. Maaaring kaya naman nagtatagal dahil mas lalo pang pinapaganda," says Dingdong Dantes.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results