Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now

Angel Locsin agrees to go topless for jeans endorsement

by Julie E. Bonifacio
Jun 23, 2008
"Nung una na-tense ako dahil hindi ko naman ginagawa. Pero, di ba, parang why not? Wala naman akong ginagawang masama. ‘Tsaka para sa akin, hindi pa siya daring," explains Angel Locsin about her topless pictorial.

Napakalakas na hiyawan ang sumalubong kay Angel Locsin paglabas niya ng stage sa fashion show cum launching niya bilang bagong endorser ng Folded & Hung sa Activity Center sa TriNoma last Saturday, June 21.

"Feeling model," sagot ni Angel nang i-welcome siya ng host ng event na si Phoemela Barranda.

A few weeks back ay naging isyu ang pagiging endorser ni Angel ng ibang clothing line pagkatapos kunin ng dating ini-endorse na JAG jeans si Marian Rivera. But it turned out na may bago nang ie-endorse na brand ng pantalon si Angel, ang Folded & Hung.

"Ten years na sila sa business at para rin ‘yang pag-aartista. You always have to show something new to offer. At para sa akin, dahil umabot sila ng ten years with great results, indicator ito na tama ang kanilang ginagawa at talagang tinatangkilik sila.

"When I found out that they were interested in me, sobrang na-flatter at natuwa ako. So, sobrang natutuwa ako, na mabigyan ng ganitong pagkakataon na makasali sa kanila," pahayag ni Angel.

Continue reading below ↓

Happy and thankful si Angel dahil pinagkatiwalaan siya ng F&H na makasama ang iba pa nilang endorsers na sina Claudine Barretto at Maja Salvador.

Sa gitna ng Activity Center ng TriNoma nakasabit ang naglalakihang tarpaulin ni Angel for F&H kung saan wala siyang suot na pang-itaas, kita ang likod at nakasuot ng pantalon. Paano siya napapayag na mag-pose ng topless sa billboard?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

"Biglaan lang yun, e," sagot niya. "Wala kasi kaming mga peg. Ganyan mag-work ang F&H. Parang sobrang genius nila, biglaan lang.

"Nung una na-tense ako dahil hindi ko naman ginagawa. Pero, di ba, parang why not? Wala naman akong ginagawang masama. ‘Tsaka para sa akin, hindi pa siya daring."

Ngayon, hindi man gustuhin ni Angel, tiyak na maikukumpara siya sa F&H endorser na si Claudine.

"Naku, there's nothing to compare. Si Ms. Claudine, Ms. Claudine na ‘yan. Ang dami-dami na niyang achievements. Ano naman po ba ako compared to her?" ani Angel.

Continue reading below ↓

Hindi kaya matalbugan pa niya sina Claudine at Maja as endorser ng F&H? And later, tuluyan na niyang palitan sina Claudine at Maja?

"Ah, walang ganun, walang ganun na deal. Kahit hindi pa kami talaga nakakapagtrabaho kapag nasa isang company hindi naman sila ganun klaseng tao at iba-ibang ino-offer para sa brand at para sa mga tao kaya nandito kami."

Nilinaw rin ni Angel ang isyu na sinulot niya ang F&H kina Claudine at Maja.

"Ganun ba kadali yun? Hindi naman ako nagbayad sa F&H para kunin ako, di ba?"

May balita na nagalit daw si Claudine dahil bigla siyang kinuhang endorser ng F&H? Ano ang reaksiyon niya rito?

"E, hindi pa kami nagkikita ni Ms. Claudine ngayon, pero hindi naman. Parang sa akin, ginagawan lang ng intriga ng mga tao kasi siyempre, ‘eto, bagong part ako ng family ng F&H, pero hindi naman. Bagong sampa lang ako sa pamilya."

Continue reading below ↓

Hindi niya pinalitan si Claudine?

"Hindi po," tanggi ni Angel. "Iki-clear ko po, karagdagan lang po ako dito. Wala po akong pinalitan kahit na sino."

Wala bang usapan na magsasama-sama sila nina Claudine at Maja para sa proyekto ng F&H tulad ng billboard?

"Merong pinaplano, pero hindi pa sure. Tulad ng sinabi ko kanina, wala kami nung mga peg talaga," pagwawakas ni Angel.

Read Next
Read More Stories About
Angel Locsin, Claudine Barretto
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nung una na-tense ako dahil hindi ko naman ginagawa. Pero, di ba, parang why not? Wala naman akong ginagawang masama. ‘Tsaka para sa akin, hindi pa siya daring," explains Angel Locsin about her topless pictorial.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results