Lorna, Jinggoy, Cherry Pie, and John Lloyd win top acting honors in 5th Golden Screen Awards

by Rose Garcia
Jun 25, 2008
Golden Screen Awards winners: (from left) Rhian Ramos, Breakthrough Performance by an Actress for Ouija; Eugene Domingo, Best Supporting Actress for Pisay; Jinggoy Estrada, Best Actor-Comedy of Musical for Katas ng Saudi); Lorna Tolentino, Best Actress-Comedy or Musical for Katas ng Saudi; John Lloyd Cruz, Best Actor-Drama for One More Chance; Cherry Pie Picache, Best Actress-Dr


Isang matagumpay na gabi para sa bumubuo ng Entertainment Press Society (Enpress) ang 5th Golden Screen Awards for Movies na ginanap kagabi, June 24, sa Zirkoh Greenhills.

Halos lahat ng winners sa bawat kategorya ay dumating at karamihan din ay nag-stay pa hanggang sa matapos ang mismong event. Kaya naman sa bihirang pagkakataon ay napagsama-sama at nakunan ang mga winner nang sabay-sabay silang umakyat sa stage ng Zirkoh for the photo op.

Mababakas din sa mga nanalo ang kasiyahan na sila ang nabigyan ng pinakamataas na parangal ng Enpress.

Ilan sa mga unang dumating ay ang mga host ng gabing yun na sina John "Sweet" Lapus, JC de Vera, Rufa Mae Quinto, at Rhian Ramos. Gayundin sina Erik Santos, na siyang kumanta sa opening number; ang magkapatid na Glaiza de Castro (na nominee for Best Performance by an Actress in a Leading Role-Drama para sa Still Life) at si Alchris Galura (last year's winner for Best Performance by An Actor in a Leading Role-Drama); ang StarStruck 4 Avengers na sina Stef Prescot at Paulo Avelino, at si Will Sandejas from the movie Sikil.

Continue reading below ↓

In full force naman dumating ang cast at production people behind the independent film Pisay, na siyang nag-dominate in this year's Golden Screen Awards. Aside for Best Picture at Best Original Screenplay, ang Pisay director na si Aureaus Solito rin ang nanalong Best Director. Nanalo rin ang Pisay sa iba pang categories, tulad ng Best Original Song, Best Musical Score, at Best Editing.

Late na nang dumating si Aureaus dahil kinailangan pa raw niyang mag-undergo ng minor surgery for his feet, pero nakahabol pa ito nang ang Best Picture for Drama na ang pinarangalan. Siya na ang tumanggap ng award.

Comic relief si Eugene Domingo, na nanalong Best Actress in a Supporting Role for Pisay. Nang tawagin kasi ni Sweet ang pangalan niya ay nagkunwaring na-surprise pa sa award kahit pre-announced na ang winners.

Sa speech ni Eugene ay nasabi niyang noong nag-aaral daw siya ng high school, isa sa mga back subject niya ang Science. Pero ironically, ang role niya as a Science teacher sa Pisay ang nakapagbigay sa kanya ng kanyang unang tropeyo sa Enpress. Bukod sa direktor ng movie, pinasalamatan din ni Eugene ang kaibigang si Cherry Pie Picache at si Direk Andoy Ranay.

Continue reading below ↓

Hindi naman nakarating at nagpaabot na lang ng pasasalamat at paumanhin ang nanalong Best Actor in a Supporting Role na si Ricky Davao for Endo. Kasalukuyan pa raw kasi siyang nagte-taping ng Dyesebel noong gabing yun.

Very pretty naman si Rhian Ramos kagabi at masayang-masaya ito sa natanggap na karangalan bilang Breakthrough Performance by An Actress for Ouija. Gayundin si Joem Bascon na nanalo sa kategoryang Breakthrough Performance by An Actor for Batanes.

All the top performance awards were present that night, sa pangunguna nina John Lloyd Cruz, Best Performance by an Actor in a Lead Role-Drama for One More Chance; Cherry Pie Picache, Best Performance by an Actress in a Lead Role-Drama for Foster Child; Jinggoy Estrada, Best Performance by an Actor in a Lead Role-Musical or Comedy for Katas ng Saudi; at si Lorna Tolentino, Best Performance by an Actress in a Lead Role-Musical or Comedy for Katas ng Saudi.

Continue reading below ↓

Ito ang first public appearance ni Lorna after her husband, Rudy Fernandez, passed away. Halos magkakasabay na dumating sina LT, Jinggoy and wife Precy Ejercito, Phillip Salvador, at Bong Revilla sa venue.

Ayon kay LT, marami raw silang isina-suggest ng namayapang asawa na si Daboy kay Jinggoy sa kung sino ang puwede nitong maging leading lady for Katas ng Saudi. Pero siya rin daw pala ang kukunin. Ikinuwento rin ni LT na gustung-gusto ni Rudy ang movie na ginawa nila ni Jinggoy dahil nang panoorin daw nila ito, talagang tawa raw nang tawa at na-touch din si Daboy sa ilang eksena.

Malaking bagay rin for LT ang natanggap na karangalan dahil ngayon lang daw siya nakatanggap ng award for a comedy film.

Sa speech ni Jinggoy, natatawang biro nito na ang Katas ng Saudi ang isa sa pinakamatinong movie na ginawa niya. Inihandog niya rin ang pagkapanalo niya sa best friend niyang si Daboy at sa lahat ng OFW.

Continue reading below ↓

Mismong araw naman ng kaarawan ni John Lloyd kahapon, pero kahit na kasalukuyang nagdi-dinner kasama ang kanyang buong pamilya at malalapit na kaibigan, dumating at nag-stay pa rin si John Lloyd sa Zirkoh. Tila nagsilbi pa nga itong reunion sa mga nakasama niya sa Maging Sino Ka Man na sina Christopher de Leon at Phillip Salvador.

John Lloyd shared his trophy with his co-nominees at nagsabing para sa kanilang lahat yun. Ayon kay John Lloyd, napakagandang birthday gift for him ang naturang award. Very much honored din ang young actor dahil ang nag-abot ng award sa kanya ay ang last year's winner for Best Actress na si Ms. Gina Pareño.

Bago naman ang pagbibigay ng Gawad Lino Brocka Lifetime Achievement Award kay Christoper de Leon, naghandog ng isang song number ang kaibigang si Tirso Cruz III bilang parangal kay Boyet sa pamamagitan ng kantang "Bridge Over Troubled Water."

Si Ms. Caridad Sanchez, isa sa mga naging artista ni Direk Lino Brocka noon, ang nag-present ng natatanging parangal para sa mutli-awarded actor. Sa kanyang speech, muling pinasalamatan ni Boyet ang naging mentor at director niya at nagpaalala sa lahat ng kakaibang passion at adhikain ni Direk Lino sa industriya at sa bansa na masasalamin sa bawat obra nito.

Continue reading below ↓

Ang biyuda ni Daboy na si LT ang tumanggap ng posthumous award sa namayapang aktor, na iprinisent ng tatlo nitong matatalik na kaibigan na sina Jinggoy, Bong, at Phillip. Pero bago ang pagbibigay ng award, nakakatuwang tinupad ng tatlong magkakaibigan ang kanilang pangako na darating at kakanta sila nang live sa awards night para sa alaala ni Daboy.

Tahimik sa buong Zirkoh habang kumakanta ang tatlo at umani sila ng masigabong palakpakan after rendering the song "Paalam Daboy." Silang tatlo rin ang tumawag kay LT, na ayon sa kanilang introduction ay "ulirang kaibigan, ulirang ina, at ulirang asawa."

Ilang linggo pa lamang ang nakalipas mula nang bawian ng buhay si Daboy, pero nagawa ni LT na maging less emotional at na-control niya kung anumang kalungkutan ang nasa kanyang puso dahil sa pagkawala ng asawa.

Bukod sa mga artistang nabanggit, dumating din para mag-present ng award at mag-perform sina Yasmien Kurdi, Bobby Andrews, Maggie Wilson, K Brosas, Lance Raymundo, at marami pang-iba.

Continue reading below ↓

Bawat winner ay natuwa na bukod sa kanilang tropeyo, may bitbit pa silang sangkaterbang loot bags from the following sponsors of the Golden Screen Awards: San Miguel Beer, Hataw, Ysa Botanica, Filgen makers of ST scouring pad, Crystal Clear, Gran Matador, KSA Magic, Stellar, Jaa's bags, Errizaro, Bristol shoes, Fernando's bakery, Africa's Catering, Charms & Crystal, Edward dela Cuesta's Photography, at HBC Splash.

Narito ang kumpletong list ng mga nanalo sa 5th Golden Screen Awards ng Enpress:

Best Motion Picture (Drama) - Pisay (Solito Arts)

Best Motion Picture (Musical or Comedy) - Katas ng Saudi (Maverick Films)

Best Performance by an Actress in a Lead Role (Drama) - Cherry Pie Picache (Foster Child)

Best Performance by an Actor in a Lead Role (Drama) - John Lloyd Cruz (One More Chance)

Best Performance by an Actress in a Lead Role (Musical or Comedy) - Lorna Tolentino (Katas ng Saudi)

Best Performance by an Actor in a Lead Role (Musical or Comedy) - Jinggoy Estrada (Katas ng Saudi)

Continue reading below ↓

Best Performance by an Actress in a Supporting Role (Drama, Musical or Comedy) - Eugene Domingo (Pisay)

Best Performance by an Actor in a Supporting Role (Drama, Musical or Comedy) - Ricky Davao (Endo)

Breakthrough Performance by an Actress - Rhian Ramos (Ouija)

Breakthrough Performance by an Actor - Joem Bascon (Batanes)

Best Director - Auraeus Solito (Pisay)

Best Original Screenplay - Henry Graheda (Pisay)

Best Cinematography - Larry Manda (Maling Akala)

Best Editing - Mikael Angelo Pastrano, Kanakan Balintagos (Pisay)

Best Production Design - Martin Masadao, Regie Regalado, Dante Garcia, Endi Balbueno (Pisay)

Best Sound - Ditoy Aguila (Kadin)

Best Musical Score - Vincent de Jesus, Jobin Ballesteros (Pisay)

Best Original Song - "Ang Puso Kong Musmos" from the movie Pisay, lyrics by Carina Evangelista, music by Buddy Zabala and Ernest Mangulabnan, interpreted by Ebe Dancel

Best Visual Effects - Still Life
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Golden Screen Awards winners: (from left) Rhian Ramos, Breakthrough Performance by an Actress for Ouija; Eugene Domingo, Best Supporting Actress for Pisay; Jinggoy Estrada, Best Actor-Comedy of Musical for Katas ng Saudi); Lorna Tolentino, Best Actress-Comedy or Musical for Katas ng Saudi; John Lloyd Cruz, Best Actor-Drama for One More Chance; Cherry Pie Picache, Best Actress-Dr
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results