JC de Vera: Goodbye Yasmien Kurdi, Hello Rhian Ramos?

JC talks about working with ex-girlfriend Michelle Madrigal.
by Rose Garcia
Jun 25, 2008
"Hindi ko naman totally masasabing hindi na kami magpa-partner ni Yas dahil minahal na rin naman kami ng mga tao. Basta magkakatrabaho pa rin kami, I'm sure. Nagkataon lang talaga na yung next show, hindi kami ang magkasama. Pero siguro after nito or after two shows, magkakasama pa rin kami," JC de Vera assures the fans of his team-up with Yasmien Kurdi.

After three years of being together in a relationship, muling nagkita at nagkasama sina JC de Vera at Michelle Madrigal sa pelikulang My Monster Mom. Iisa na rin ngayon ang kanilang manager, si Annabelle Rama.

Hindi itinanggi ni JC na may nerbiyos sa umpisa ang pagsasama nilang muli ni Michelle.

"At first talaga, oo," pag-amin ng young actor. "After three years na hindi kami nagkita, never ko talagang in-expect na magkakatrabaho kami. Never talaga akong nag-expect. So noong dumating yung pinakaunang eksena naming dalawa, aminado naman ako na kinabahan talaga ako dun.

"Ang hirap mag-portray na mag-girlfriend-boyfriend kayo, ‘tapos may past kayo na ganoon. ‘Tapos, first time ulit namin na magkatrabaho na ganoon. So, basta, nagkakahiyaan kami. Nahirapan ako."

MOTHERLY MANAGER AND CO-STAR. Dahil manager niya si Annabelle Rama, ano naman ang masasabi ni JC na this time ay co-star na niya ito sa My Monster Mom?

"Si Tita Annabelle po, sobrang sarap kasama niyan. Actually, mabubuhay ako na araw-araw, kasama ko si Tita, e, " nakangiting sabi ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay JC, wala raw pagkakataon na naging "monster manager" si Annabelle sa kanya.

"Hindi siya monster," diin ng binata. "Yun nga ang sabi niya, nagiging monster lang siya kapag meron isa sa amin or sa pamilya niya ang naaagrabyado. Ako kasi, never pa akong napagalitan ni Tita. Ang gusto lang naman niya, yung sinusunod mo lang siya. At saka kailangan lang, kinakausap mo siya palagi tungkol sa mga thoughts mo, sa mga ideas mo. Actually, very protective siya sa amin."

GOODBYE YASMIEN, HELLO RHIAN? When it comes to his love team with Yasmien Kurdi, hindi naman daw dapat mag-alala ang mga fans nila dahil wala raw katotohanan na last team-up na nila ang Babangon Ako't Dudurugin Kita. Sa sususnod kasing show ni JC sa GMA-7, ang La Lola, ay si Rhian Ramos naman ang magiging kapareha niya.

"Hindi sila dapat malungkot dahil by September, may movie naman kami ni Yasmien na gagawin. Hindi talaga sila dapat mag-worry dahil may kasunod pa rin namang talaga. Kumbaga, magpapahinga lang ako ng isang show and, this time, with Rhian naman. Mag-e-experiment lang naman siguro ang network para sa akin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero hindi ko naman totally masasabing hindi na kami magpa-partner ni Yas dahil minahal na rin naman kami ng mga tao. Basta magkakatrabaho pa rin kami, I'm sure. Nagkataon lang talaga na yung next show, hindi kami ang magkasama. Pero siguro after nito or after two shows, magkakasama pa rin kami," pahayag ni JC.

First time nga lang daw nila ni Rhian na magkakasama sa isang project na sila ang magkatambal. Ayaw isipin ni JC na baka pati siya ay madamay sa mga fans na openly ay against sa bagong ka-partner.

"Nakatrabaho ko na si Rhian before when she was just starting sa industry. Nothing against her naman talaga. Siguro ano lang, nakakakuha lang siya ng mga negative feedback. Nakakausap ko naman siya, nakilalala ko siya even before, hindi ako natatakot talaga.

"Alam ko naman kasi na hindi naman talaga siya ganoon, e. At saka siguro yun ang challenge sa akin. Na kung magpa-partner kami, kailangang hindi ako maapektuhan. Mabait naman kasi si Rhian the way I see her before. Marunong din naman siyang umarte. At saka ako naman, work lang naman ako nang work. Kung sinuman ang ipareha sa akin, okey lang ‘yan," pahayag ni JC.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BACK TO SCHOOL. Kung may maganda man daw na nangyayari sa kanya ngayon, bukod sa pagkakaroon ng magandang career, ay ang natuloy niyang plano na magbalik sa pag-aaral. Nag-umpisa na raw siya sa UP Open University.

"First year pa lang ako in Associate in Arts. Pero masaya ako dahil natuloy na rin ang plano kong mag-aral."

Hindi na raw kasi siya bumabata at ayaw naman niyang iwanan ang kanyang pag-aaral as he gets older.

"Siguro kasi, naisip ko rin na napag-iiwanan na ako. Lahat ng batchmates ko sa Colegio de San Agustin, lahat sila halos graduating na, e. ‘Tapos yung brother ko, magti-third year college na rin. Wala lang, bigla ko na lang na-feel na kailangan ko lang talagang mag-aral. At least, maka-earn ako ng ilang units man lang kahit paunti-unti," pagwawakas ni JC.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko naman totally masasabing hindi na kami magpa-partner ni Yas dahil minahal na rin naman kami ng mga tao. Basta magkakatrabaho pa rin kami, I'm sure. Nagkataon lang talaga na yung next show, hindi kami ang magkasama. Pero siguro after nito or after two shows, magkakasama pa rin kami," JC de Vera assures the fans of his team-up with Yasmien Kurdi.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results