Joross Gamboa hospitalized due to severe tonsillitis

by Roldan Castro
Jun 25, 2008
Joross Gamboa has been suffering from exudated tonsilo-pharyngitis or tonsillitis for three days. He was taken to the Las Piñas Doctors Hospital this morning.

Na-confine kaninang umaga ang young actor na si Joross Gamboa sa Las Piñas Doctors Hospital.

Three days nang namamaga ang tonsil niya at may mataas na fever. Hinang-hina na siya dahil kahit water ay hindi makainom at makakain.

Ayon sa doktor, Kailangan niyang ma-dextrose kahit one to two days. He has exudated tonsilo-pharyngitis or tonsillitis.

Bagamat may schedule ngayong araw na ito si Joross para mag-shooting ng pelikulang A Very Special Love, na tinatampukan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, ay hindi siya nakasipot.

Malabo rin na makapunta siya sa taping ng Eva Fonda ng ABS-CBN 2 bukas dahil hindi pa kakayanin ng katawan niya.

Trabaho pa rin ang iniisip niya lalo't may sakit siya. Nahihiya siya na maging cause of delay dahil nagkasakit siya pero ang manager niya mismo na si Becky Aguila ang nagpasiyang kailangan niyang magpaospital na para maka-recover agad.

Inaasahang sa Friday ay puwede na siyang magtrabaho muli.

Continue reading below ↓

Samantala, hinuhulaan ngayon kung sino ang unang dadalaw sa binata. Si Glaiza De Castro ba o si RR Enriquez ng Wowowee!? Pareho kasi ngayong nali-link sa binata ang dalawang ito.

Read Next
Read More Stories About
Joross Gamboa
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joross Gamboa has been suffering from exudated tonsilo-pharyngitis or tonsillitis for three days. He was taken to the Las Piñas Doctors Hospital this morning.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results