Jeffrey Quizon reveals 9-year secret in Dolphy's biography, "Hindi Ko Mararating Itong Mag-isa"

by Archie de Calma
Jul 1, 2008
"Secrets revealed, sobra! Mababasa na nila finally sa book na yun. With my story alone, for example, may itinago ako sa kanya, kinimkim ko sa kanya yun for nine years," says Jeffrey Quizon about Hindi Ko Mararating Itong Mag-isa, the official biography of his dad Dolphy (inset), which will be launched on July 25, the Comedy King's birthday.

Nagkaroon ng pagkakataong usisain ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jeffrey "Epi" Quizon sa set ng Dyosa ng ABS-CBN tungkol sa mga kumakalat na chikang lilipat na sa GMA-7 ang ama niyang si Dolphy, pati na ang partner nitong si Zsa Zsa Padilla.

"Matagal na kasing may kumakalat na ganyan, that GMA-7 is wooing my dad," ani Epi. "But the thing with my dad kasi, he has already reached the peak of his career.

"Palagay ko, sa estado ng career niya, hindi na niya kailangang may masaktan pa kung magde-decide nga siya ng ganoon. Di ba, kasi, kapag may lipatan, may wooing na ganyan, may masasaktan? Pero, huwag na sana in the case of my dad," paliwanag pa ni Epi.

Ang laging pino-point out daw ng ama niya, sa gagawin nitong hakbang ay kung paano siya mapoprotektahan ng network na kinabibilangan niya.

"Kahit siguro sa ABS-CBN, yung protektahan, just to save the relationship. It depends on how he's gonna be wooed by GMA-7.

Continue reading below ↓

"I don't really know about this wooing. Wala namang show si Daddy sa ABS-CBN ngayon, kaya sana, hindi na issue yung lumabas siya sa Showbiz Central. Guesting lang naman yun at may ginagawa silang pelikula ni Vic Sotto. Kaya okey lang siguro yun, at walang masasaktan," sabi ni Epi.

Kahit paano, pino-produce ni Mang Dolphy ang Dobol Trobol nila ni Vic, kaya tiyak yun na humingi na rin ng suporta ang komedyante sa GMA-7.

"Wala naman siguro siyang binabangga sa actions niya. I know my father. That's the last thing he would do, to hurt feelings, especially in this business, na rito na siya tumanda," dugtong pa ni Epi.

THE DOLPHY BOOK. On July 25, Dolphy is turning 80. At sa panahong ito'y ilulunsad din ang book, ang official biography ng King of Comedy, Hindi Ko Mararating Itong Mag-Isa.

"Si Bibeth Orteza ang nagsulat, but words from my dad," pahayag ni Epi. "Secrets revealed, sobra! Mababasa na nila finally sa book na yun. With my story alone, for example, may itinago ako sa kanya, kinimkim ko sa kanya yun for nine years.

Continue reading below ↓

"Recently lang niya nalaman ang tungkol doon nang mag-usap kami. Hindi lang kaming magkakapatid. Lahat ng mga tao sa paligid ng daddy ko, at mga taong nagkaroon ng kaugnayan sa buhay niya," banggit niya.

How true na ayaw raw magpa-interview ni Alma Moreno para sa nabanggit na libro?

"I don't know how Bibeth did it," sagot ni Epi. "Baka busy lang. We tried to interview her. Tumulong na ako riyan. Hindi lang talaga magtagpo ang schedule.

"Puwede pa naman. Kasi, kung hindi sa book, I'm sure, kasama siya [Alma] sa DVD special, at baka roon lumabas ang interview on her. Aside from the book, my DVD version pa kasi yun."

After the book, ilulunsad din daw ang Dolphy Foundation for children's free education.

"Para sa mga batang may potensyal talaga, sa anumang field na gusto nila," paliwanag pa ni Epi tungkol sa proyekto.

"May mga susuporta sa amin para sa foundation. Nilapitan na namin sila at willing silang tumulong. Like Mr. Manny Pangilinan, magbibigay siya ng tulong on a monthly basis. Mukhang perpetual na 'yan, para talaga sa mga batang gustong makatapos ng pag-aaral," pagwawakas ni Epi.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Epi Quizon, dolphy
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Secrets revealed, sobra! Mababasa na nila finally sa book na yun. With my story alone, for example, may itinago ako sa kanya, kinimkim ko sa kanya yun for nine years," says Jeffrey Quizon about Hindi Ko Mararating Itong Mag-isa, the official biography of his dad Dolphy (inset), which will be launched on July 25, the Comedy King's birthday.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results