Kristine Hermosa admits feeling "awkward" about report of Oyo Sotto being seen with a socialite

by Melba R. Llanera
Jul 2, 2008
"Every day na dumadaan parang tina-try ko ang best ko na, ‘Okey, ito na yung reality, ito na yung mga things na somehow pini-fear ko na mangyari pero wala, e.' ‘Di ko talaga siya maa-avoid. It's inevitable talaga. So, I guess I just have to face it," says Kristine Hermosa about a report saying "special friend" Oyo Sotto is seen with a socialite.

Ilang beses nang regular na napanood sa programang Wowowee! ng ABS-CBN si Kristine Hermosa. Inakala tuloy ng marami, madadagdag na as regular co-host ng nasabing noontime show ang magandang aktres.

WILLIE, WOOING IN WOWOWEE? Kapansin-pansin din daw sa ilang ulit na appearance niya sa show, ang ilang ulit din na pagpapalipad-hangin ng host ng Wowowee! na si Willie Revillame. May mga nasulat tuloy agad na mukhang si Kristine na raw yata ang bagong apple of the eye ng kontrobersyal na comedian turned TV host.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Kristine sa nakaraang Star Magic Ball na ginanap sa Isla Ballroom ng EDSA Shangri-La Hotel in Mandaluyong City, noong June 29, nagbigay ito ng reaksyon hinggil sa isyung ito.

"Di ba ganun naman siya sa lahat? Baka ganun lang talaga siya. Feeling ko, super-maloko lang talaga siya," ani Kristine tungkol kay Willie.

May kasabihan kasing "jokes are half-meant." Paano raw kaya kung seryosohin talaga ni Papie [bansag kay Willie sa show] ang panliligaw kay Kristine?

Continue reading below ↓

"Alam naman niya kung ano ang sagot ko dun," makahulugang bitaw ng dating bida ng Prinsesa ng Banyera.

Sa pag-co-host ni Kristine sa Wowowee!, obvious na gusto na rin ng mga tao roon na maging regular siya roon. Pero recently ay tuwing Sabado na nga lang siya nakakapag-co-host dahil na rin sa kanyang tight schedule.

"Well, gusto nilang mangyari every day ako dun. Gusto ko rin naman kaya lang, di nagtutugma ang lahat. Ngayon, every Saturday na lang ako sa Wowowee!."

PROJECTS. Nakumpirma kamakailan sa ilang babasahin na si Roxanne Guinoo na ang ipinalit sa pelikulang gagawin ni Willie na Mr. Househusband. Ang pelikulang ito ang dapat sana ay pagsasamahan nina Kristine at Willie. Pero sa di malamang dahilan ay biglang pinalitan na lang si Kristine ni Roxanne. Paliwanag ni Kristine sa PEP, ang Star Magic naman ang nagdesisyon nito.

"Na-mention ‘yan sa akin [the movie], pero di ko alam kung ano ang naging decision nina Mr. M. [Johnny Manahan, Star Magic head]. Hindi naman kasi ako ang nagdedesisyon kung gagawin ko ba ang isang project o hindi.

Continue reading below ↓

"Wala namang masama kung napunta man yun kay Roxanne. Alam mo si Roxanne, gusto ko yun. Mabait siya. Kung anuman ang blessings na napupunta sa kanya, she deserves it and susuportahan ko siya. Saka napagdaanan ko na yung mga napagdadaanan niya ngayon. Okey na ako dun."

Inusisa naman ng PEP kung matutuloy na ba ang soap operang pagsasamahan nina Kristine at ng dati niyang ka-love team at kasintahan na si Jericho Rosales.

"Wala pa rin akong maibibigay na definite na sagot tungkol diyan, but so far, may mga sinasabi sila na may gagawin nga raw kami ni Jericho, pero ayoko namang i-assume [na meron nga] habang wala pa. Sana lang, if ever na matuloy, abangan ng mga tao."

MEETING MS. D. Naging issue before na ayaw daw ni Ms. Dina Bonnevie kay Kristine para sa anak nito na si Oyo Sotto. Consistent naman si Kristine sa pagsasabing magkaibigan lang sila ni Oyo kahit pa nga sobra-sobra ang atensyon na ibinibigay nito sa kanya, na sobra rin naman niyang ina-appreciate.

Continue reading below ↓

Nang tanungin ng PEP kung may development na ba ang panunuyo sa kanya ng aktor at kung naayos na rin ba ang kaunting rift sa pagitan nila ni Ms. D, siniguro ni Kristine sa PEP na walang naging problema sa kanila ng mahusay na aktres.

"Nagkita na kami ni Ms. D at walang naging problema. Sobrang okey siya, sobrang bagets, sobrang cool mom.

"Kami naman ni Oyo, we're still friends. Lagi pa rin kaming nagkikita, lagi pa rin kaming magkasama. Naa-appreciate ko yung effort na ibinibigay niya sa akin. Iba rin naman ang level ng pinagsamahan namin ni Diet [actor Diether Ocampo, her ex], iba rin naman yung pinagsamahan namin ni Oyo. Hindi siya something na maiko-compare mo, kasi totally different level."

AWKWARD FEELING. Consistent din si Kristine sa pagsasabi na hindi na sila madalas na nagkikita at nagkakasama ni Oyo. May mga lumabas na balita before na nakita raw ang aktor na lumalabas kasama ang isang socialite. Inamin naman sa amin ng aktres na nakarating sa kanya ang nasabing mga balita at may kakaiba rin naman daw siyang nararamdaman tungkol dito.

Continue reading below ↓

"May mga naririnig naman ako, kaya lang parang ang awkward lang nung feeling. But I'm getting used to it.

"Every day na dumadaan parang tina-try ko ang best ko na, ‘Okey, ito na yung reality, ito na yung mga things na somehow pini-fear ko na mangyari pero wala, e.' Di ko talaga siya maa-avoid. It's inevitable talaga. So, I guess I just have to face it."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Every day na dumadaan parang tina-try ko ang best ko na, ‘Okey, ito na yung reality, ito na yung mga things na somehow pini-fear ko na mangyari pero wala, e.' ‘Di ko talaga siya maa-avoid. It's inevitable talaga. So, I guess I just have to face it," says Kristine Hermosa about a report saying "special friend" Oyo Sotto is seen with a socialite.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results