Jennica Garcia denies rumor Mart Escudero is already her boyfriend

by Ruel J. Mendoza
Jul 3, 2008
"Hindi ko pa naman sinasagot si Mart. But I will admit na special si Mart sa akin. Not just because he's my ka-love team, but he's also a very great friend. Mas maganda kasi na nagsisimula kayo as friends, di ba?" explains Jennica Garcia about the rumor that she and Mart Escudero are already an item.

Nang tanungin namin ang dalaga ni Jean Garcia, sinabi ni Jennica na hindi naman totoo na sinagot na niya si Mart noong birthday niya. Hanggang ngayon daw ay nasa ligawan stage pa rin silang dalawa.

"Hindi ko pa naman sinasagot si Mart. But I will admit na special si Mart sa akin," ngiti pa ni Jennica. "Not just because he's my ka-love team but he's also a very great friend. Mas maganda kasi na nagsisimula kayo as friends, di ba?"

Tinutupad nga lang ni Jennica ang wish ng kanyang inang si Jean na unahin muna ang ibang importanteng bagay, tulad ng career nito sa showbiz at ang pag-aaral bago ito maging seryoso sa pakikipagrelasyon.

Sey nga ni Jennica, ayaw niyang ma-disappoint ang kanyang mga magulang kung mas uunahin niya ang makipag-boyfriend. Alam naman daw niya kung ano ang tama at mali dahil tinuro naman daw sa kanya iyon ng kanyang mga magulang noong bata pa siya.

Continue reading below ↓

"Hindi ako perfect daughter but I try to be a good one," diin ni Jennica. "Lahat naman ng alam kong hindi nila magugustuhan na gagawin ko ay iniiwasan ko nang gawin. Alam ko na may mga expectations sila sa akin at gusto kong matupad ang lahat ng mga pangarap nila sa akin. Promise ko naman na lahat ng kagustuhan nila ay tutuparin ko."

EXCHANGED SCHOOL FOR KIM SAMSOON. Dapat nga raw ay naka-enroll si Jennica sa St. Joseph 's College para sa kanyang college course. Kaso, biglang dumating ang TV show na Ako Si Kim Samsoon kaya napurnada ulit ang balak niyang mag-fulltime sa pag-aaral.

"Nag-inquire na nga ako ng schedules sa St. Joseph's College noong ibigay sa akin ang taping schedules for Ako Si Kim Samsoon. Hindi talaga magtugma sa mga taping skeds ko ang puwedeng ibigay sa akin ng school.

"Okey sana sa St. Joseph's College kasi maluwag sila sa mga working students. Puwede kang maka-adjust sa schedules nila. Kaso nga ang puwede lang nilang ibigay sa akin ay same taping schedule ko pa. Sayang nga kasi nami-miss ko na ang maging regular na student.

Continue reading below ↓

"Pero promise ko naman na sa next semester kapag medyo okey na ang schedules ko, babalik ako sa school. Promise ko ‘yan kina mama at papa [former matinee idol Jigo Garcia]."

FOR REGINE. Hindi naman daw mapalagpas ni Jennica ang pagkakataon na makatrabaho si Regine Velasquez sa Ako Si Kim Samsoon. Si Jennica ay si Eliza, ang nakababatang kapatid ni Kim Samsoon.

"Bihira dumating ang pagkakataon na ito, di ba? Kaya happy ako to be doing the show with Ate Regine. Masaya kami sa set, kasi pati si Tita Tessie [Tomas] who plays our mother sa show ay nakikipagsabayan sa pagpapatawa sa amin.

"Ito nga ang pinaka-light na role on primetime sa GMA-7 na binigay sa akin after ng Impostora at Babangon Ako't Dudurugin Kita. Dito sa Ako Si Kim Samsoon, hindi ako umiiyak kundi binabatukan naman kasi medyo tanga-tangahan ako rito."

Muli ngang nagbalik ang tambalan nila ni Mart sa naturang show. Nakatatlong shows na nga silang magkatambal (Impostora, Boys Nxt Door at Babangon Ako't Dudurugin Kita) at tanggap na tanggap na nga ang team-up nila.

Continue reading below ↓

"Kapag namamasyal kami ni Mart, may mga nasasalubong kami at sinasabi na nami-miss na nila ang team-up namin. Matagal din kasi kaming walang show na magkasama. Guest role lang kasi kami doon sa Babangon kaya bitin ang mga gustong mapanood kami.

"Ngayon, di na sila mabibitin kasi kami na ulit ang magkatambal sa Ako Si Kim Samsoon. ‘Tapos may mga gagawin pa kaming mga movies sa Regal Entertainment kaya buhay na naman ang mga JenMart fans namin."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Hindi ko pa naman sinasagot si Mart. But I will admit na special si Mart sa akin. Not just because he's my ka-love team, but he's also a very great friend. Mas maganda kasi na nagsisimula kayo as friends, di ba?" explains Jennica Garcia about the rumor that she and Mart Escudero are already an item.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results