Sen. Jinggoy Estrada and Lorna Tolentino explain their side on reported issue against PMPC

by Rose Garcia
Jul 6, 2008
Lorna Tolentino and Jinggoy Estrada flew to the Middle East to attend the showing of their movie Katas ng Saudi. In their Startalk interview, they both answered the issues thrown at them by those who noticed their non-presence at the PMPC Star Awards.


Umalis patungong Middle East ang magkaibigang Sen.Jinggoy Estrada at Lorna Tolentino para sa pagpapalabas doon ngayon pa lang ng nakaraang MMFF entry nila na Katas ng Saudi.

Bagamat naipalabas na sa Singapore, first time naman na mapapanood ng mga Filipino sa Dubai ang naturang movie. Last Wednesday, sabay-sabay ngang pumunta ang dalawang bida nito, along with Jinggoy's wife Prescy Ejercito. Nakuhanan pa ng Startalk ang kanilang pag-alis patungong Dubai.

Ayon kay Jinggoy, ang primary purpose daw ng kanyang pagpunta sa Dubai ay ang mabisita ang mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFW) na nasa death row.

"Para alamin na rin ang kanilang kalagayan at ang mga distressed OFW natin na nasa Abu Dhabi at Dubai. Bilang chairman ng Committee on Labor sa Senado, siguro tungkulin ko rin na tingnan ang ating mga kababayan doon. And, at the same time, ipapalabas din ang pelikula namin ni Lorna."

First travel abroad naman daw ito ni Lorna after her husband Rudy Fernandez passed away. On Jinggoy's part, nami-miss daw niya si Daboy dahil in the past, kasa-kasama nila itong mag-travel.

Continue reading below ↓

LOTS OF THINGS TO DO. Sa ngayon, hindi pa rin talaga masasabing balik-aktibo si Lorna sa kanyang showbiz career. In fact, pag-uwi raw nila pagkagaling ng Dubai, marami pa raw siyang aasikasuhin na may kinalaman sa namayapa niyang asawa.

"Aayusin ko pa ang musoleo ni Rudy at saka...ang dami ko pang aayusin," pahayag nga ng biyuda ni Daboy. "Hindi ko pa nga maayos ang gamit niya, parang hindi ko pa yata magawang talaga."

Sinegundahan naman ito ni Jinggoy. Dapat nga raw matapos ang lahat ng may kinalaman kay Rudy, on or before November 1. Para at least, pagdating ng All Saints Day, maayos na lahat.

RUDY'S THINGS. Sa kabilang banda, wala raw problema kung sino sa tatlong anak ni Daboy ang magmamana ng mga naiwang gamit ng ama. Kasya naman lahat sa tatlong anak niya ang mga gamit ng papa nila, even the shoes, ani Lorna.

Continue reading below ↓

On July 17, ika-40 days na ng kamatayan ni Daboy. At gaya ng nakagawian na sa mga Pinoy, sigurado raw na magpapamisa sila and celebrate with friends and family, doon na rin mismo sa Heritage Park para kasama pa rin nila si Daboy.

RENZ GOING SHOWBIZ. Naitanong din kay LT ng Startalk kung kasama ba sa plano niya ang pagsuporta sa balitang pagpasok na rin ng showbiz ng kanilang anak na si Renz Fernandez dahil may alok ang GMA-7 rito na mag-artista na rin.

"Okey lang...depende sa project. Kaya naman niyang ibalanse ang school niya ngayon at saka, gusto rin naman niya," sagot ni LT.

PMPC ISSUE. Tinanong din ng Startalk kung totoo bang may tampo si Jinggoy sa PMPC (Philippine Movie Press Club) dahil hindi siya na-nominate for Best Actor.

"Wala naman akong sama ng loob sa PMPC," maagap niyang pahayag. "E, kung yun ang nakikita nila, na hindi ako karapat-dapat na ma-nominate bilang Best Actor, e, wala tayong magagawa. Sa isang banda naman, yung ibang award-giving bodies, e, napansin naman ang ating performance sa pelikula at nanalo naman, so, okey lang yun."

Continue reading below ↓

Yun nga lang, nasabay pa ang hindi pagsipot ni Lorna sa nakaraang Star Awards for movies gayong matagal na nilang kompromiso ito.

"May sakit ako," paliwanag naman agad ni LT. "Nagkaroon ako ng severe tension headache na kailangan kong magpa-X-ray at saka MRI [magnetic resonance imaging, medical procedure para makita nang mas detalyado ang loob ng katawan ng tao]. So, yun. Nagpa-checkup na ‘ko. Pasensiya na sila...marami nga ang nagsasabi, matagal na, buhay pa si Rudy, alam na namin. Pero, maraming pangyayari na kailangan siguro, maintindihan din nila."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lorna Tolentino and Jinggoy Estrada flew to the Middle East to attend the showing of their movie Katas ng Saudi. In their Startalk interview, they both answered the issues thrown at them by those who noticed their non-presence at the PMPC Star Awards.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results