Former beauty queen-actress Dindi Gallardo to wed German fiance

by Rose Garcia
Jul 7, 2008
"Next year, we're getting married. But it's very small. Small intimate wedding with families, very close friends. But very small, nothing grand," Dindi Gallardo (in photo, with fiancé Rich Smalley) told Ricky Lo in an exclusive interview in New York.


Last Saturday, July 5, ay ipinalabas sa Startalk ang interview ng TV host-columnist na si Ricky Lo sa dating actress at beauty queen na si Dindi Gallardo, who now resides in New York City. Sa naturang interview ay kasama ni Dindi ang kanyang Manhattan-based German fiancé na si Richard Dean Smalley.

Nagwagi si Dindi ng koronang Bb. Pilipinas-Universe noong 1993, kasama si Ruffa Gutierrez na nanalo namang Bb. Pilipinas-World.

Pinasok din ni Dindi ang mundo ng showbiz at ilan sa mga pelikulang ginawa niya ay ang mga sumusunod: Ikaw ang Miss Universe ng Buhay Ko (1994), Bala at Lipstick (1994), SPO4 Santiago (1996), Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat ng Lupa (1996), Dyesebel (1996), Totoy Mola (1997), Ang Probinsyano (1997), Nang Iniwan Mo Ako (1997), Hanggang Dito Na Lang (1997), Bayad Puri (1998), Sgt. Hidalgo: Bala ng Katarungan (1998), Wangbu (1998), at Serafin Geronimo: Kriminal ng Bo. Concepcion (1998).

Ang huli niyang pelikula ay ang Katawan noong 1999.

Continue reading below ↓

Ayon kay Dindi, she's very happy living in New York City. Nagkakilala raw sila ng kanyang fiancé noong 2003 pa.

Kuwento niya, "He [Rich] was neighbors with a good friend of mine. I was here for the summer. It's back in 2003. My friend introduced us.... there are no sparks. And then, I came back in the fall. That's how we met. We ended up like hanging out and everything, and by the end of the year, we were together."

Next year ang plano nilang magpakasal ni Rich.

"Next year, we're getting married," sabi ni Dindi kay Ricky Lo. "But it's very small. Small intimate wedding with families, very close friends. But very small, nothing grand."

Ricky then asked if they will spend their honeymoon in the Philippines.

"I hope so, " ang matipid na sagot naman ng fiancé ni Dindi.

Rich is a musician by profession. He creates soundtrack for movies. Ayon kay Dindi, Rich collaborated for the sound of her last movie, which she didn't mention.

Continue reading below ↓

Wala na bang balak bumalik sa showbiz ni Dindi?

"Maybe as a director," sagot niya. "I'm writing now. That's what I'm doing. I'm doing film but behind the scenes."

During her career as an actress in the Philippines, isa si Dindi sa na-link noon kay Gabby Concepcion. Hindi pinalampas ni Ricky na kuhanan ng reaction si Dindi sa pagbabalik sa Pilipinas ng dating boyfriend.

Sabi ni Dindi, aware daw siya sa mga news na nangyayari sa Pilipinas.

"Yeah, good for him. I mean, you know, he still looks good. He doesn't look like you know...he doesn't look old. And you know, he's a very good actor. That's what showbiz needs. Maybe he'll bring back those good old days," nakangiting pahayag ni Dindi.
Read Next
Read More Stories About
Dindi Gallardo, Ricky Lo
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story โ†’
"Next year, we're getting married. But it's very small. Small intimate wedding with families, very close friends. But very small, nothing grand," Dindi Gallardo (in photo, with fiancé Rich Smalley) told Ricky Lo in an exclusive interview in New York.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results