Rhian Ramos and JC de Vera irritate Cherry Pie Picache for ignorance about Lino Brocka

by Archie de Calma
Jul 7, 2008
"Ewan kung sino ang sisisihin diyan, pero isa 'yan sa mga bagay na hindi ko talaga nagugustuhan sa karamihan sa mga baguhang artista. Kapatid, kung hindi nila kilala si Lino Brocka, magtanung-tanong sila. Importanteng tao yun...siya ang isa sa mga dahilan kung bakit pinagsisikapan nating buhayin ang industriya at ayusin ang sining natin, di ba?" says Cherry Pie Picache.

Hindi na dapat kinukuwestiyon pa ang kahusayan ng isang Cherry Pie Picache pagdating sa acting. Ang kauna-unahang aktres na nagwagi ng tatlong acting trophies sa Golden Screen Awards—one for Best Performance by an Actress in a Lead Role-Drama para sa Foster Child, another for the same category sa comedy naman for Bridal Shower; and one for Best Supporting Actress para sa Twilight Dancers—ay muling bumobongga sa telebisyon dahil sa kanyang markadong partisipasyon sa Iisa Pa Lamang ng ABS-CBN.

"Ang masasabi ko lang, pagdating sa TV, mas gamay ko talaga ang pagtatrabaho sa ABS-CBN," sabi ni Cherry Pie. "Not for anything else, pero naibibigay nila sa akin yung worth ng pagiging artista ko, in terms of roles.

"Ang huli ko sa kanila ay yung sa Pangarap na Bituin na kontrabida ang role ko, at iba rin naman ang atake ko rito sa bago, sa Iisa Pa Lamang. Talagang sagad-sagaran sa kasamaan ang portrayal ko rito, at gusto kong kainisan ako ng televiewers dahil doon naman masusukat ang effect ng performance ko sa mga makakapanood, di ba?

Continue reading below ↓

"Natapos ko rin yung para sa The Susan Roces Cinema Collections na Florinda, starring Maricel Soriano. Ibang klaseng role din naman 'yan na medyo antagonistic na hindi naman, kasi, parang may sayad ang character ko riyan. I'm sure it's something different," tuluy-tuloy na pagbabahagi ni Pie.

Halos twenty years sa showbiz industry si Pie. Pinakabunso sa mga aktres na narating ang legendary status sa murang edad, pero damang-dama namin kay Pie ang pagyakap niya nang husto sa propesyong minahal niya at patuloy rin naman kasing minamahal siya.

IRRITATED BY JC AND RHIAN. May isang insidente sa nakaraang Golden Screen Awards na ginanap sa Zirkoh, yung parang nakairita kay Pie. Ito ay yung diumano'y ginawa ng dalawa sa hosts ng gabing yun, sina JC de Vera at Rhian Ramos, na may kaugnayan kay Lino Brocka.

"Hindi ko lang naitago talaga yung naramdaman ko that night," nasabi ni Pie. "Importante pa naman yung Lino Brocka Lifetime Achievement Award, na parang ginanoon-ganoon lang si Lino Brocka, kasi, hindi kilala ng mga kabataang artista.

Continue reading below ↓

"Kung hindi man nila alam kung ano ang nakasulat sa cue cards, they could have asked the help of those people na mas nakakakilala. They should have asked for briefing. They should have asked, 'Sino ba itong ipe-present ko?'

"Ewan kung sino ang sisisihin diyan, pero isa 'yan sa mga bagay na hindi ko talaga nagugustuhan sa karamihan sa mga baguhang artista. Kapatid, kung hindi nila kilala si Lino Brocka, magtanung-tanong sila. Importanteng tao yun na kahit wala na siya sa mundo, siya ang isa sa mga dahilan kung bakit pinagsisikapan nating buhayin ang industriya at ayusin ang sining natin, 'di ba?" nasabi na lang ni Cherry Pie.

Yung mga kabataan daw ngayon sa showbiz, most of them, hindi nila talaga alam kung bakit nasa industriya sila.

"You're here because of your craft," sabi pa ni Pie. "Lalo na kung acting ang pinapasok mo. Hindi 'yan yung image lang. Kung host ka or variety performer siguro, mapapagpasensyahan pa 'yan. Pero, akting na ang pinag-uusapan diyan, e.

Continue reading below ↓

"Umaarte ka, e. Hindi mo man alam ang history o hindi mo yun naabutan, alamin mo. Obligasyon mong malaman yun dahil nag-aartista ka," pagsisentimyento pa ni Pie.

PASSIONATE PERFORMER. Definitely, alam ni Pie ang pinasok niya at tiyak niyang dito na rin siya tatanda.

"It's the creating, e," sabi ni Pie. "Yun yung thrill doon. Para kang painter, or sculptor, yung creation mo, pinagbubuhusan mo ng passion. Ganoon din sa akting.

"As an actor, you create your characters. You breathe life to your characters. Nae-express mo yun in so many different ways, sa iba't ibang klaseng roles.

"Yun ang gusto ko, mula sa pagkabata ko. Mahilig nga ako noon sa declamation. I even love to sing, kahit hindi mahilig ang singing sa akin. Hindi kasi ako nag-train doon.

"One of these days, trip kong magpaka-Meryl Streep sa Mamma Mia!. Naku, talagang hindi pa huli ang lahat! Mapapanood nila si Cherry Pie Picache sa isang musical, kumakanta at sumasayaw. Pangarap ko 'yan!" pagwawakas ni Pie.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Ewan kung sino ang sisisihin diyan, pero isa 'yan sa mga bagay na hindi ko talaga nagugustuhan sa karamihan sa mga baguhang artista. Kapatid, kung hindi nila kilala si Lino Brocka, magtanung-tanong sila. Importanteng tao yun...siya ang isa sa mga dahilan kung bakit pinagsisikapan nating buhayin ang industriya at ayusin ang sining natin, di ba?" says Cherry Pie Picache.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results