Emilio Garcia has no problem appearing in gay-themed movies

by Rose Garcia
Jul 8, 2008
"Alam n'yo, kung maganda naman kasi ang kuwento, tulad na lang no'ng Selda. Kung hindi ko tinanggap yun, di ba? At least ngayon, makakarating ako ng Canada, Greece, India... Kumbaga, huwag nilang tanggapin, ako na lang ang tatanggap lahat!" reasons Emilio Garcia about accepting roles in gay-themed movies.


Nagkaroon ng pictorial ang mga bida ng independent/digital gay film na Eskandalo na sina Emilio Garcia at Andrew Schimmer sa studio ng photographer na si Edward dela Cuesta kahapon, July 7. Sa naturang pictorial ay nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Emilio.

Hindi itinatago ng aktor ang nararamdaman pa rin niyang kaligayahan pagkatapos niyang manalo bilang Best Supporting Actor sa Gawad Tanglaw at Star Awards for Movies para sa pagganap niya sa isa pang gay indie film, ang Selda. Finally, nakasungkit na rin daw siya ng acting award.

"Masaya talaga!" bulalas ni Emilio. "Siyempre, ang tagal-tagal nating hinintay ‘to. After 12 years sa showbiz, ngayon lang tayo nanalo talaga ng award. Before, puro nomination lang. So, okey lang naman kasi akala ko nga, matagal pa talagang darating. Awa naman ng Diyos, nakumpleto ako ngayon."

Naniniwala naman daw siya na kanya-kanyang opinyon ang mga tao sa mga nanalo. Aware naman daw siya na hindi pa rin nawawala ang ilang nagtatanong o nagdududa minsan kapag nanalo ang isang artista. Pero nagpapasalamat siya na wala naman kumukuwestiyon kung siya man ang nakapag-uwi ng tropeyo for Best Supporting Actor.

Continue reading below ↓

"Siguro, baka nag-timing lang din na wala sigurong masyadong nag-entry for Best Supporting. Pero hindi ko rin alam kung gaano karami. Sabi ko nga, kanya-kanya naman kasing opinion ‘yan at timing-timing lang din," saad ng award-winning actor.

MORE DARING. Para kay Emilio, mas daring daw ang Eskandalo kung ikukumpara sa Selda. May eksena kasi sa Eskandalo—na idinirek ni Joven Tan—kung saan pinasukan siya ng Stabilo marker sa behind niya ng love interest niya rito na si Andrew Schimmer. Bukod pa raw rito ang shower scene nila.

"Mas pa-girl kasi ako rito," sabi ni Emilio. "Teacher ang role ko na may pagka-conservative. At sa edad ko rito na 35, first time ko na gagawin ang magladlad. So medyo late bloomer."

Hindi raw alam ni Emilio kung gaano kalaki o kaliit ang similarity ng ilang scenes sa Eskandalo sa controversial YouTube video tungkol sa eskandalong naganap sa isang hospital sa Cebu City, kung saan isang gay ang nakunan ng video habang inooperahan.

Continue reading below ↓

"Nakita ko sa YouTube yun dati. Pero kasi, yun ang alam ko roon, nirereklamo ang mga doctor, nagtatawanan. Pero kami naman dito, walang nagtatawanang doctors. So, hindi puwedeng sabihing ginaya. Nagkataon lang siguro na parehas ng konti, pero hindi, e. 'Eto kasi, ginawan nila ng istorya kaya iba talaga," paliwanag ni Emilio.

NO PROBLEM WITH GAY FILMS. Nagsimula si Emilio bilang modelo, hanggang sa mapasabak siya sa mga sexy roles, naging action star din, at ngayon, nalilinya naman siya sa gay films. Katuwiran niya, wala raw siyang problema with gay films.

"Alam n'yo, kung maganda naman kasi ang kuwento, tulad na lang no'ng Selda. Kung hindi ko tinanggap yun, di ba? At least ngayon, makakarating ako ng Canada, Greece, India... This year, pupunta yata kami ro'n for an international festival abroad. Kumbaga, huwag nilang tanggapin, ako na lang ang tatanggap lahat!" biro niya.

But on a serious note, "Sa tingin ko, isa rin yun sa maireregalo ko sa pamilya ko pagdating ng panahon, na maipagmamalaki rin nila ang kanilang tatay na hindi lang isang artista kundi may napatunayan din kahit paano."

Continue reading below ↓

Tatlo na ang anak ni Emilio na ang mga edad ay 11 at 7 years old, at 3 ½ months. Parehong babae ang naunang dalawa at ang bunso ang bukod-tanging lalaki. Yung mga shows lang daw niya sa telebisyon ang mga napapanood ng kanyang mga anak, pero sa pelikula ay wala pa raw.

"Well, siyempre, alam naman nila, maaga pa lang sinabihan ko na sila na, ‘Ito ang trabaho ni Daddy.' So, alam na nila kung paano. Ang bata naman, sabihan mo lang, ‘Eto ang trabaho ko, e. Hindi pa kayo buhay, trabaho ko na ‘to.' Alam naman nila kung pang-adult, pang-adult. Natutuwa naman ako sa mga anak ko dahil matatalino naman sila."
Read Next
Read More Stories About
Emilio Garcia
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Alam n'yo, kung maganda naman kasi ang kuwento, tulad na lang no'ng Selda. Kung hindi ko tinanggap yun, di ba? At least ngayon, makakarating ako ng Canada, Greece, India... Kumbaga, huwag nilang tanggapin, ako na lang ang tatanggap lahat!" reasons Emilio Garcia about accepting roles in gay-themed movies.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results